You are on page 1of 2

Shekainah Karah Cortejo Grade IV – Earth June 10, 2019

 Halamang Ornamental
Ang mga halamang ornamental ay mga halaman na pang dekorasyon sa mga halamanan, palamuti sa
bahay at ginagamit sa pagdidisenyo ng mga proyekto sa mga magagandang tanawin tulad ng mga malalaking
hotel, parke at iba pa.

 Mga uri ng Halamang Ornamental

 Halamang Namumulaklak

Ang tsitsirika ay isang kilalang halaman na namumulaklak at karaniwang


tinatanim bilang halamang ornamental sa mga gilid ng kalsada at mga bakuran.
Ang dahon ay simple lamang, mabilog sa dulo, makinis at may patulis sa dulo.
Ang bulaklak naman ay maaring kulay lila, mapula o kulay puti. Karaniwang
tanim sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ngunit orihinal na nagmula sa Amerika.

 Halamang Namumulaklak sa Lupa

Isang karaniwang halaman sa Pilipinas ang santan. Ito ay madalas na nakikitang


pananim sa mga gilid ng daanan at mga parke bilang halamang ornamental. Maliit lamang
ang halamang ito, at may mala-kahoy na mga sanga. Ang mga bulaklak na ay tumutubo
nang kumpol-kumpol at maaring kulay dilaw, pula, at puti. Orihinal na nagmula ang
halaman sa bansang India, ngunit ngayon ay nakakalat na sa buong mundo.

 Halamang Di namumulaklak

Fortune plant ito ay isang uri nga halaman na pwedeng itanim sa


mga garden o sa bakuran ng inyong bahay. Ito ay kulay lila na
mayhalong berde at pula.
 Iba pang mga halimbawa

Ang kangkong ay isang karaniwang gulay na makikita sa hapag ng mga


Pilipino. Ang dahon at maging ang mga tangkay nito ay maaaring kainin bilang
salad o ipangsahog sa ilang putahe gaya ng sinigang. Ang kangkong ay
gumagapang na halaman na karaniwang nakikitang tumutubo sa mga basang
lugar at mga nakasalansan na tubigan gaya ng mga maliliit na lawa at putikan. Ang
dahon ay hugis palaso, at may bulaklak din na maaaring kulay puti o kulay lila.

Ang Bonsai ay ang sining ng pagpapatubo at pag-aalaga ng


mga puno at halaman na pinananatiling maliit. Ginagawa ito sa pamamagitan ng
pangangalaga ng isang puno sa isang maliit na paso at pagpuputol ng mga sanga at
ugat nito. Tinuturuan ang mga punong bonsai na lumaki sa hugis na kaakit-akit sa
paningin. May anyong matanda na ang mga pinakamainam na halimbawa ng mga
punong bonsai, at may hubog na tila likas.

Retrieved from:

https://brainly.ph/question/268613

http://kalusugan.ph/wp-content/uploads/2015/04/kangkong.jpg

https://www.google.com/search?q=bonsai+tree+meaning+in+tagalog&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
ed=0ahUKEwi7lciaq9ziAhWCPXAKHRtdDPQQ_AUIECgB&biw=1366&bih=646#imgrc=1w2walXgzzP8tM:

You might also like