You are on page 1of 1

BIONOTE

Si Romeo A. Montilla ay 38 na taong gulang na kasalukuyang nakatira


sa Lacarlota City, Negros Occidental. Siya ay ipinanganak noong ika-12
Ng Abril 1985. Lumaki siya sa brgy. Aguisan, Himamaylan City , Negros
Occidental. Ang kaniyang mga magulang ay sina Chona A. Montilla at
Romeo O. Montilla Sr. Pangatlo siya sa limang magkakapatid. Siya ay
kasalukuyang nagtatrabaho bilang guro sa Schools Division of
Lacarlota City sa paaralang Doña Hortencia Salas Benedicto
National High School.
Kaniyang natapos ang kursong Bachelor of Science in
Education Major in Biology sa Carlos Hidalgo Memorial State University. Natapos niya
ang kaniyang Mater’s in Education Major in Natural Science sa University of Saint La
Salle - Bacolod. Siya ay isang Science teacher ngayon sa ika-9 na baitang. Maliban
dito, naipagsasabay pa nila ng kaniyang Asawa na siyang guro rin sa parehong
paaralan ang pag gawa at pag benta ng mga desserts at pag online selling lalo na
noong pandemya.
Pinarangalan rin siyang Most Outstanding Junior High School Teacher noong
2022 sa temang “ Sa Pihak sang Pandemya: Serbisyong Mangkasanon, KAMPEON”
at muling pinarangalan ngayong taon bilang Most Outstanding Teacher in the
Division of Lacarlota. Siya ay kasali sa mga tree planting activity at parte ng Youth
for Environmental in School (YES-O) coordinator.

You might also like