You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD
BANILAD NASUGBU BATANGAS

MAGALING KA,TAGUMPAY KA PILIPINO

May akda:Gigi D. Ramirez

Sa isang larangan landasin na tinatahak

Pilipino ay masikap,lahat hinahamak

Ang mga hirap at pasakit na tinatamasa

Di alintana para sa tagumpay na ninanasa.

Mga katangian na dapat na taglayin

Pakikisama ,pagsusumikap at pananalangin

Kaugalian na hindi maaaring iwaksi

Kapag isinapuso tiyak hindi magsisisi.

Pakikisama una ang dapat taglayin

Sa mga taong nakasasalamuha natin

Siyang palagi mong dala at bitbit

At sigurado tagumpay mo ay makakamit.

Pagsusumikap nama’y napakahalaga ring sangkap

Sa lahat ng gawain kaakibat ng pangarap

Magsumikap parati sa anumang bagay

Sandata mo rin sa hamon ng buhay.

Pananalangin ay huwag na huwag kalimutan

Ito’y silbing kalasag nasaan ka man

Hindi ka mabibigo sa iyong mga laban

Sa Diyos ay magdasal kahit walang kailangan.

PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD


Address: Brgy. Banilad, Nasugbu 4231, Batangas
 09178003326
 banilades107494@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD
BANILAD NASUGBU BATANGAS

LAHAT:MAHALAGA

Lahat ng bagay sa mundo’y mahalaga

Buhay natin ating ingatan sa tuwina

Biyaya ng langit to’y pasalamatan

Sa bawat oras at araw na magdaan.

Ilog na masagana sa mga isda

Dagat na malawak lubos ang biyaya

Gubat na sa yaman ay di nauubos

Pinagkukunang yaman sa gutom sagot.

Bukid na luntian palay nakapunla

Matiyagang gawa umula’t umaraw

Umaasang sa paggising sa umaga

Gintong butyl ng uhay ang makikita.

Pinagkukunang yaman pahalagahan

Pakaingatan mahalin at sinupin

Sapagkat kung kaya tayo nabubuhay

May Dakilang Lumikha sa ‘tin nagbigay.

Ang lahat sa ‘ting mundo mahalaga

Igalang natin at huwag ng sirain pa

Katiwasayan ng isip madarama

Kung ang lahat ay buo tiyak may saya.

PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD


Address: Brgy. Banilad, Nasugbu 4231, Batangas
 09178003326
 banilades107494@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD
BANILAD NASUGBU BATANGAS

IISA ANG ATING MUNDO

Iisa lamang ang ating mundo….

Kung kaya’t pakamahalin ito

Ingatan natin at huwag abusuhin

Kailangang ating itaguyod at pangalagaan.

Sapagkat iisa lamang ang ating mundo…

Ang mga batas pambansa ukol dito

Kasama ng batas pandigdigan

Matapat na sundin para rin sa ating kinabukasan.

Dahil iisa lamang an gating mundo…

Mga basura ay ating bawasan

Daluyan ng tubig ating linisin din

Pagsusunog maaaring iwasan ng tuluyan.

Oo,iisa lamang ang ating mundo…

Lupang hinirang ay pagyamanin

Malinis na tubig ang padaluyin

Preskong hangin ay ating lalanghapin.

Tunay na iisa ang ating mundo…

Batas sa pangangalaga ng kalikasan

Matiim na ating sundin

Pagkat kung mundoy mawawala,tayo’y wala na rin.

PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD


Address: Brgy. Banilad, Nasugbu 4231, Batangas
 09178003326
 banilades107494@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD
BANILAD NASUGBU BATANGAS

PROYEKTO KO,IPINAGMAMALAKI KO

Kapag may gawain o anumang proyekto

Pinag iisipan kung paano makakabuo

May pamantayang sinusunod sa bawat gawain

Tunay na pag nasunod kaydaling gawin.

Ito ang aking proyekto pinaghirapang totoo

Di pwedeng pwede na dahil oras ang ginugol ko

Anumang gawain pinagbubuting mainam

Upang gawang de-kalidad ang kalalabasan.

