You are on page 1of 7

Talam Buhay ni Jose Rizal

Kapanganakan ni Jose Rizal

Ang kapanganakan ni Jose Rizal ay June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang mga
magulang ni Jose Rizal ay sina Doña Teodora Alonso Realonda at Don Francisco
Mercado.

Buong pangalan ni Jose Rizal: José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda


Kaarawan ni Rizal: June 19, 1861
Mga magulang ni Jose Rizal: Doña Teodora Alonso Realonda at Don Francisco
Mercado

Ang Batang Rizal


Nagsimula ang buhay ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna kung saan siya ipinanganak at lumaki.
Ang pamilya nina Rizal ay isa sa mga pinakasikat at pinakamayaman sa kanilang bayan. Ayon
sa mga eksperto, ang ang buhay ni Jose Rizal noong kanyang kabataan ay hindi naiiba sa
ordinaryong bata dahil maging siya ay nagkukuwento rin tungkol sa kaniyang mga crush at
pinapalo rin siya kapag may nagawang hindi maganda. Ang kaibahan lang ni Rizal sa
ordinaryong bata ay siya ay isang matalinong bata. Ang kaniyang nanay na si Teodora Alonso,
kaniyang tiyahin, at si Justiniano Aquino Cruz ang nagsilbing unang mga guro ni Rizal. Sa edad
na 3, natutunan na ni Rizal ang alpabeto sa tulong ng kaniyang ina, habang sa edad na 5 ay
marunong na siyang magbasa at magsulat. Kung hinahanap mo kung saan nag aral si Jose
Rizal, ang sagot dito ay marami kung saan nabuo at nahubog ang iba’t ibang mga katangian ni
Jose Rizal.

Noong 11 taong gulang si Rizal ay nag-aral siya sa Ateneo na noo’y sa Intramuros sa Maynila
pa nakatayo pero bago pa siya magsimulang mag-aral doon ay tinanggihan muna siya ng
paaralan. Pero sa tulong ng koneksiyon ng kanilang pamilya, pinayagan at nakapasok na si
Rizal sa premyadong paaralan kahit hindi maalam si Rizal sa wikang Espanyol. Hindi naging
madali at masaya ang unang mga araw ni Rizal sa Ateneo. Nakaramdam siya ng lubos na
kalungkutan dahil tingin niya ay nag-iisa lang siya doon dahil karamihan sa mga kaklase niya ay
mga mestizo habang siya ay kayumangging Pilipino.Nang tumagal ay nakasanayan din ni Rizal
ang buhay sa Ateneo at sa katunayan nga ay isa siya sa mga pinakamatalinong estudyante
roon. Halos lahat ng asignatura ay magaling si Rizal kaya nagtapos si Rizal sa Ateneo ng may
karangalan.

Para naman pagbigyan ang hiling ng tatay niya, nag-exam din siya sa Colegio de San Juan de
Letran pero kalauna’y sa Ateneo Municipal de Manila siya pumasok at nagtapos bilang isa rin
sa pinakamagaling na estudyante. Tumanggap siya ng karangalang sobresaliente or
outstanding. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral niya sa Ateneo para makakuha ng degree sa
land surveyor and assessor. Kasabay nito ay kumuha rin siya ng pre-law course sa University of
Santo Tomas kung saan nagtapos din siya ng may excellent mark. Nang malaman ni Rizal na
mabubulag ang kaniyang nanay, nagdesisyon siyang mag-aral ng medisina sa UST at kunin
ang kursong ophthalmology. 
Ang Mga Nagpatibok sa Puso ni Jose Rizal

Seiko Usui
Gertrude Beckett
Suzanne Jacoby
Nellie Boustead
Josephine Bracken

Mga Natatanging Isinulat ni Jose Rizal

Mababatid mo kung sino si Jose Rizal, mga karanasan ni Dr Jose Rizal, at


kaniyang mga ipinaglalaban sa kaniyang mga naisulat. Malaking bahagi ng
buhay ni Jose Rizal ay ang kaniyang mga naisulat dahil ilan sa mga ito ang
nagmulat sa mga Pilipino tungkol sa karahasan ng mga Espanyol. Ang
pinakatanyag sa kaniyang mga naisulat ay ang Noli Me Tángere (Touch
Me Not) at El filibusterismo (The Reign of Greed) kung saan isiniwalat niya
ang karahasan at hindi magagandang gawain ng mga Espanyol na prayle
at opisyal ng gobyerno. Ang mga librong ito ay nagmulat sa mata ng
maraming Pilipino na ilan sa naging ugat ng himagsikan para sa kalayaan
ng Pilipinas.

Pero bukod sa mga ito ay tanyag din Ang Tsinelas ni Jose Rizal at ang tula
na Sa Aking Mga Kabata. Ang Tsinelas ni Jose Rizal ay sumasalamin sa
magandang pag-uugali ni Rizal gaya ng pagiging selfless. Ito ay tungkol sa
karanasan niya. Habang naglalaro sa may ilog ay nalaglag ang tsinelas ni
Rizal at mabilis na inagos ng tubig. Hindi niya ito nakuha dahil sa bilis ng
agos. Kaya ang ginawa niya ay itinapon na lang ang isa pang tsinelas ni
Rizal at umaasa na sana raw ay mahabol ng kaniyang tsinelas ang
kapares nito para kumpleto itong makukuha ng sinomang makakita rito.

