You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Of Batangas City
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Batangas City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4


IKAAPAT NA MARKAHAN
UNANG LINGGO
IKALAWANG ARAW

MAYO 3, 2023

I. LAYUNIN

1. Nakasusunod sa napakinggang panuto o mga hakbang ng isang Gawain


2. Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang

II. PAKSA
Pagsunod sa mga Panuto
Pagbibigay ng Panuto
Sanggunian: Patnubay ng Guro pp. 255-256
Kagamitan: Powerpoint,
Pagpapahalaga: Pakikiisa sa mga gawain, Pagtatanim ng mga puno at gulay

III. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Gawaing Rutinari
● Panalangin at Pagbati
● Pagtatala ng liban
● Pagtsek ng takdang aralin
● Pagbaybay ng salita

B. Presentasyon ng Aralin

1. Pagganyak

Tumawag ng mag-aaral upang ihagis ang Story Cube.


Basahin ang sinasabi ng mukha na nakaharap sa kaniya.
Gawin ito hanggang sa matapos ang kuwentong napakinggan.

2. Paglalahad

Pakinggan ang mga panutong aking bibigkasin. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Isulat ang pangalan ng mga taong nabanggit sa kuwento.


2. Iguhit kung saan nakatago ang sikretong rekado ni Mang Ador.
3. Iguhit at kulayan ang hitsura ng sombrerong pangarap naisuot ni Teo.
4. Iguhit ang mukha ni Teo nang dumating si Apong Cion.
5. Itala ang mga pagkain na dala ng mga kakilala ni Mang Ador.

‘Leading every learner towards excellence with grit and discipline’


Address: San Isidro, Batangas City
Contact Number: 740-0439
Email: 109623@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Of Batangas City
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Batangas City

3. Pagtalakay

Nakasunod ka ba sa mga panutong ibinigay?

Basahin muli ang bawat panuto.

Ipataas ang papel ng mga mag-aaral upang makita kung nakasunod sila.

Itanong:

Ano ang mga ginawa mo at nakasunod ka sa mga panutong ibinigay?

Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sila naman ang mag-isip ng panuto na ibibigay nila
sa kanilang kamag-aral.

Pabilugin ang mga mag-aaral. Sabihin na kung sino ang may hawak ng bola sa pagtigil ng musika ay
siyang magbibigay ng panuto.

Ang may hawak naman ng panyo ang siyang magsasagawa ng ibinigay na panuto.
Gawin ito hanggang sa nakapagbigay na ang lahat halos ng mga mag-aaral ng panuto.

4. Paghalaw

Umisip ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang na ipagagawa sa ibang pangkat.

Matapos ang inilaang oras, tawagin na ang pangkat upang sabihin at ipagawa ang kanilang inihandang
panuto.

5. Paglalahat

Madali mo bang nasundan ang ibinigay na panuto ng iyong kamag-aral? Bakit? Bakit hindi?

Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto?

IV. Pagtataya

Isagawa ang mga panutong sasabihin ng guro.

V. Takda

Ibigay ang panuto at hakbang sa paggawa ng laruang bangkang papel.

‘Leading every learner towards excellence with grit and discipline’


Address: San Isidro, Batangas City
Contact Number: 740-0439
Email: 109623@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Of Batangas City
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Batangas City

‘Leading every learner towards excellence with grit and discipline’


Address: San Isidro, Batangas City
Contact Number: 740-0439
Email: 109623@deped.gov.ph

You might also like