You are on page 1of 9

GRADE VI

ASEKSWAL/ARTIPISYAL NA PAGPAPARAMI NG HALAMAN

ALAMIN MO

Pagmasdan ang mga larawang ito:

Bukod sa pagpaparami ng mga halaman sa pamamagitan ng sekswal na


pamamaraan, ano-ano ang iba’t ibang pang pamamaraan ng pagpaparami ng mga
halamang bungangkahoy? Alamin mo

Ang asekswal/artipisyal na paraan ng pagpaparami ng halaman ay


ginagamitan ng iba’t-ibang bahagi tulad ng dahon, sanga, at ugat na nahahati sa
mga pangkat, ayon sa pagsasagawa nito.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang mga salik sa pagpaparami ng halaman


sa pamamaraang artipisyal o sekswal.

1
PAGBALIK-ARALAN MO

Suriin natin ang iyong kaalaman sa Pagpaplano ng narseri a pamamagitan ng


pagsagot sa sumusunod na bugtong. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa kuwaderno.

1. Mahirap Kitain
Madaling Gastusin
Matitipid mo, kung gugustuhin.

2. Ginto kung tawagin.


Kapag maraming gawain.
Paglipas nito, di mo pansin.

3. Carbohydrate w/ proteins
Produkto ako
Sa paggawa ng mga gawain
Kailangan mo.

4. Mapapagaan trabaho mo
Sa paggawa, katulong ako
Mabibigat na gawain kakayanin
Kung ako ay iyong gagamitin.

5. Pinatutubong pananim dito matatagpuan


Bahagi ng halaman at buto ang pinagmulan
Sa lugar na ito inaayos, inaalagaan
Hanggang mailipat sa permanenteng taniman

Narseri kagamitan
Lakas pera
Oras

2
PAG-ARALAN MO

Ang asekswal o artipisyal na pamamaraan ng pagpaparami ng bungangkahoy ay


ginagamitan ng iba’t-ibang bahagi ng halaman, upang makabuo ng panibagong
halaman.

Basahin at pag-aralan ang apat na pamamaraan at ang mga hakbang sa


pagsasagawa nito.

A. PAGPUPUTOL (CUTTING)- Isinasagawa ito sa pamamagitan ng isang bahagi ng


halaman. Ang mga punongkahoy na pinararami sa pamamaraang ito ay sa
pamamagitan ng ugat lamang.

Ang mga ugat ay hinahati sa ilang piraso at itinatanim nang pahalang sa lupa
at saka ililipat sa permanenteng taniman, kung may 33 sentimetro na ang taas.
Ang rimas, langka at kakaw ay mga halimbawa ng mga bungangkahoy na
pinaparami sa paraang pagpuputol sa pamamagitan ng ugat.

3
Karaniwang kinukuha ang putol sa mga pangalawang ugat ng halaman na
pinaghati hati mula 1 hanggang 15 sentimetrong haba batay sa laki ng ugat.
Tiyakin na may buko ang bawat putol upang lumago ang bagong halaman.

B. PAGPAPAUGAT (MARCOTTING)-Ito ang pinakamadaling paraan ng


pagpaparami ng halaman na kadalasang ginagawa sa panahon ng tag-ulan. Sa
paraang ito ang magulang na sanga ay pinauugatan bago putulin at itanim bilang
bagong halaman. Pinanatili itong mamasa masa upang madaling mag-ugat.

MGA HAKBANG SA
PAGPAPAUGAT
“MARCOTTING”

1. Pumili ng magulang na
sanga
2. Tanggalin ang balat sa
palibot ng sanga na may
habang apat hanggang
anim na sentimetro.
3. Lagyan ng basing lupa o
putik ang bahaging
inalisan ng balat
4. Balutin ng plastic at
lagyan ng tali.

4
C. PAGSUSUGPONG (GRAFTING)- Sa paraang ito, ang isang bagong halaman ay
tumutubo sa pamamagitan ng pagdurugtong ng supang o scion o itaas na bahagi ,
at stock o ibabang bahagi.

Meron dalawang uri ang pagsusugpong-grafting at budding.

Grafting ang tawag kung gumagamit ng supang ng isang sanga na nakakabit o


nakahiwalay sa magulang na halaman. Tinatawag namang budding kung ang
supang na ginamit ay buko na may kasamang maliit na piraso ng kahoy.

Isang pamamaraan ng grafting

MGA HAKBANG SA PAGSUSUGPONG O “GRAFTING”

1. Ilahad ang mga kagamitan


2. Putulin ang gawing bahagi ng halaman na dudugtungan o ang tinatawag na “stock”
3. Lagyan ng biyak na hugis “V” ang “stock” gamit ang matalim na bagay na kutsilyo o
“budding knife”
4. Ilagay o isugpong ang “scion” sa “stock”
5. Talian ng plastic ang pinagsugpong na “stock” at scion.
6. Lagyan ng supot na plastic ang “supang” o scion.”