Katangian ni Jose Rizal


Si Rizal, ayon sa mga eksperto, ay maliit at hindi kagwapuhan kaya baka
magtaka kayo kung bakit kahit ganoon ay marami pa rin siyang babaeng
napapaibig. Ito ay dahil sa magaganda at natatanging katangian ni Jose
Rizal. Si Rizal kasi ay makisig, matapang, matalino, mapagbigay, at
mapagmahal sa pamilya at Inang Bayan. 
El Filibusterismo Buod ng Buong Kwento
Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na
naglalakbay. Lulan nito ang maraming taong papunta sa Laguna. Ilan
sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang mga
pari.

Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang ito’y


makarating sa San Diego. Doon ay nakita niya ang mag-aalahas na si
Simoun. Nang magtanggal ito ng salamin ay nakilala niyang iyon si
Juan Crisostomo Ibarra. Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang
hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip niyang parehas sila ng
kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa si Basilio sa
planong paghihiganti sa Pamahalaang Kastila. Ngunit ito ay
tinanggihan ni Basilio. Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang
mga mag-aaral na Pilipino upang makapagtayo ng isang akademya ng
wikang Kastila. Ngunit hindi ito pinagtibay dahil mga pari ang
namamahala dito. Nang muling magkanaig ni Simoun si Basilio ay
muli niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa gagawing
paghihigmasik. Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na
sapilitang papasok sa kumbento upang agawin si Maria Clara. Sa
kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil binawian din ng buhay
ang dalaga kinahapunan. Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang
mga mag-aaral, sa Panciteria na pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga,
dahil sa masama ang kanilang loob dala ng pagkabigo ng kanilang
kahilingan patungkol sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.
Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng talumpatian sa loob din ng Panciteria.
Kinaumagahan ay makikita ang mga paskin sa pinto ng Pamantasan
na naglalaman ng mga paghihimagsik. Pinagbintangan ang mga
mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito kasama si
Basilio. Labis ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.
Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang
humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga
kamag-anak nila ang mga mag-aaral maliban kay Basilio. Hinalay ni
Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang
dalaga at agad namatay.

Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na


paghihiganti. Upang maisagawa iyon, sumanib siya sa negosyo ni Don
Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Ipinagkasundo niyang ipakasal si
Paulita kay Juanito. Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may
mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang dalawang buwan,
nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit tuluyan
na siyang nakiisa sa paghihimagsik na balak ni Simoun. Nalaman ng
mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng talumpatian sa loob din ng Panciteria.
Kinaumagahan ay makikita ang mga paskin sa pinto ng Pamantasan
na naglalaman ng mga paghihimagsik. Pinagbintangan ang mga mag-
aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito kasama si Basilio.
Labis ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.Hinimok ni
Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi ng
tulong sa pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila
ang mga mag-aaral maliban kay Basilio.Hinalay ni Padre Camorra si
Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga at agad
namatay.Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano
na paghihiganti. Upang maisagawa iyon, sumanib siya sa negosyo ni
Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Ipinagkasundo niyang ipakasal
si Paulita kay Juanito. Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may
mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang dalawang buwan,
nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit tuluyan
na siyang nakiisa sa paghihimagsik na balak ni Simou
Mga Tauhan sa El Filibusterismo
Simoun
Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere. Nagpanggap siyang
mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais
niyang paghigantihan. Naging kaibigan at taga-payo din siya ng Kapitan Heneral.
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kalaunan ay naging kakampi
siya ni Simoun.
Isagani
Ang makatang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isa
rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng
eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.

Kabesang Tales
Naghangad ng karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari. Siya’y
kasama sa mga naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan.
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Juli
Anak ni Kabesang Tales at apo ni Tandang Selo. Siya ang nobya ni Basilio na
hinalay ng paring matagal nang may pagnanasa sa kanya.
Kapitan Heneral
Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Siya din ay naging kaibigan ni Simoun.
Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga
suliraning pampaaralan.
Juanito Pelaez
Ang kubang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga
propesor at nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Siya ang
nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli ng storya.
Donya Victorina
Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina.
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay Juli. Nagkaroon siya ng sugat sa
kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay liwaliwan.
Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino
Ang amain ni Isagani na pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago
siya malagutan ng hininga.
Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning ligal.
Don Custodio (Don Custodio de Salazar y Sanchez de
Monteredondo)
Kilala rin sa tawag na “Buena Tinta”. Sa kanyang mga kamay nakasalalay kung
pahihintulutan ang Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.
Quiroga
Isang Intsik na mangangalakal na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Sa
kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni Simoun ang mga sandata at
pulbura na gagamitin sa himagsikan.
Hermana Bali
Humimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra na mapalaya ang
kasintahang si Basilio.
Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglingkuran ni Juli noong mga
panahon na kaylangan niya ng pandagdag na salapi para may maipantubos sa
ama na binihag ng mga tulisan.
Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtanghal sa perya.
Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Kabesang Andang
Ina ni Placido Penitente na taga-Batangas.
Pepay
Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Siya rin
ang hinilingan ng mga mag-aaral na kumumbinsi kay Don Custodio para
suportahan nito ang paaralang nais nila.
Camaroncocido
Isang Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas
na anyo.
Tiyo Kiko
Isang matandang lalaki na sinasabing matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Tano
Kapatid ni Juli, anak ni Kabesang Tales, at  apo ni Tandang Selo.
Gertrude
Mang-aawit sa palabas.
Serpolette
Isang mang-aawit sa palabas na kaibigan ni Padre Irene
Paciano Gomez
Kapatid ni Paulita Gomez.
Tadeo
Estudyanteng tamad mag-aral at nagdadahilang maysakit ngunit nakakapasa pa
rin sa klase.

You might also like