You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LUBAO ELEMENTARY SCHOOL
San Nicolas 1st, Lubao,Pampanga

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

S.Y.2023-2024

Pangalan : _____________________________________________Iskor:____________

Panuto:Basahin mabuti ang bawat pangungusap.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tanghaling-tapat ay naglalaro pa si Tonyo sa labas ng kanilang bahay.Ano ang tambalang –salitang ginamit sa
pangungusap na ito?

A. labas ng

B. naglalaro pa

C. si Tonyo

D. tanghaling –tapat

2. Ano ang pwedeng itambal sa salitang silid para maging tambalang-salita?

A. dati

B. mesa

C.tulugan

D.upuan

3. Ano ang ibig sabihin ng tambalang salitang ito pamatid- uhaw?

A, inuman nakakasuka

B. inumin pantanggal uhaw

C. inumin nakakalasing

D. inumin walang lasa

Address: San Nicolas 1st, Lubao, Pampanga


Telephone No.: (045) 3070365
Email Address: r3pamp.106023@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LUBAO ELEMENTARY SCHOOL
San Nicolas 1st, Lubao,Pampanga
4. Ito ay isang mataas na halaman.

A. balikbayan

B. punongkahoy

C. pamatid-uhaw

D. tubig-ulan

Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong .

Si Berto

Si Berto ay nasa Ikatlong Grado. Sa Pampanga sila nakatira. Masaya silang naninirahan dito bilang
pamilya.Simple ang kanilang pamumuhay. Kahit maliit lang ang kanilang tahanan ay masaya sila dahil tulong-tulong sila
sa kanilang mga gawain sa bahay.Nagiging magaan lahat ng kanilang ginagawa. Si Pedro ay magalang at masipag kaya’t
ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang.

5. Sino ang bata sa teksto?

A. Ana

B. Berto

C. Cathy

D. Dario

6. Ilarawan mo ang pamilya ni Berto?

A. malungkot

B. masaya

C. nag-aaway

D. natataranta

7. Sa iyong palagay bakit masaya si Berto kasama ang kanyang pamilya?

A.Sila ay laging kumakain sa labas.

B.Sila ay pumupunta sa SM tuwing Linggo.

C.Sila ay nanonood ng sine lagi.

D.Sila ay laging nagtutulungan sa mga gawain.

8. Ano ang gagawin mo upang katulad ni Berto o ay maging masaya rin ang inyong pamilya?

A. Palaging aalis ng bahay.

B. Makikipaglaro sa kapitbahay.
Address: San Nicolas 1st, Lubao, Pampanga
Telephone No.: (045) 3070365
Email Address: r3pamp.106023@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LUBAO ELEMENTARY SCHOOL
San Nicolas 1st, Lubao,Pampanga
C. Magpapabili ng mga laruan.

D. Tutulong sa mga gawaing-bahay.

9. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing
nang hindi makahawa ng iba. Uminom ng maraming tubig at magpahinga. Ano ang paksa ng talata?

A. Mga dapat gawin kapag umuubo at sinisipon.

B. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.

C. Lumabas ng bahay kapag inuubo.

D. Makipagkwentuhan lagi.

10. Ang pagkain ng gulay ay maraming benepisyo sa kalusugan. Ang mga taong kumakain ng mas maraming gulay at
prutas ay malayo sa sakit. Ang gulay ay nagbibigay ng sustansya na mahalaga sa katawan.

A. Benepisyo ng pagkaing ng gulay.

B. Masasarap ang mga gulay.

C. Nakakain ang mga gulay.

D. Walang mabuting dulot ang mga gulay.

11. Si Gigi ay pumunta sa Canada kahapon kasama ng kanyang mga magulang.Ano ang pandiwang ginamit sa
pangungusap?

A. Canda

B. Gigi

C. kasama

D. pumunta

12. Ako ay ________ sa aming bahay bukas.

A. naglinis

B. naglilinis

C. maglilinis

D. linisin

13. _________ ang mga bata sa paaralan araw-araw.

A. Pasukin

B. Pumasok

C. Pumapasok

D. Pinapasok
Address: San Nicolas 1st, Lubao, Pampanga
Telephone No.: (045) 3070365
Email Address: r3pamp.106023@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LUBAO ELEMENTARY SCHOOL
San Nicolas 1st, Lubao,Pampanga
14. Si Paul ay ________ noong isang araw pauwi ng kanilang bahay.

A. naglakad

B. naglalakad

C. maglalakad

D. lakarin

15.__________ kami ng mga puno ng saging mamaya.

A. Magtanim

B. Magtatanim

C. Nagtanim

D.Nagtatanim

16.Kung papalitan ang unang pantig ng salitang bao,ng ta ano ang salitang mabubuo?

A.taba

B.oo

C.tao

D.tabao

17.Ano ang salitang mabubuo kung papalitang ang huling pantig ng mata?

