You are on page 1of 3

Buod ng EL

FILIBUSTERISMO
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na
isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal
Alonzo y Realonda).Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at
hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila. Ito ang buong buod ng nobeling
ito:Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias.Isang bapor na nangangalang Bapor
Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna. Nakasakay ang mag-aalahas na si Simoun,
Basillo, at Isagani.Isang bapor na nangangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at
Laguna. Nakasakay ang mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani.Si Basillo ay nakarating sa San
Diego upang dalawin ang yumao niyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Di-inaasahang nagkita niya si
Simoun na nakilalang si Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari.Tinangka ni Ibarra na patayin si
Basillo ngunit nagdesisyon siya na samahin si Basillo sa layuning maghiganti sa mga Kastilla.
Tinanggihan ng binata nang dahil nais niyang makatapos sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral na Pilipino
ay samantalang naghain sa isang kahilingan na itatag ang isang Akademiya ng Wikang Kastila ngunit
hindi ipinagtibay nang dahil sa pamamahala ng mga pari.Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling
inalok nga magkaisa sa paghimagsik sa Sta. Clara para agawin si Maria Clara ngunit binawian ng buhay
ang dalaga maghapon. Samantala, ang mga mag-aaral ay pumunta sa isang salu-salo sa Panciteria
Macanista de Buen Gusto upang magtalumpati laban sa mga pari na hindi ipinagtibay ang
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.Ang unibersidad, kinabukasan ay natagpuan na may mga
paskin na naglalaman ng paghihimagsik. Dahil dito ay ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral
at nadamay si Basillo.Tuluyan ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli upang ipalaya ang binata.
Pinilit din siya ni Hermana Bali sa kadahilanang ang pari ay nag-iisang maaring lapitan. Napawalang-
sala ang mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-anak nila maliban kay Basillo na wala
siyang kamag-anak.Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre Camorra ang panghahalay sa kanya.
Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan ng pakikipagsanib niya sa negosyo
ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez, na ang
ninong ay ang Kapitan Heneral. Nakalaya si Basillo makalipas ng dalawang buwan sa tulong ni Simoun.
Tinanggap ni Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa pangyayaring ito at ang pagkamatay ni
Juli.Ipinakita ni Simoun ang lamparang granada na itanim niya bilang handog sa kasal ni Juanito at
Paulita na king itataas ang apoy matapos malabo ng dalawampung minuto ay magpuputok ng malaki
bilang senyas na magsisimula na ang paghihimagsik
Sa araw ng kasal ay nasimula na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani na dating kasintahan ni
Paulita Gomez. Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at binalaang umalis para hindi na
madamay. Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay Padre Irene, biglang
inagaw ni Isagani at inihagis ang lampara sa ilog. Nabigo ang balak ni Simoun kaya pumunta siya sa
bahay ni Padre Florentino. Uminom siya ng lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para
hindi na siya aabuting buhay. Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni Padre
Florentino ang naiwang alahas ni Simoum.
Name:Vanessa Mae Note

You might also like