You are on page 1of 3

Bukidnon State University

Malaybalay City
College of Education
Bachelor of Secondary Education
First Semester 2022-2023
BSED-FIL-2A

WIKA AT
KOLONYALISMO

Ipinasa kay:
Dr. Judith C. Singcolan

Ipinasa ni:
Aryhen Mae D. Rañoa
Introduksyon

Sa panahon natin ngayon, alam naman siguro nating lahat na mas


nangingibabaw ang mga makabagong teknolohiya na naglipana sa kahit
saang bansa sa buong mundo. Kung kaya`t marami na sa ating mga
kababayan ang tumatangkilik dito. Pero kamusta na kaya ang kalagayan ng
ating wika sa panahon kung saan yumayabong ang mass media at
teknolohiya?

Bilang isang Pilipino nakasanayan na nating gumamit ng ating


sariling wika. Sapagkat nakakapagmas makabayan ito at
nakakapagpahayag tayo ng ating sariling saloobin. Ginagamit din natin ang
ating wika upang makipagkomunikasyon sa ating kapwa Pilipino. Ngunit
sa pagdaan ng mga panahon, ang ilang mga Pilipino lalong lalo na ang
kabataan ay naging “Jejemon”. Ang Jejemon ay ang mga taong ganito kung
makipagusap o makipagkomunikasyon. (tingnan ang larawan sa ibaba.)
Kung may Jejemon, mayroon namang mga Pilipino na nawiwili sa “Kpop”.
Ang Kpop ay ang tawag sa kategorya ng musika na nagmula sa Timog
Korea. At dahil sa pagkawili ng mga Pilipino sa Kpop lalo na ang mga
kabataang Pilipino, nagkaroon na sila ng interes sa wika nito. Sila rin ay
nagdadamit na nang katulad sa mga koryanong/koryanang kanilang
iniidolo.At sa pagdaan ng mga panahon, ang mga pilipinong bakla o beki
(mga lalaking umaasta na parang babae) ay nakapagbuo narin ng kanilang
sariling linggwahe na tinatawag na “Gay Language” o Salitang Beki. Dahil
sa patuloy na pagusbong ng mga makabagong teknolohiya, marami na sa
ating mga Pilipino ang hindi gumagamit ng ating sariling wika, sapagkat
ginagaya na nila ang kanilang mga naririnig, nakikita at nababasa sa iba’t
ibang media, tulad ng Internet, Telebisyon, Telepono (cellphone) at iba pa.
Kaya malaki ang epekto nito sa kalagayang pangwika ng kulturang
Pilipino.Ganon pa man, atn paring pagyabungin at paunlarin ang ating
sariling wika, para sa kapakanan ng ating bansa.

Biktima ang kaluluwa ng ating bansa ng ating madugong kasaysayan.


Dahil sa likas na yaman ng ating arkipelago, pinag-agawan tayo ng
mgadayuhang mananakop. Nagtagal nang halos apat na siglo ang
atingpagiging kolonya ng Espanya, at makikita ang malaking epekto nito sa
atingmga wika at literatura. Masyadong maraming mga katagang
Kastilaang makikita sa Tagalog, Hiligaynon, Kinaray-a, Cuyunon at iba
pangmga wika. Katunayan, marami sa aming taga-Antique ang tumutukoy
sa aming puso na “korason," mula sa Kastilang “Corazon." Ang Chavacano
ngZamboanga at Cavite ay parang Kastila sa pandinig, kung kaya angtawag
dito ay “bastardized Spanish." Nang talunin ng mga Katipuneroang mga
Kastila noong Rebolusyong 1896, sinakop naman tayo ng mgaAmerikano sa
bisa ng Treaty of Paris. Ipinadala nila noong 1904 ang barkong S.S. Thomas
kung saan lulan ang mga gurong Amerikano, tinaguriang Thomasites, na
nagturo sa ating mag-Ingles. Dahil likas na magagalingtayong mga Pilipino,
agad nating natutunan ang wikang ito. Sangayon, marami na tayong
magagaling na manunulat sa Ingles katulad ngmga Pambansang Alagad ng
Sining para sa Literatura na kinabibilangan nina Nick Joaquin, F. Sionil Jose,
N.V.M. Gonzales, at Edith L. Tiempo. Kahit hindinagtagal ang pananakop
ng mga Amerikano, naiwan naman nila ang impluwensya ng wika. Ang
Ingles ay opisyal na wika ngayon ngpamahalaan at kalakalan. At ang
pinakamasaklap sa lahat, ito ang nagingpangunahing wika ng ating mga
paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Nagingmatindi ang ating pag-iisip na
kolonyal. Ang Wikang Filipino sa Edukasyon. Marami nang mga hakbang
na ginawa ang iba't ibang sektor upang malinangang wikang pambansa.
Noong dekada '90, naging dibdiban ang pagsalin atpaglalathala sa Filipino
ng mga obramaestra sa literatura mula sa iba't ibangrehiyon. Ito ang
“Seryeng Panitikan" na nilahukan ng tatlong imprentangnakabase sa
unibersidad—Ateneo de Manila University Press, De La SalleUniversity
Press, at University of the Philippines Press. Nagkaroon nglimang taong
“transition period" bago maituro ang maramingasignatura sa wikang
Filipino. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino na mayroong mga sangay
sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang mangalap ngmga salita mula sa iba't
ibang wika, magsalin ng mga libro, at sumulat ng pananaliksik sa Filipino.
Ang kanilang jornal na Daluyan ay naglalaman ngmga teorya at praktika ng
paggamit ng sariling wika sa ating edukasyon. Nang mauso ang mga call
center nitong mga nakaraang taon,unahan ang mga kolehiyo sa pagtuturo
ng tinatawag na “Standard American English."

Nilalaman

You might also like