5
Isang pamamaraan ng Budding

D. PAGSASARAYANG O LAYERAGE

Ang paraang ito ay pagpaparami ng halaman sa pamamagitan ng


pagpapaugat sa sanga habang nakakabit pa sa halaman.

Sa pinakapayak na paraan ng pagpapaugat o simple layering, binabaluktot


papalapit sa lupa ang mahabang sanga. Inaalisan ng balat ang palibot ng
bahagi ng sanga na ilalapat sa lupa na may habang apat hanggang anim na
sentimetro, pagkatapos ay tinatakpan ang bahagi ng sanga na nais paugatan.
Hinahayaang nakalantad ang naiwang dulo ng sangang may dahon.

Ito ang iba’t ibang paraan ng asekswal na pagpaparami ng halaman.

6
SUBUKIN MO

Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang tama kung ang isinasaad ng
pangungusap ay tama at mali kung mali ang isinasaad ng pangungusap.

________ 1. Ang mga punongkahoy na pinararami sa pamamagitan ng


pagpuputol (cutting) ay ginagamitan ng ugat lamang.

________ 2. Ang mangga at santol ay maaaring paramihin sa


pamamagitan ng pagpuputol.

________ 3. Ang pagmamarkot ay pinakamadaling pamamaraan


ng pagpaparami ng mga halamang bungangkahoy.

________ 4. Ang pagpapaugat ay maaaring gawin lamang kung


panahon ng tag-araw.

________ 5. Ang bawat putol ng halaman ay kinakailangang


mayroong buko upang lumago ang bawat halaman.

________ 6. Ang pagpapatubo sa pamamagitan ng grafting ay


ginagamitan ng scion at stock.

________ 7. Sa pagsusugpong, mahalagang kunin ang halaman


sa iisang pamilya lamang.

________ 8. “Simple layering” ang pinakapayak na paraan ng


pagpapaugat ng halaman.

________ 9. Ang bungangkahoy mula sa budding ay matibay


laban sa mga sakit at pesteng mapaminsala.

________ 10. Ang asekswal o artipisyal na pamamaraan ng


pagpaparami ng halaman ay ginagamitan ng iba’t
ibang bahagi ng halaman.

7
TANDAAN MO

Ang asekswal na pagpaparami ng bungangkahoy ay nahahati ayon sa:


pagpuputol, pagpapaugat, pagpapasarayang at paghuhugpong.

Mahalagang isaalang-alang ang mga salik sa bawat pamamaraan upang maging


matagumpay at magkaroon ng mataas na uri ang iyong paghahalaman.

ISAPUSO MO

Maraming pakinabang ang dulot ng mga punongkahoy at bungangkahoy tulad ng


pagbibigay ng lilim, sariwang hangin at iba pa. Kung kayat, mahalagang pangalagaan
natin ang mga ito.

GAWIN MO

Pumili ng isang uri ng pagpaparami ng halamang at gawin ito sa bahay.


Gumawa din ng talaan kung paano mo ito ginawa.

PAGTATAYA

A. Kilalanin ang tinutukoy ng pangungusap. Buuin ang mga “JUMBLED WORDS”


para sa iyong sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay pamamaraan ng pagpapatubo ng mga bungang kahoy sa pamamagitan


ng paggamit ng iba’t-ibang bahagi ng katawan.

L K S A S E W

8
2. Ang kakaw at langka ay halimbawa ng mga punongkahoy na pinatutubo sa
pamamagitan ng:

L O T U P U P G A P
3. Pinakamadaling asekswal na pamamaraan ng pagpapatubo ng mga
bungangkahoy.

T A G A U P P A P A G

4. Pamamaraan ng paparami ng bungangkahoy sa pamamagitan ng paggamit ng


scion at stock.

O P U H U H G A P G N G

5. Kapag ang supang na ginagamit ay buko na may kasamang maliit na piraso ng


kahoy sa pagpaparami ng bungangkahoy, ito ay tinatawag na.

G N F R A G T I

B. Pagsunod-sunorin ang mga hakbang sa pagsusugpong o Grafting. Lagyan ng bilang


1-6 ang mga patlang.

____ Lagyan ng biniyak na hugiv “V” ang stock gamit ang matalim na kutsilyo o
budding knife.
____ Lagyan ng supot na plastik ang supang o “scion.”
____ Ihanda ang mga kagamitan.
____ Ilagay o isgupong ang scion sa stock.
____ Putulin ang gawing bahagi ng halaman na dudugtungan o ang tinatawag na
stock.
____ Talian ng plastik ang pinagsugpong na stock at scion.

C. Anu-ano ang mga pamamaraan ng pagpaparami ng bungangkahoy?

1.
2.
3.
4.

Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging


pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-
aralan ang susunod na modyul.

You might also like