Sariling proyekto maipagmamalaki ko

Panahon at oras ang inubos ditto

Binusising mainam ang bawat detalye nito

Tunay na pulido gawaing natapos ko.

Kung gagawa ng anumang bagay

Tandaan lamang ang mga pamantayan

Na sa paglikha ay siya mong gabay

Tiyak ang proyekto magandang tunay.

PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD


Address: Brgy. Banilad, Nasugbu 4231, Batangas
 09178003326
 banilades107494@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD
BANILAD NASUGBU BATANGAS

LUMANG GAMIT NOON,BAGONG GAMIT NGAYON

Isang araw noon ng sabado

Inutusan ako maglinis ng kwarto

Itapon na ang mga hindi kailangan

Ilagay na sa isang basurahan.

Kumuha ng kahon na mapaglalagyan

Mga naligpit na gamit inilagay sa sisidlan

Handa ng iwaksi at kalimutan

Patapong gamit hindi na pakikinabangan.

Subalit may naisip ideya ay biglang sumilid

Sa mag makulay na papel at boteng maliliit

May karton at iba pa na nasilip

Parang pwede naman gawing bagong gamit.

Gumupit,nagdikit,gumipit,nagdikit

Disenyo sa isip pinagkapit kapit

Makailang oras pa ang mga nagdaan

Manapa’y makakatapos din ng nasimulan.

Eto na nga’t nakabuo plorerang marikit

May isa pa na lagayan ng baubot na maliliit

Natuwa si Ina kaya’t sa mesa idinespley

Lumang gamit noon,bago na ngayon, yehey!

PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD


Address: Brgy. Banilad, Nasugbu 4231, Batangas
 09178003326
 banilades107494@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD
BANILAD NASUGBU BATANGAS

BISYO AY IWASAN,NAKASASAMA SA KALUSUGAN

Ang pamahalaan ay naglunsad ng isang programa

Yosi kadiri at pag iwas sa masamang droga

Layunin nito ay maipatupad sa madla

Pag iwas sa masasamang bisyo ng balana.

Ano ba ang mabuting dulot nito kundi wala

Dulot nitong usok sa buong katawan ay papasok

Huwag kang maeengganyo na sa bisyo ay sumubok

Pagkat walang wala ditto ikaw mapapala.

Laban ng lahat na ang droga ay masugpo

Batas pang daigdigan na atin dapat masunod

Kung ikaw sa sarili mo sa utos ay susuway

Mga programa ng gobyerno mawawalan ng saysay.

Bilang batang mamamayan nitong ating bansa

May pananagutan ka at obligasyong dinadala

Paglahok sa kampanya upang masamang bisyo ay matigil na

Unang unang makikinabang dili iba’t ikaw at ‘yong pamilya.

PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD


Address: Brgy. Banilad, Nasugbu 4231, Batangas
 09178003326
 banilades107494@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD
BANILAD NASUGBU BATANGAS

DAMHIN ANG KAPAYAPAAN

Kapayapaan

Isang salitang may malalim na kahulugan

Tahimik,walang gusot,walang gulo ibig sabihin niyan

Sino ba ang walang gusto makamit ang kapayapaan

Lahat tayo, ikaw,ako buong mundo ang may gusto.

Kapayapaan

Bata o matanda naghahangad nito

Maayos na buhay payapang totoo

Matiwasay na kapaligiran saan mang dako

Malaya ang lahat saan man patungo.

Kapayapaan

Hayaan mong magsimula sa iyo

Makakayanang paraan ay gawin para rito

Huwag magsimula ng sigalot,manapay magpatawad

Ito ang susi ng pagkakasundo kasunod ay pag-usad.

Kapayapaan

Kaysarap namnamin kaysarap damhin

Wala kang aalalahanin magkagulo ang lahat

Hangin moy naihihinga ng maluwag

Problema ay wala sapagkat payapang payapa.

PAARALANG ELEMENTARYA NG BANILAD


Address: Brgy. Banilad, Nasugbu 4231, Batangas
 09178003326
 banilades107494@gmail.com

You might also like