You are on page 1of 4

Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias.

Isang bapor na
nangangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna. Nakasakay ang
mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani.Si Basillo ay nakarating sa San Diego upang
dalawin ang yumao niyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Di-inaasahang nagkita niya si
Simoun na nakilalang si Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari. Tinangka ni Ibarra na
patayin si Basillo ngunit nagdesisyon siya na samahin si Basillo sa layuning maghiganti sa
mga Kastilla. Tinanggihan ng binata nang dahil nais niyang makatapos sa pag-aaral.Ang mga
mag-aaral na Pilipino ay samantalang naghain sa isang kahilingan na itatag ang isang
Akademiya ng Wikang Kastila ngunit hindi ipinagtibay nang dahil sa pamamahala ng mga
pari.Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga magkaisa sa paghimagsik sa Sta.
Clara para agawin si Maria Clara ngunit binawian ng buhay ang dalaga maghapon.Samantala,
ang mga mag-aaral ay pumunta sa isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto
upang magtalumpati laban sa mga pari na hindi ipinagtibay ang pagpapatayo ng Akademya ng
Wikang Kastila.Ang unibersidad, kinabukasan ay natagpuan na may mga paskin na
naglalaman ng paghihimagsik. Dahil dito ay ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral
at nadamay si Basillo.Tuluyan ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli upang ipalaya ang
binata. Pinilit din siya ni Hermana Bali sa kadahilanang ang pari ay nag-iisang maaring
lapitan.Napawalang-sala ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-anak nila
maliban kay Basillo na wala siyang kamag-anak.Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni
Padre Camorra ang panghahalay sa kanya.Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti
sa pamamagitan ng pakikipagsanib niya sa negosyo ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni
Juanito, na ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez, na ang ninong ay ang Kapitan
Heneral.Nakalaya si Basillo makalipas ng dalawang buwan sa tulong ni Simoun. Tinanggap ni
Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa pangyayaring ito at ang pagkamatay ni Juli.Ipinakita
ni Simoun ang lamparang granada na itanim niya bilang handog sa kasal ni Juanito at Paulita
na king itataas ang apoy matapos malabo ng dalawampung minuto ay magpuputok ng malaki
bilang senyas na magsisimula na ang paghihimagsik.Sa araw ng kasal ay nasimula na nila
ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na dating kasintahan ni Paulita Gomez. Ipinagtapat ni
Basillo ang plano kay Isagani at binalaang umalis para hindi na madamay.Nang iniutos ng
Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay Padre Irene, biglang inagaw ni Isagani
at inihagis ang lampara sa ilog.Nabigo ang balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni
Padre Florentino.Uminom siya ng lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para
hindi na siya aabuting buhay. Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni
Padre Florentino ang naiwang alahas ni Simoum.
Talagang nakakamangha at matapang ang ginawa ni Dr. Jose Rizal
naipapakita ditto ang kakayahan at talino ng mga mamamayang
Pilipino, ginawa niya ito dahil sa pananakop nga mga kastila at ito sa
isang paraan para Manalo sa laban kaya gumawa siya ng el filibusterismo.
Makikita mo ditto ang mga pangyayari sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Naging
interesado ako nang basahin kong muli ang akda dahil sa taglay nitong
pumukaw sa isipan ko, napakaraming damdamin ang pinalitaw ni Jose
Rizal sa mga karakter ng Nobela kung saan mauunawaan ng mga inaapi
ang kanilang sinsapit, may mga tauhan, tulad ni Kabesang Tales, na
pinahirapang husto ng mga kastila dahil sa kawalang hiyaan nila at ay
mga tauhan tuladni Basilio na binago ang isip dahil sa pagnanais niyang
maghiganti. Ang akda ay punong puno ngsidhi at galit halos lahat ng mga
karakter ay minomotiba ng kanilang puot na nararamdaman upang
gumawa ng mga bagay. Ang mga layunin ng karakter ay maliwanag.
Kailangang makapaghigante, makapatay man o hindi. Kailangan
mapatalsik ang baluktot na mamumuno ng kanilang lipunan. Sa
kabuuan, ako ay natuwa sa El Filibusterismo sa pagbabagong naganap
paguugali ng mga pangunahing tauhan at kung paano ipinakita ni Rizal
ang mga suliraning paipunan sa ating bansa. hindi man nagging
matagumpay ang plano ni Simoun sa Nobela, ngunit nagtagumpay
naman si Rizal sa pagbuhay at paggising sa damdaming nasyonalistiko ng
mga Pilipino. Nagtagumpay si Rizal sa pagpukaw ng damdamin ng mga
Pilipno. Bilang isang estudyante gusto kong ipakita sa lahat ang
kakayahan ng mga Pilipino di lang sa pag tatrabaho kung hindi kaya rin
nating makapagsalita at makipag halobilo sa iba, bilang isang
mamamayang pilipino talagang naka pukaw ito ng atensyon sa mga tao
at sa aming mga estudyante dahil di hadlang ang pagiging isang
mamamayang Pilipino. Sana ay nakatulong ito sa lahat hindi lang sa akin
kundi para sa lahat ng mga Pilipino. Talagang si Jose Rizal ay sobresaliente.
Mga Tauhan:
Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay
Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga
prayle
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
Ben-zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan
Padre Florentino
Ang amain ni Isagani
Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong
Kastila
Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya
ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya
Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

You might also like