You are on page 1of 1

Siya si Ginoong Arjay Bangug Gaspar, isang guro.

Siya ay ipinanganak
noong ika-24 ng Mayo taong 1998 sa Naguilian Norte, Bayan ng Ilagan,
Lalawigan ng Isabela at kasalukuyang 23 taong gulang at naninirahan sa
Naguilian Norte, Ilagan, Isabela. Siya ay nagtapos ng kolehiya bilang isang
Cum Laude at kasalukuyang nagtuturo sa pribang paaralan ng Top Achievers
Private School Inc.(TAPS) na nakabase sa Ilagan Campus, Isabela.
Siya ay nagtapos ng kolehiya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-
Hilagang Luzon taong 2019 sa kursong Batsilyer sa Edukasyong Filipino na
may sertipiko ng pagtuturo sa mataas na antas ng edukasyon. Siya ay naging
ganap at lesinsyadong guro sa nang pumasa uli ito sa Board Licensure
Examination for Teacher sa kaparehong taon.
Habang nasa kolehiyo at naging pangalawang pangulo ito ng
KADIWA-KAMMFIL, isang kapisanan ng lahat ng Filipino Major sa buong
kampus taong 2017-2018 at naging ganap na pangulo sa sumunod na taon,
2018-2019.
Si Ginoong Arjay ay nagtapos ng high school taong 2015 sa Mataas ng
Paaralan ng Cauayan City at ng elementarya taong 2011 sa Mababang
Paaralan ng Naguilian Baculud.
Isa sa pinaka mahalagang nakamit niya sa kayang buhay ay ang
pagiging isang ganap at propesyunal sa larangan ng pagtuturo at maging
kabahagi ng fakulti ng TAPS.
Maliban sa mga nabanggit ay tumanggap din siya ng pambansang
gantimpala sa Ten Outstanding Youth Organization Awards (TAYO
AWARDS). Naging isa din siyang team leader at Chief Captain ng Junior
Rescue Team.
Lahat ng ito ay nakamit ni Ginoong Gaspar dala ang motto nyang
“Focus, strive, and live a better life”. Sa kabila ng lahat ng natamo niya, hindi
roon nagtatapos ang lahat sapagkat ang pinakapangunahing nais niya sa
ngayon ay ang pagkaroon ng sekuridad na hinaharap lalo na sa aspetong
pinansiya, bagay na hindi kinaya ng magulang niyang ibigay sakanya noon
kaya’t ayaw niyang maranasan ito ng pamilya nya lalo na ng kanyang mga
magiging anak.

You might also like