guro ng Casuntingan Elementary School sa Mac- Arthur Leyte. Siya ay ipinganganak noong April 15, 1969 at lumaki sa lungsod ng Mac-Arthur, Leyte. Nakapagtapos ng elementarya sa Palale Elementary School at napabilang sa mga estudyanteng may matataas na marka. Sa Notre Dame, Abuyog, siya nakapagtapos ng High School. Kumuha ng kursong Bachelor of Science in Industrial Education Major in Industrial Arts sa Leyte Institute of Technology na ngayon ay tinatawag na Eastern Visayas State University in Tacloban, City noong 1991. Nang makapagturo siya sa elementarya sa mga mabukid na lugar ng ilang taon, nagpursige siyang kumuha ng Masteral Degree. Tinapos niya ang kanyang Doktoral Degree sa EVSU-Tacloban bilang Doktor ng Pilosopiya (Ph.D) noong 2013. Naging bahagi rin siya sa training para sa mga lider ng patrol sa Boy Scout of the Philippines (BSP). Marami siyang nakuhang mga parangal kaya’t iniimbitahan siya na isa rin sa mga tagapagsalita, tagapagsanay, tagapayo, ebalweytor sa mga paaralan ng kanilang lungsod.