You are on page 1of 2

ESTRADA, RUFA N.

BSBA-FM 2nd YEAR


RIZAL

EL FILIBUSTERISMO (BUOD)

EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Jose Rizal

Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias. Isang bapor na nangangalang
Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna. Nakasakay ang mag-aalahas na
si Simoun, Basillo, at Isagani. Si Basillo ay nakarating sa San Diego upang dalawin ang yumao
niyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Di-inaasahang nagkita niya si Simoun na nakilalang si
Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari. Tinangka ni Ibarra na patayin si Basillo ngunit
nagdesisyon siya na samahin si Basillo sa layuning maghiganti sa mga Kastilla. Tinanggihan ng
binata nang dahil nais niyang makatapos sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral na Pilipino ay
samantalang naghain sa isang kahilingan na itatag ang isang Akademiya ng Wikang Kastila
ngunit hindi ipinagtibay nang dahil sa pamamahala ng mga pari. Nagkita muli si Simoun at
Basillo at muling inalok nga magkaisa sa paghimagsik sa Sta. Clara para agawin si Maria Clara
ngunit binawian ng buhay ang dalaga maghapon. Samantala, ang mga mag-aaral ay pumunta
sa isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto upang magtalumpati laban sa mga
pari na hindi ipinagtibay ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Ang unibersidad,
kinabukasan ay natagpuan na may mga paskin na naglalaman ng paghihimagsik. Dahil dito ay
ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral at nadamay si Basillo. Napawalang-sala ang
mga mag-aaral nang kanilang nilakad ng mga kamag-anak nila maliban kay Basillo na wala
siyang kamag-anak. Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre Camorra ang panghahalay
sa kanya. Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan ng pakikipagsanib
niya sa negosyo ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na ipinagkasundo na ipakasal kay
Paulita Gomez, na ang ninong ay ang Kapitan Heneral.Nakalaya si Basillo makalipas ng
dalawang buwan sa tulong ni Simoun. Tinanggap ni Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa
pangyayaring ito at ang pagkamatay ni Juli. Ipinakita ni Simoun ang lamparang granada na
itanim niya bilang handog sa kasal ni Juanito at Paulita na king itataas ang apoy matapos
malabo ng dalawampung minuto ay magpuputok ng malaki bilang senyas na magsisimula na
ang paghihimagsik. Sa araw ng kasal ay nasimula na nila ang plano. Nakita ni Basillo si Isagani
na dating kasintahan ni Paulita Gomez. Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at
binalaang umalis para hindi na madamay. Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang
mitsa ng lampara kay Padre Irene, biglang inagaw ni Isagani at inihagis ang lampara sa ilog.
Nabigo ang balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino. Uminom siya ng
lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi na siya aabuting buhay.
Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni Padre Florentino ang naiwang
alahas ni Simoun.

You might also like