You are on page 1of 5

Calathea

Isang
namumulaklak na halaman na may dahon na prutas-dilaw, puti, at kalimbahin na
ayos sa loob ng bahay.

Musica
Kilala rin bilang “Sansieviera Bacularis”, ito ay isang maliit at luntian na halaman na
may matitigas na dahon at matuwid na tubuan na hindi kinakailangan ng liwanag.
Kailangan ng halaman ng kaunting tabing at tubig. Ito ay nagsisilbi bilang
tagapaglinis ng hangin.
Laurentii
Kilala rin bilang
“Sansiviera Trifascita” o “Halamang-Ahas (Snake Plant)”, ito ay may dahon na may
matitigas na dilaw sa dulo at berde sa gitna. Tagapaglinis rin ito ng hangin at
magdadagdag ng aesthetik na halang sa gitna ng mga konkretong lugar.

Night- Blooming
Jasmine / Hasming Namumulaklak sa Gabi
Kilala rin sa
pangalang
siyentipikal na
“Cestrum
Nocturnum”, ang
halamang ito ay
mabilis lumaki at
namumulaklak ng
magandang mga
bulaklak nang
kadalasan sa isang
taon.

Kakawate
Ang kakawate o madre kakaw ay isang puno na karaniwan sa mga lugar sa
Southern Tagalog Region. Ito ay kadalasang nakatanim bilang ornamental dahil sa
bulaklak nito na kulay mapusyaw na rosas (pink). Ang bunga nito kahalintulad ng bataw
o pods na lumilikha ng tunog kung sakaling matutuyo sa araw.
Malatungaw
Ang malatungaw ay isang halaman na may katamtamang laki na maaaring tumubo
sa taas na 2 metro. Ang mga dahon ay bahagyang malapad na may patalim na dulo.
bahagya rin itong nababalot ng maliliit na mga buhok. Ang bulaklak naman ay kulay lila
at may dilaw na gitna. Karaniwan itong tumutubo sa mabababang lugar sa Luzon,
Mindoro at Negros

Mickey
mouse plant
Ang mickey
mouse plant ay isang maliit lamang na halaman na may matitigas at makahoy na sanga
at bahagyang nababalot ng maliliit na tinik at buhok. Mas kilala ito bilang halamang
ornamental dahil sa bunga nito na may kakaibang hugis. Ang bulaklak ay bahagyang
kulay lila na may pagka asul. Makikitang pananim sa mga gilid ng kalsada at bakanteng
lote sa isla ng Mindanao, Sulu, at Leyte.
Mirasol
Ang mirasol, o mas kilala sa pangalang sunflower, ay isang namumulaklak na
halaman na kilalang-kilala ng halos lahat. Ito ay tumutubo na patayo, at bibihirang may
sanga, at kalimitang may iisang bulaklak sa dulo. Ang dilaw na bulaklak ay mistulang
araw kung kaya’t tinatwag ito na sunflower. Ang mga dahon ay may balahibo malapad
at may tusok-tusok na gilid. Sa ibang lugar, ang sunflower ay tinatanim at inaani para sa
mga buto nito na maaaring kainin.

You might also like