You are on page 1of 5

Alamat

Ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.



Tatlong bahagi ng Alamat
Simula, Gitna, Wakas

Simula
Matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento, ang tuhang ipinakilala ayon sa
kaanyuan o papel na gagampanan o katayuang sikolohikal, kung sino ang bida at ang kontrabida.
Ang ikalawa ay ang tagpuan o ang pangyayarihan ng aksiyon o mga eksena na naghahyag ng
panahon-kung tag-init o tag-ulan, kung anong oras at kung saang lugar.

Gitna
Ay makita ang banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin
nakapaloob ang pinakamahalangang bahagi ng kuwento - walang iba kundi ang diyalogo.

Diyalogo
Ang diyalogo ay ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang diyalogo ay magawang natural at
hindi artipisyal.

Wakas
Matatagpuan ang kakalasan at ang wakas nito. Sa kakalasan unti-unting bababa ang takbo ng
istorya. Dito rin sa bahaging ito mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di inaasahang
naganap na pagbubuhol na dapat kalagin. Mababatid naman sa katapusan ang magiging
resolusyon maaaring masaya o malungkot, pagkatalo, o pagkapanalo.

Tunggalian
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.

Kasukdulan
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari
sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

Kakalasan
Ito ang kinalabasan ng paglalaban.

Tagpuan
nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon
kung kailan naganap ang kuwento.

Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

banghay
pangyayari sa kuwento

tauhang lapad
uri ng tauhan sa anumang anyo ng panitikan na Hindi nagbabago ang katuahan sa loob ng
kwento. Ibig sabihin mula umpisa ng pelikula hanggang wakas, ang kanyang pagkatao ay
ganoon pa rin.

Tauhang Bilog
Nagbabago ang katauhan ng isang tauhang bilog sa loob ng kwento


ALAMAT NG PARU-PARO

May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya'y mapula at


kulobot. Ang mga mata'y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang
kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya'y pilay kaya
pahingkiud-hingkod kung lumakad.

Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit


ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahag-
hari.Ang looban ay natatamnan ng sari-saring halamanang namulmulaklak.
Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig. Ang mga punong-
kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng silahis
ng araw.

Isang umaga, isang batang lalaki't isang batang babae ang lumisan ng
kanilang tahanan.Sila'y maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila'y
nagging palaboy at walang tirahan. Sila'y nagpapasasa sa hirap upang may
makain.

Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging


naibubulalas nila ang salitang,"Ang lagit ay asul at ang bunkok ay lunti."
Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis sila'y nakakpagsalita ng, Matigas ang
lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip." Ang mga
nakikita nlang tanawin araw-araw ay sapat ng magpatighaw sa pagnanasa
nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang panakip sa
pangangailangan.

Sila'y naglibot at naakita ang bahay ng diwata." Ligaya, masdan mo ang


magandang bahay na iyon," sabi ng batang lalaki.
"Nakikita ko, Malakas," ang sagot. "May halamanan. Naaamoy ko ang
halimuyak ng mga bulaklak. Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at
ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy," ang dugtong pa.

"Tayo na pumasok sa hardin,"ang alok ni Malakas.

"Walang tumitira rito," ang sagot ni Ligaya.

Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang


sandaali, sila,y hintakot nguni't lumagay ang loob ng malaunan. Walang
umiino sa kanila. Sila'y namupol ng mga bulakla. Si Malakas ay umakyat sa
punong-kahoy. Nangain siya at pinatakaan si Ligaya ng maatamisna
bunga.

"Walang nakatira rito!"

"Oo,noong ako'y bata pa, may isang mamamg nagkuwento sa akin


tttttungkol sa lunang katulad nito. Huwag na tayong umaalis," Sabi ni
Ligaya.

"Ako'y ulila ng lubos. Walang maghahanap sakin," Sabi ni Maalaakas,

"Gayon din ako," sagot ni Ligaya.

"Ako'y paalibot-libot upang humanap ng trabaho upag may makain. Huwag


na nating lisanin ang loobang ito."

Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila
kung saan sila naroon.

Sa-darating ang diwatang galling sa dalampasigan. Siya'y hihingkod-


hingkod. Siya'y langhap ng langhap pagka'tmay naaamoy na ibang tao.
Lalo siyang pumangit sa kapipisngot.

"Bakit kayo naaangahas pumasok dito?" ang bungad na tanong. "Ano ang
ginagawa ninyo?" patuloy pa.

Natakot sina Malakas aat Ligaya. Sila'y nanginig sa takot.


"Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga?
Sigaw ng matanda.

Naglakas loob na sumagot si Malakas, "Mawilihin po kami sa bulaklak.


Gusto po naming...gusto ang...mga prutas..."

"Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!"

"Inaamin po amin an gaming kasalanan. Kami po'y handing magbayad.


Kami po'y mga ulila. Gawin po ninyo kaming alila! Handa kaming
magsilbi!"

Pinagulong-gulong ng diwata ang kanyang mga mata.Piinakisay niya ang


kanyang katawan, pinangiwi-ngiwi ang mga labi at nag-isip.

"Nauunawaan ko. Pakikinabbangan ko kayo."

Siya'y bumulong ng mga salitang maysa-engsekto at nammangha ang


dalawang bata.Siya kapagkarakay ay nagging isang maganndang diwata.
Sila'y may tangang mahiwagang baston na may nakakabit na bituin sa
dulo.

Patakang nagsalita si Malakas, "Oh, magandang diwata!"

Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamaay na nakatakip sa kanyang mga


matang nasilaw sa liwanag. Nakita niya nang harapan aang diwata. Siya'y
may taangang mga bagwis na yari sa bulaklak.

"Yayamang maawilihin kayo sa buulaklak, kayo'y gagawin kong


haaaardinero. Mula ngayon mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at
maaaari kayong magpapasasa sa aking mga bunga!"

Dinantayan ng diwata ng kaanyang mahiwagang baston ang dalawang bata


at sa isang iglap sila'y nagkapakpak. Sila'y nagpadapo-dapo sa mga
halaman.

"Ako ngayo'y magandang paru-paro!" sabi ni Malakas.


"Ako rin!" sang-ayon Ligaya. "Masdan mo aking mga pakpak.
Ittim,asul,lunti at kulay kahel!"

"Sa halamanang ito tayo mabubuhay ng mahabang panahon!" sabi ni


Malakas, "sapagka't tayo ngayo'y mga paruparo ng diwata!"

You might also like