You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IVA - CALABARZON
Schools Division of Batangas
Ibaan District
DR. JUAN A. PASTOR INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Talaibon, Ibaan, Batangas

MGA GAWAIN SA PAGPAPAYAMANG PANGKAISIPAN


FILIPINO 7

I. PAGBIBIGAY KAHULUGAN
Isaayos ang mga ginulong titik upang matuklasan ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ito ay kwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi – tanging salaysay ng kanilang
lugar. U M N E K T G N O W – A A B Y N
2. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan. U M N E K T O W
3. Ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaring salita,
dalawang parirala o sugnay. G A P N – Y G U N A
4. Upang malaman ang mga impormasyon na iyong mga kinakailangan sa iyong mga aralin, ito ang ating
kailangang gawin. K N N L K S I A I P A
5. Sila ay ang mga tauhang mahalaga sa kwento na halos lahat ng pangunahing pangyayari ay may
kinalaman sa kanya. O O A A P T R I S T G

II. UGNAYANG SANHI AT BUNGA


Salungguhitan ang sanhi sa pangungusap at bilugan ang bunga.
SANHI – Dahilan ng pangyayari ; BUNGA – resulta ng pangyayari
Halimbawa : Tumaas ang bilang ng Covid 19 cases sa bansa dahil sa di pagsunod ng nakararami sa
ipinatutupad ng IATF.
1. Nahuli sa klase si Ana dahil nagpuyat siya kagabi.
2. Nauunawaan na ni Carlo ang aralin kung kaya’t tama ang lahat ng sagot niya sa pagsasanay.
3. Unti – unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa panganib ang buhay nila.
4. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang tito ni Loloy.
5. Dahil sa sumunod siya sa mga babala sa kalsada, nakaiwas siya sa sakuna.

III. RETORIKAL NA PANG – UGNAY


Basahin ang sumusunod na pangungusap. Bilugan ang ginamit na pang – ugnay sa pangungusap.
1. Makakapasa ako sa pagsusulit kung mag – aaral ako nang mabuti.
2. Sakaling hindi niya na ako pansinin, maghahanap na lang ako ng panibagong kaibigan.
3. Kapag gumawa pa ulit ako ng gulo, ako’y patatalsikin na sa paaralan.
4. Ipagtatapat ko ang aking nararamdaman kung papayag siyang sumama sa akin mamaya.
5. Kapag umulan, hindi ako pupunta sa bahay ninyo.

IV. Alamin Natin


Ibigay ang kahulugan ng acronym na madalas gamitin sa isang proyektong panturismo.
1. 3 R’s ______________________________________________________
2. DOT _______________________________________________________
3. ESWMA ____________________________________________________
4. DOTC ______________________________________________________
5. DILG _______________________________________________________

Talaibon, Ibaan, Batangas


 (043) 311 – 2651
 djapmnhs69@gmail.com
Deped Tayo Dr. Juan A. Pastor MNHS - Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IVA - CALABARZON
Schools Division of Batangas
Ibaan District
DR. JUAN A. PASTOR INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Talaibon, Ibaan, Batangas

V. (ANTAS NG WIKA BATAY SA PORMALIDAD)


PANUTO : Uriin ang mga sumusunod na salita ayon sa antas ng wika batay sa pormalidad. Isulat sa
talahanayan ang inyong sagot.

TV titser wapakels lonta


Tablet guro aklat nosi ba lasi?
Ginhatag amain gwapa Utol
Diri Silid – aralan Repaks

BALBAL KOLOKYAL LALAWIGANIN TEKNIKAL PAMPANITIKAN

VI. ( PAGHAHAMBING)
PANUTO: Isulat ang mga salitang naghahambing sa pangungusap. Tukuyin kung ito ay hambingang
magkatulad o hambingang di – magkatulad.

Halimbawa: Magkasingganda sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre – hambingang magkatulad

1. Katulad ng palay, naging mainam na hanapbuhay ang pagtatanim ng mangga sa Guimaras.


2. Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di – tulad ng hangin sa lungsod.
3. Ang mangga sa aming lugar ay higit na matamis kaysa sa Iloilo.
4. Mabuting di – hamak sa kalusugan ang karne ng baka kaysa sa karne ng kalabaw.
5. Kasinsipag ng magsasaka ang mga manggagawa.

VII. ( IBONG ADARNA)


PANUTO: Pagtalakay sa Nilalaman
1. Ano – ano ang mga bagay ng ermitanyo kay Don Juan upang kanyang mahuli ang Ibong Adarna?
2. Paano nakarating si Don Juan sa Reyno de los Cristales? Isalaysay ang kanyang naging paglalakbay?
3. Paano pinatunayan bi Don Juan ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kapatid?
4. Sino ang nagsalaysay sa hari ng tunay na nangyari sa Bundok Tabor?
5. Bakit si Don Pedro ang naging hari sa Berbanya? Saan naghari si Don Juan?
Inihanda ng:
Mga Guro sa Filipino 7

Binigyang – pansin ni:


EVERLYN D. ENDOZO Ed.D
Ulong Guro I

Pinagtibay ni:

THELMA A. PASCUA Ed.D


Punongguro IV

Talaibon, Ibaan, Batangas


 (043) 311 – 2651
 djapmnhs69@gmail.com
Deped Tayo Dr. Juan A. Pastor MNHS - Batangas

You might also like