You are on page 1of 1

Bionote ni Emelita J.

Castillo
Isinulat ni Lemuel Jefferson J. Castillo
Si Gng. Emelita J. Castillo ay isang guro ng Technical and Vocational-Strand
sa Aurora Senior High School at nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in
Food Technology. Siya ay ipinanganak noong ika-9 ng Abril 1969 sa bayan ng
Aurora sa lalawigan ng Isabela. Nagaral siya ng elementarya sa Aurora Central
School at pinalad na makapasa sa Isabela State University-Science High School sa
bayan ng Cabagan bilang isang iskolar. Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad
ng Pilipinas-Los Banos noong taong 1992.
Pagkatapos mag-aral ay nagtrabaho siya bilang Food Supervisor sa Mango
Brutus Products at kinalaunan ay nagtrabaho din sa L.C. Big Mak! Burger, Inc. ng
sampung taon bilang Quality Control. Matapos nakapagtrabaho ng ilang taon sa
kumpanya ng Big Mak, ay nagpatayo siya ng karinderya sa tapat ng kanilang bahay
at pansamantalang nag-negosyo.
Pagkalipas ng ilang taon ay kumuha siya ng National Certificate(NC)-Ⅱ ng
Bread and Pastry Making, Dress Making and Tailoring, at Food and Beverages sa
TESDA. Kumuha din siya ng units ng education sa Isabela Colleges-Cauayan
Campus at nakapasa sa Licesure Examination of Teachers noong 2017.Siya ngayon
ay kasalukuyang nagtuturo sa TVL-strand ng dressmaking at tailoring. Sa strand na
ito ay tinuturuan niya ang ang mga estudyante ng maraming mga diskarte sa kung
paano manahi o magdisenyo ng mg damit .Siya ay kasalukuyang kumukuha ng
kanyang Master’s degree in education sa Isabela State University-Ilagan Campus.
Naniniwala siya sa sikat na kasabihan na “Ang pagtuturo ay ang isang propesyon
na lumilikha ng lahat ng iba pang mga propesyon."

You might also like