You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
PANLUAN HAGAN MANGYAN HIGH SCHOOL
HAGAN, BONGABONG, ORIENTAL MINDORO

“Waste Management Program”

“Bawat isa ay may pananagutan sa bayan at kapaligiran.Disiplina ay kailangan, basura ay


itapon sa tamang lalagyan”

Ecological Solid Waste Management Act of 2000


RA 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2000 an Act Providing for an Ecological
Solid Waste Management Program, Creating the Necessary Institutional Mechanisms and
Incentives, Declaring Certain Acts Prohibited and Providing Penalties, Appropriating Funds
Therefore, and for Other Purposes.

Kahalagahan ng “Waste Management”


Ano ang gagawin? Bakit gagawin? Sino ang gagawa? Paano gagawin?

Sa mga basurang itinatapon ng walang kontrol sa araw-araw, dahan-dahan nating sinisira


ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa
para magbago ang ating nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng solusyon ang
lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa mga produkto
na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang recycle upang mapababa ang
basura na likha ng mga ito. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay maaari pang
irecycle upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong malikha sa ating
mundo. Kung hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat. Ngayon na ang
panahon upang maisaayos ang problema natin sa basura at maging maayos ang ating
pamumuhay pati na rin ang pamumuhay ng mga darating na henerasyon. Kaugnay nito,
ang mga guro sa Araling Panlipunan ng Panluan Hagan Mangyan High School ay gumawa
ng isang plano kung saan isa dito ang tinawag na “Waste Management Program”. Ang
waste management ay terminong ginagamit para tukuyin ang proseso para kolektahin at
asikasuhin ang mga basurang pwede pang i-recycle at gamitin muli. Pwede rin itong
tumukoy sa mga bagay na sa katunayan ay hindi naman talaga basura, kundi pwede pang
pakinabangan o gawing kapaki-pakinabang.

Quality and Transformative


Address: Panluan, Hagan,
Education
Bongabong Oriental
Mindoro
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
PANLUAN HAGAN MANGYAN HIGH SCHOOL
HAGAN, BONGABONG, ORIENTAL MINDORO

Ang waste management ay masasabi ring isang programa sa isang komunidad upang
maturuan na sila ay maging responsable sa kani-kanilang mga basura, tukuyin ang mga
bagay na pwede pang pakinabangan at pamahalaan sa tamang paraan ang anumang
bagay na sa totoo ay may malaking epekto sa kalusugan at kapaligiran. Ito ay sa dahilang
hangga’t may tao sa isang lugar ay magiging isang usapin ang basura. Kung hindi ito
gagawin, magiging tambak-tambak ang mga basura at dito pumapasok ang malaking
problema hanggang sa mahirap na itong pangasiwaan, o mas masahol pa, ay hindi na
kayang pangasiwaan pa.
Naisipan ng mga guro sa Araling Panlipunan ang Proyektong ito alinsunod sa mga
sumusunod na polisiya:

 Pangangalaga sa kalusugan ng publiko at kapaligiran


 Paggamit ng mga makakalikasang pamamaraan, mahahalagang rekurso
 Pag-iwas o pagbawas sa pagtatapon, gaya ng, pagkompost, pagrecycle, pagre-use,
pagbawi, proseso ng green charcoal, atbp., bago ang koleksyon, lunas at pagtapon
 Maayos na paghiwa-hiwalay, koleksyon, pagbiyahe, pag-imbak, lunas at pagtapon ng
solid waste - nang hindi gumagamit ng insinerasyon.

Isinakatuparan ang planong ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga magulang


upang makagawa ng basurahan na kung saan ang mga iba’t ibang klase ng basura ay may
kanya kanyang lalagyan. Ang unang isinagawa ng mga guro ng Araling Panlipunan para
maisakatuparan ang pagkakaruon ng mga basurahan ay ang paghingi ng tulong sa mga
magulang sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito ng mga kinakailangang materyales
katulad ng kahoy . Marami ring mga magulang ang boluntaryong tumulong na magpanday
ng lalagyan ng basurahan.Gumugol lamang ng halos dalawang araw sa pagbuo nito dahil
na rin sa tulong ng mga boluntaryong magulang. Nang matapos na ito, isa isang nilagyan
ng “label” ang mga basurahan upang malaman ng mga mag aaral, magulang at bisita sa
paaralan kung saan nila dapat ilagay ang kanilang mga basura.Inilagay ang mga natapos
na mga basurahan sa lugar na ito ay madaling makikita.

Quality and Transformative


Address: Panluan, Hagan,
Education
Bongabong Oriental
Mindoro
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
PANLUAN HAGAN MANGYAN HIGH SCHOOL
HAGAN, BONGABONG, ORIENTAL MINDORO

Quality and Transformative


Address: Panluan, Hagan,
Education
Bongabong Oriental
Mindoro
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
PANLUAN HAGAN MANGYAN HIGH SCHOOL
HAGAN, BONGABONG, ORIENTAL MINDORO

Inihanda nina:

MARIZE I. MANHIC MITCHELL BRIANT A. OSTRIA


Guro sa Araling Panlipunan Guro sa Araling Panlipunan

Quality and Transformative


Address: Panluan, Hagan,
Education
Bongabong Oriental
Mindoro
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
PANLUAN HAGAN MANGYAN HIGH SCHOOL
HAGAN, BONGABONG, ORIENTAL MINDORO

Quality and Transformative


Address: Panluan, Hagan,
Education
Bongabong Oriental
Mindoro

You might also like