You are on page 1of 3

Tagapagulat: CYTHEL G.

FRIO BSED-FILIPINO S38

TALAMBUHAY

Ang talambuhay ay tala ng mahahalagang impormasyon sa buhay ng tao.

May tatlong paraan ang paglalahad nito.

1. Paglalahad ng mga makukulay na pangyayari sa buhay na dinadakila ng

nakapagtipon.

2. Pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari tungkol sa buhay ng taong

pinapaksa.

3. Paglalahad ng sariling talambuhay.

Narito ang isang halimbawa ng talambuhay bilang lunsaran sa paksang uri ng

pangngalan.

Ang Talambuhay ni Ferdinand Torres

Isinilang si Ferdinaand Torres noong ika-8 ng Hunyo, 1973 sa maliit na barangay ng

Talibaew, bayan ng Calasiao. Lima silang magkakapatid at siya ang bunso. Naging

masunurin at mabait na anak nina G. Panfilo Torres at Gng. Villa Torres si Ferdinand.

Maliit pa si Ferdinand ay kinahiligan na niyang magturo sa kapwa kalaro.

Bagamat mura pa ang pag-iisip, pinapahalagahan na niya ang paggalang sa

nakatatanda at pag-ibig sa Diyos.


Sa gulang na anim na taon, ipinasok siyang kinder sa St. Paul Parish School. Nakamit

niya ang unang karangalan sa pagtatapos sa kinder kaya laking tuwa ng kanyang mga

magulang. Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng elementarya sa Calasiao Central Pilot

School. Ngunit di-inaasaahang pangyayari ay nagkaroon siya ng sakit sa puso noong

nasa ikaapat na baitang. Pinatigil siya ng doctor sa kanyang pag-aaral. Hindi nawalan

ng pag-asa ang kanyang mga magulang.

Sa halip, hinayaan siyang mamahinga muna. Sa bahay nakahiligan niyang magbasa ng

mga pang-araw-araw na pahayagan, aklat ni Jose Rizal, mga aklat na sinulat ng iba’t

ibang manunulat, local man o banyaga at higit sa lahat, ang Bibliya. Habang siya’y may

sakit, hindi rin napagod ang kanyang mga magulang na dalhin siya sa iba pang

dalubhasang manggagamot. Pinakakain siya ng masustansiyang gulay at prutas. Higit

sa lahat, ang pagtawag sa Panginoon ay hindi kinaligtaan ng kanyang pamilya.

Naging himala ang pagkapawi ng kanyang karamdaman. Ang paniniwala ng kanyang

pamilya’y ginamot siya ng Diyos, Nagpatuloy na naman siya ng kanyang pag-aaral.

Mula sa ikaapat na baitang, biglang lundag siya sa pangalawang taon sa Calasiao

Comprehensive National High School dahil nakapasa siya sa Philippine Educational

Placement Test.

Sa kasalukuyan, nag-aaral siya sa kolehiyo ng Edukasyon ng University Of

Pangasinan at nagpapakadalubahasa sa Filipino.

ANUNSYO

Mabisang gawing lunsaran ng ralin ang mga anunsyong narinig sa radio, nakikita sa

bilbord at napapanood sa telebisyon. Halos naisasaulo na ng mga bata ang mga salita
at awiting kasama ng anunsyo. Wiling-wili ang mga bata sa pag-aaral ng mga araling

ginagamitan ng anunsyo sa pagtuturo, nagiging malikhain, nahahasang umarte,

nagkakaroon ng tiwala sa sarili, at nalilinang ang talasalitaan ng mga mag-aaral.

Narito ang isang halimbawang paraan kung paano gagamitin ang anunsyo bilang

lunsaran ng aralin.

1. Pangkatin ang klase sa apat. Pumili ng lider sa bawat pangkat.

2. Ibigay ang anunsyong pamilyar sa mga bata at ang paksang iaangkop sa

anunsyo.

3. Palitan ng mga salitang ginamit sa anunsyo ng mga salitang bagay sa paksang-

aralin.

4. Subaybayan at tulungan ang mga bata kung kinakailangan.

You might also like