You are on page 1of 6

Pagyamanin natin

Gawin ninyo
A. Matapos makagawa ng balangkas tungkol sa binasang teksto,
ngayon naman susbukin mong gumawa nito batay sa
mababasang teksto. Gamiting gabay ang padron sa susunod
na pahina.

“Hindi Sagabal”
Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga nagsipagtapos
at kanilang mga magulang ng umakyat si Maryann sa entablado upang
tanggapin ang kaniyang diploma at medalya.

Nagtapos bilang cum laude si Maryann Rosuman sa Pamantasan ng


Northern Philippines. Pinalakpakan siya hindi lamang dahil sa
angkin niyang katalinuhan kundi dahil kakaiba siya sa lahat.

Tatlong talampakan at limang daling lamang si Maryann.


Isinilang siyang walang mga paa, 20 taon na ang nakakalipas.
Katutubo siya ng Barangay Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur.
nagtapos siya sa kursong accounting. Hindi naging balakid ang
kapansanan niya sa kanyang pag-aaral. Naging valedictorian siya
noon sa elementarya at sekondarya. Kahit hirap sa pagtindig at
pagpunta sa klase, napagaan yaon ng pagiging matulugin ng kaniyang
mga kamag-aral.

Hango sa:
Pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa 4, St. Mary’s Publication
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
Division of Northern samar
Gamay Central Elementary School
District I
Gamay

Gawain sa

Filipino
(Paggawa ng Balangkas )

Ipinasa ni:

Maryniel Grace Baraobadao

Grade IV- Garnet

Ipinasa kay:

Nelia Tobula

Guro
Pamagat : “Hindi Sagabal “
I. Paglalarawan kay Maryann Rosuman
a. Isinilang si Maryann na walang paa,20 taon na ang
nakalilipas
b. Tatlong talampakan at limang daling lamang si Maryann.
c. Katutubo siya ng Barangay Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur.

II. Edukasyon at Karangalan


a. Naging valedictorian si Maryann Rosuman mula elementarya
hanggang sekondarya sa kabila ng kanyang kapansanan.
b. Kumuha ng kursong accounting si Maryann sa kolehiyo at
nagtapos bilang cum laude sa Pamantasan ng Northern
Philippines.
c. Pinalakpakan siya sa entablado sa kanyang pagtanggap ng
diploma’t medalya at hinangaan siya hindi lamang dahil sa
kanyang katalinuhan kundi dahil sa kakaiba siya sa lahat.
Gawin mo:
A. Basahin ito at gumawa ng sariling balangkas.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

“Franz Liszt”
Itinuturing na pinakadakilang piyanista sa lahat ng panahon
si Franz Liszt. Ipinanganak siya noong Oktubre 22,1811 sa lungsod
ng raiding Hungary. Isa siyang huwarang anak at mabuting bata.

Nahilig na si Franz sa musika sa gulang na lima. Tinuruan


siya ng kanyang tatay na si Adam Liszt sa pagtugtog ng piyano.

Nang sumapit na si Franz sa gulang na walo, nagsimula na


siyang gumawa ng mga komposisyon na may kinalaman sa simbahan.
Nang makita at marinig ito ng mga taong-simbahan, binigyan siya ng
pagkakataon na magkaroon ng sariling konsiyerto.

Maraming tao ang dumalo sa araw ng kaniyang palabas. Ibinuhos


lahat ni Franz lahat ng galing niya sa pagtugtog ng piyano gamit
ang kanyang mga komposisyon. Ang madla ay humanga, naiyak at
nagalak sa namalas nilang kahusayan ni Franz.

Simula noon marami ang nag-alok sa kaniya na magtanghal.


nakarating siya sa iba’t ibang panig ng mundo. Namalas ng karamihan
ang kaniyang angking talento. Nahirang siya bilang isa sa mga
pinakadakilang piyanista at kompositor . Pumanaw siya noong Hulyo
31, 1886.

Hango sa:
Pagpapaunlad ng Kasaanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication
Pamagat: Franz Liszt
I. Kapanganakan
a. Oktubre 22, 1811
b. Lungsod ng Raiding Hungary

II. Pagkatuto sa musika


a. Sa gulang na lima, tinuruan siya ng kanyang ama
na si Adam Liszt sa pagtugtog ng piyano.
b. Pagsapit niya sa gulang na walo, nagsimula na
siyang gumawa ng komposisyon na may kinalaman sa
simbahan.

III. Mga oportunidad at tagumpay na nakamit


a. Binigyan siya ng pagkakataong makapagtanghal ng
isang konsiyerto.
b. Nagpamalas ng aking galing si Franz sa lanyang
palabas kaya’t hinangaan siya ng lahat.
c. Simula noon marami na ang nag alok sa kanya na
magtanghal sa iba’t-ibang panig ng mundo.
d. Nahirang siya bilang “ pinakadakilang piyanista
sa lahat ng panahon” at kompositor.

IV. Kamatayan
a. Hulyo 31, 1886

You might also like