A. tama

B. mali

C. maat

D. sata

18. Ang na_____ ay nagluluto sa kusina.Anong pantig ang pwedeng idugtong para mabuo ang diwa ng pangungusap?

A. si

B. nay

C. ta

D. wa

19. Si Marina ay nakahiga sa kanyang ____ ma. Ano ang pantig ang idudugtong para mabuo ang diwa ng pangungusap?

Address: San Nicolas 1st, Lubao, Pampanga


Telephone No.: (045) 3070365
Email Address: r3pamp.106023@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LUBAO ELEMENTARY SCHOOL
San Nicolas 1st, Lubao,Pampanga
A. ka

B. ma

C. la

D. sa

20.Isa sa tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang
ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa ating patron. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon
lalo na sa mga lalawigan. Ano ang sumusuportang kaisipan sa tekstong ito?

A. Ang Kapistahan

B. Isa sa tradisyon nating mga Pilpino ay ang kapistahan.

C. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa ating patron.

D. Ang ating mga kababayan ay masasaya.

21.Ano ang sumusuportang kaisipan na ang angkop sa paksang pangungusap na ito” Kailangan ng katawan ang sapat na
tubig.”

A. Makatutulong ito para mapababa ang temperatura at magtanggal ng dumi sa katawan.

B. Malinis ang tubis sa sapa.

C.Pwedeng maligo sa dagat ang mga bata araw-araw.

D. Masarap ang mga pagkain sa mesa.

22. Ano ang bantas ang nilalagay sa Bating Panimula?

A. ,

B..

C.”

D.;

23.Ano ang tawag sa baha gi ng liham na kung saan sinusulat ang mensahe ng sumulat sa kanyang sinusulatan?

A. Bating Panimula

B. Bating Pangwakas

C. Katawan ng Liham

Address: San Nicolas 1st, Lubao, Pampanga


Telephone No.: (045) 3070365
Email Address: r3pamp.106023@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LUBAO ELEMENTARY SCHOOL
San Nicolas 1st, Lubao,Pampanga
D. Lagda

24. Ano ang angkop na pamagat sa tekstong ito?

Malapit na ang bakasyon. Ito ang pinanabikan ng bawat Batang nag-aaral . Paniguradong magiging masaya ang
bawat araw nila.Marami ang pupunta sa ibang lugar para mamasyal.

A. Ang Bakasyon

B. Ang Mga Bata

C. Ang Pasyalan

D. Ang Lugar

25. Si Rico ay malusog na bata. Umiinom siya ng gatas. Kumakain siya ng

Prutas at gulay. Kung kaya’t masigla siyang bata at hindi nagkakasakit.

Ano ang angkop na pamagat sa tekstong ito?

A. Ang Malusog na Bata

B. Ang Sakitin na Bata

C. Ang Tamad na Bata

D. Ang Masipag na Bata

26. Si Lito ay bumagsak sa pagsusulit nila sa Asignaturang Filipino.Siya ay hindi nakapag-aral ng kanyang mga aralin
dahil siya ay nakipaglaro pagdating sa bahay. Ano ang sanhi ng pagbagsak ni Lito?

A. Kumain lang siya pagdating ng bahay nila.

B. Nakipaglaro siya pagdating sa kanilang bahay.

C. Natulog siya sa bahay nila.

D. Nataranta siya sa kanilang pagsusulit.

27. Ano ang posibleng epekto ng pagkain ng mga tsitsirya araw-araw?

A. Magiging malusog

B. Magkakasakit

C. Magiging maganda ang katawan

D. Magkakaroon ng malaking muscles

28. Habang pinapaliwanag ng guro ang aralin nina Ellen siya ay nakikipagdaldalan,ano ang magiging resulta nito?

A.Makukuha niya ang kanilang aralin.

Address: San Nicolas 1st, Lubao, Pampanga


Telephone No.: (045) 3070365
Email Address: r3pamp.106023@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
LUBAO ELEMENTARY SCHOOL
San Nicolas 1st, Lubao,Pampanga
B. Mapagsasabihan siya ng guro.

C. Magiging mataas ang grado niya.

D. Matutulog siya.

29. Ano ang pang-abay na pamaraan ang ginamit sa pangungusap na ito? Taimtim na nagdarasal sa simbahan si Monina.

A. Monina C. simbahan

B. nagdarasal D.taimtim

30. Pabagsak na sinara ni Elaiza ang pinto.Ano ang pang –abay na pamaraan ang ginamit sa pangungusap?

A. Elaiza C. pinto

B. pabagsak D.sinara

Inihanda ni: Tsinek at Inaproban ni:

JENNY B. MERCADO CRISTINA T. SANTIAGO


Teacher III Principal III

Address: San Nicolas 1st, Lubao, Pampanga


Telephone No.: (045) 3070365
Email Address: r3pamp.106023@deped.gov.ph

You might also like