You are on page 1of 1

Si Barbie Faye S.

Roxas ay labing pitong taong gulang

at kasalukuyang nag aaral sa Tagum City National High

School na nasa baitang 12 sa akademik track na

(Science, Technology, Engineering, and Mathematics) o

STEM. Ipinanganak siya noong ika 9 ng Enero 2005.

Nakatira siya sa Purok Sampaguita II, Villa Apura Visayan

Village sa bayan ng Tagum City sa lungsod ng Davao Del

Norte. Pangatlo siya sa kanilang apat na magkakapatid.

Ang kanilang panganay na si Gracelynel S. Roxas ay nagtapos na Cum Laude sa

kursong ‘Bachelor of Secondary Education’ . Ang kanyang ikalawang kapatid na si

Lucky Pearl S. Roxas ay kasalukuyang nasa 2 nd year college sa kursong ‘Bachelor of

Science in Nursing’ at ang kanilang bunso ay kasalukuyang nasa baitang walo na nag

aaral din sa Tagum City National High School. Si Barbie ay nagtapos ng kanyang

elementarya sa Visayan Village Central Elementary School na may parangal na 3rd

honor noong taong 2015. Sa kanyang elementarya din ay nagkaroon sya ng parangal

sa journalism bilang 3rd placer sa kategoryang “Science and Technology Writing” sa

Division School Press Conference at naging 5 th placer sa Regional Schools Press

Conference. Nagkaroon din siya ng parangal sa balagtasan bilang 3 rd placer sa taong

2015. Nakatangap din siya ng parangal bilang 3 rd placer sa kanyang pagsali sa isang

singing contest noong sya ay walong taong gulang. Siya ay nagtapos ng kanyang grade

11 sa St. Mary’s College of Tagum at kasalukuyang pinagpapatuloy ang kanyang grade

12 sa Tagum City National High School.

You might also like