Professional Documents
Culture Documents
Letter
Letter
Department of Education
MIMAROPA Region
DIVISION OF OCCIDENTAL MINDORO
SAN VICENTE NATIONAL HIGH SCHOOL –YAPANG ANNEX
CERTIFICATE OF APPEARANCE
CERTIFICATE OF APPEARANCE
08 Nobyembre 2022
Sa mga kaguruan:
Tuwing Nobyembre ng bawat taon ay idinedeklara bilang “Library and Information Services Month” sa bisa ng
Proclamation No. 837, s. 1991. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Mga Aklatan Bilang Kanlungan ng
Karunungan: Tagapangalagang Kultura at Pamanang Lokal” Ang nabanggit na tema ay nakasentro sa sa isang
praktikal na aspekto ng serbisyong pang-aklatan at impormasyon, ang pangangalagang kultura at pamanang lokal.
Bilang pakikiisa sa selebrasyon, ang mga guro lalo’t higit ang mga nagtuturo ng English, Filipino, at Reading ay
pinakikiusapan at inaasahang hikayatin ang ating mga estudyante na ipagyabong ang habit na magbasa sa silid-
aklatan sa pamamagitan ng paghikayat sa mga estudyante na bisitahin ang silid-aklatan at buhayin muli ang sigla ng
pagbabasa at pagkatuto ng mga bagong impormasyon mula sa libro. Maaari rin nating hamunin ang mga estudyante
na tapusin basahin ang isang aklat sa loob ng isang lingo, maaari nilang piliin ang paboritong genre at maaari rin
itong ibahagi sa #BookTok o #Bookstagram
Lubos na gumagalang,