You are on page 1of 3

Di tuwirang pagtatanim at Pagpapatubo

- ang paglalagay muna ng halaman sa isang maliit na paso at pinapaedad bago itanim
kapag ito ay nasa kaukulang edad para mabuhay sa aktuwal na taniman.

- ang buto, sanga, o dahon ay pinatutubo muna sa isang lalagyan bago itanim sa
permenteng lugar.

- Mga halamang itnatanim muna sa seed box pag tumubo na saka ilalagay sa
lupa o kaya sa garden plot.

- pagpupunla sa isang sisidlan o kahong punlaan at kapag sumibol na ay ililipat na sa


kamang taniman na tinatawag namang "Transplanting"

- ang pagpupunla ng buto sa isang punlaaan at ito ay inililipat sa lupang pagtatamnan


makaraan ang ilang araw o ang halaman ay umabot na sa takdang laki para ilipat.

- paggamit ng kamang taniman at nililipat lamang sa lupa kapag nakatapos pa ng 1-2


months

Kahalagahan ng Di-Tuwirang Pagtatanim

1. Ito ay mabuting gawin kung nais makatipid sa panahon

2. tuloytuloy ang paghahalaman dahil habang hinihintay ang pagtubo ng mga binhi ay
maihahanda naman ang kamang taniman na paglilipatan nito pagdating sa tamang
gulang.

3. Higit na mainam gamitin sa paghahalamang gulay ang bawat oras ay magagamit


nang makabuluhan sa paraang ito.

4. Ang mga aanihin naman ay maaarinang palitan ng mga bagong sibol

Mga Hakbang sa Di-Tuwirang Pagtatanim

1. Ihanda ang kahong punlaan


2. Ibabad ng magdamag ang mga butong pantanim o ang sangang pantanim sa
tubig
3. Ipunla sa kahong punlaan at takpan habang hindi pa lumalabas ang mga unang
sibol
4. Kapag nagsisimula nang sumibol ang mga buto, unti-unting ilantad sa araw ang
kahong punlaan
5. Piliin ang mga payat at dikit-dikit na punla. Itanim sila na magkakahiwalay sa
kahong punlaan upang lumaki ng malusog saka sila ilipat sa kahong taniman
6. Iwasang mapinsala ang mga ugat ng punla kung ito ay ililupat sa taniman.
7. Ang paglilipat ng mga punla ay ginagawa sa hapon upang di-gaanong maluoy
ang mga bagong tanim. Ilipat lamang ang mga tanim kung mahusay ang
panahon.

Dalawang Paraan ng pagpaparami ng halaman sa di-tuwirang pagtatanim

Sekswal o Sexual Propagation - pagpaparami ng halaman ay sa pamamagitan ng buto. Sa


sekswal na paraan, dapat malaman ang mga sumusunod:
1. katangian ng butong itatanim. Ang mga buto ay may ibat-ibang uri, laki, at
sukat.
2. Pinagmulan ng Buto. Ang buto ay dapat may kakayahang tumubo. Iwasan ang
pananahimik ng buto
3. Dapat panatilihing mahalumigmig ang kapaligiran, mahangin at may tamang
temperature

Asekswal –ito ay ang paggamit ng ibat ibang bahagi ng halaman upang patubuin at maging
bagong halaman. Sa asekswal na paraan naman ng pagpaparami ng halaman , itoy
gumagamit ng ibat ibang bahagi ng halaman tulad ng dahon, sanga, ugat na nahahati sa
ibat ibang lupon o pangkat ayon sa paraan ngpagsasagawa nito. Ang iba’t ibang uri ng
asekswal na paraan ay ang mga sumusunod:
1. Pagpuputol o cutting
2. Pagpapaugat o marcotting
3. Pagdurugtong o paghuhugpong
4. Pagsasarayang o layering
5. Grafting
6. Budding
7. Pagpapaugat
Mga Halimbawa ng mga halamang ginagamit sa di-tuwirang
pagtatanim gamit ng buto o sanga, dahon at iba pa:

Iba pang halimbawa:

o Kataka-taka (pagpapaugat ng dahon)


o Kamatis - buto
o Kalamansi - buto
o Munggo - buto
o Petsay – buto
o Patola – buto
o Kalabasa – buto
o Sili - buto

You might also like