You are on page 1of 1

Ang Bionote ni Ginoong Jeben G.

Dimaguila

Noong ika 12 ng Marso, taong 1979, Isinilang ang isang lalaking


nagngangalang Jeben G. Dimaguila. Nakatira siya sa F. Manalo Street, Brgy.
Calzada, Taguig City. Siya ay panganay na anak nina Benjamin Dimaguila at
Vieginia Garcia. Si Ginoong Jeben G. Dimaguila ay nagtapos ng Elementarya
sa paaralang International Baptist Academy taong (1992). Nagtapos ng High
School sa paaralang Rizal Technological University taong (1996). Dahil sa
kaniyang determinasyon, tiyaga at kasipagan sa pag-aaral, siya ngayon ay
nagtapos sa kursong Bachelor of Science Major in Physical Education (BSPE)
sa paaralan ng Rizal Technological University (RTU) noong 2012. Dahil din sa
kaniyang pagpupursige sa kanyang pag-aaral, siya ngayon ay isa nang
ganap na guro. Nagtapos siya ng Master's Degree, Master of Arts in
Teaching Major in Physical Education. Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa
Department of Education, School's Division Office of Taguig City and Pateros
at sa Secondary Level sa Tipas National High School, Nagturo siya sa Tipas
National High School noong 2015 hanggang ngayon. Bago din siya maging
isang ganap na guro, Siya rin ay nag trabaho bilang isang Utility Personnel
sa Mandaluyong noong 2002 - 2004. Nagtrabaho din siya bilang isang
Warehouseman/Encoder sa Malate Manila noong 2004 - 2006. Si Ginoong
Dimaguila ay isa nang responsibilidad at matagumpay na guro at isang
mabuting ama sa kaniyang anak.

You might also like