You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
Caminawit Central School
San Jose, Occidental Mindoro

ULAT PASALAYSAY SA BUWAN NG WIKA


S.Y 2023-2024

Ang Kindergarten ng mababang paaralan ng Caminawit Sentral ay nakiisa sa taunang


pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo:
Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”. Ang pagdiriwang na ito ay isinigawa upang lalo
pang palawakin at pagtibayin ang paggamit ng wikang Filipino at wikang katutubo. May
iba’t-ibang palatuntunan na ginawa ang bawat pangkat sa kindergarten, gaya ng pagsusuot ng
mga katutubong kasuotan, pagkilala sa alpabetong Filipino, mga numero at mga magagalang
na pagbati, paglalaro, at pakikinig ng kuwento.

Ang bawat mag-aaral ng bawat pangkat ay nagkaroon ng tagisan ng talento sa


pagmomodelo ng iba’t- ibang kasuotan. Kasunod ay ang pag gawad ng natatanging kasuotan
mula sa pangkat ni Binibining Michelle A. Agcara, at ang iba namang pangkat gaya ng
pangkat ni Ginang Wilma B. Jazareno at Binibining Elvi C. Cuevas, ay nagsagawa ng palaro
ng lahi sa mga bata. Mula naman sa pangkat nina Ginang Gabriela P. Tome at Ginang
Marivic Comedia, ang mga batang nagpakita ng galling sa pag-awit at tula. Sa pangkat
naman ni Binibining Kathleen P. Abeleda, nagmula ang mga batang may husay at galling sa
pagsasayaw.

Natapos ang palatuntunan na masaya ang lahat! Ang bawat guro ay nagbigay mensahe
at diin sa pang wakas na pananalita ukol sa kahalagahan ng paggamit ng wika.

Inihanda ni:

Gabriela P. Tome
Kindergarten/Filipino Coordinator

Caminawit Central School, Brgy. Caminawit, San Jose, Occidental Mindoro


09178155514
110282@deped.gov.ph
Caminawit Central School

You might also like