You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
CATMON NATIONAL HIGH SCHOOL
Sitio Hulo, Catmon, Santa Maria, Bulacan
Email: 306714@gmail.com Tel. No.: (044)792-5517

Remedial Activities (Unang Markahan)


Pangalan:__________________________ Baitang at Seksyon: _____________ Iskor:___
Petsa: ___________ Guro: Gng. Mary Ann L. Flores Lagda ng Magulang: _______
I. Panuto: Piliin ang wastong karunungang-bayan na tumutukoy sa pahayag o sitwasyon sa bawat
bilang. Itiman ang puso na nagpapakita ng iyong sagot.
1. Pinigilan ni Jose ang kanyang kamag-aral sa ginagawa nitong pambu-bully sa ibang mga bata.
Kung ano ang hindi mo gusto, huwag gawin sa iba.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
2. Minabuti ni Kaloy na ipagtapat sa kanyang ina ang katotohanan kahit alam niyang siya ay maaaring
mapagalitan.
Kung hindi uukol, hindi bubukol.
Walang lihim ang hindi nabubunyag.
3. Gumawa ng isang palatandaan ang magkaibigang Nadia at Karen na nagpapakita ng kanilang matatag na
pagkakaibigan.
Ilista mo sa hangin.
Itaga mo sa bato.
4. Bumalik si Doktor Jane Cruz sa kanyang bayang sinilangan upang magsagawa ng panggagamot sa mga
naapektuhan ng pandemya.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
5. Ang mga frontliners ay handang magbigay nang tulong sa mga mamamayang apektado ng pandemyang
Covid-19.
Bukas-palad
Butas ang bulsa

II. Panuto: Batay sa tinalakay na Eupemistikong pahayag, tukuyin ang kahulugan ng mga salita mula sa bawat
saknong ng akda. Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga pahayag sa hanay A.
Hanay A Hanay B
_____6. sagana sa butil a. sagana
_____7. malabay na puno b. matulungin
_____8. brasong Herkules c. mayamang bukirin
_____9. uban sa ulo d. malakas, matipuno
_____10. bukas-palad e. puting buhok

III. Panuto: Tukuyin ang sagot ng bawat bugtong. Punan ng angkop na letra ang kahon upang mabuo ang
salita.
11. Likido ang ikinabubuhay, hangin ang L M R
ikinamamatay

12. Bahay ni Donya Ines, napaliligiran ng butones


T S

13. Ito namang pinsan ko saka lang kikilos kung P O pinapalo

14. May isang baging, iisa ang S R N G L A


dahon

U O
15. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna

IV.Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng


salitang nasa loob ng panaklong.
( kawal ) 16. Ang Sultana ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw, upang malaman kung may babaeng
nakahihigit ng ganda sa kanya.
( pinag-interesan ) 17. Pinagnasahang pasukin ng sultan ang palasyong nakatayo sa loob ng kagubatan.
( nagtagal ) 18. Hindi naglaon, ang madilim na balak ng asawa ay natukla- san ng sultan.
( layunin ) 19. Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pakay sa mahal na hari.
( kinamulatan ) 20. Ang bata ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang mga kinagisnang magulang.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
CATMON NATIONAL HIGH SCHOOL
Sitio Hulo, Catmon, Santa Maria, Bulacan
Email: 306714@gmail.com Tel. No.: (044)792-5517

Remedial Activities (Ikalawang Markahan)


Pangalan:__________________________ Baitang at Seksyon: _____________ Iskor:___
Petsa: ___________ Guro: Gng. Mary Ann L. Flores Lagda ng Magulang: _______

I. Panuto: Punan ang patlang ng tamang kataga/salita sa pagtatanong upang mabuo ang pahayag.
Isulat ang kasagutan sa iyong sagutang papel.
1. _________ang tawag sa aparato na ginagamit sa pagkuha ng presyon ng dugo?
2. _________ ko matatagpuan ang iyong opisina ?
3. _________ bagyo ang labis na nakapinsala sa bayan ng Camarines Sur ?
4. _________ ang gumagamot sa mga taong nahawahan ng virus?
5. _________ tayo makakatulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo?
6. _________ maraming tao ang hindi makuntento sa buhay?
7. Sa Samar ako isinilang.Ikaw ___________?
8. _________ kaya matutuklasan ang lunas sa sakit na covid-19 ?
9. _________ ang iyong iboboto sa susunod na halalan?
10. Nais naming marating ang simbahan ng Quiapo.______ang mas mabilis
na daan kung kami ay manggagaling sa Bulacan?
11. ________ mapapawi ang sakit na kanyang naramdaman dulot ng trahedya naranasan.
12. ________ muli bibisita si Pope Francis sa Pilipinas?
13. _________ mahalaga ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain?
14. _________ kulay ng damit ang isusuot mo sa iyong kaarawan?
15. _________ ang nagbibigay ng payo sa’yo sa tuwing ikaw ay mayroong problema?

II. Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Iguhit ang mukhang nakangit kung ito’y nagpapahayag
ng pagsang-ayon at mukhang malungkot kung pagsalungat.

___ 1. Lubos akong nananalig na babalik na sa normal ang ating buhay.


___ 2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon sa noon.
___ 3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
___ 4. May mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang tularan.
___ 5. Talagang kailangan nating sumunod sa mga patakarang iniuutos ng ating pamahalaan.
___ 6. Kaisa ako sa lahat ng mga patakarang ipnag-uutos ng pamahalaan upang mapangalagaan ang
sarili sa virus.
___ 7. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi maakabubuti sa lahat.
___ 8. Hindi ko matanggap ang mga taong nanloloko ng iba para lang pansariling kagustuhan.
___ 9. Tunay na dakila ang mga maituturing din natin bayani na mga frontliners.
___ 10. Sadyang mahirap ang bagong sistema ng edukasyon ngayon, ngunit kung tayo ay may
pagsisikap at nais na makatapos ay walang mahirap.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
CATMON NATIONAL HIGH SCHOOL
Sitio Hulo, Catmon, Santa Maria, Bulacan
Email: catmonnationalhs@gmail.com Tel. No.: (044)792-5517

Remedial Activities
Pangalan:__________________________ Baitang at Seksyon: _____________ Iskor:___

Petsa: ___________ Guro: Mrs. Marilou S. Sta.Maria Lagda ng Magulang: _______

Tukuyin kung Salawikain, Kasabihan o Sawikain ang pagpapahayag na ibinigay sa bawat bilang.

___ 1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

___ 2. Ang masama sa iyo, huwag mong gawin sa kapuwa mo.

___ 3. Ilibing sa limot

___ 4. Nanunungkit ng bituin

___ 5. Maamong kalapati

___ 6. Ubos-ubos biyaya; pagkatapos, nakatunganga.

___ 7. Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

___ 8. Mahina ang bagwis

___ 9. Iba na ang tinitingnan sa tinititigan.

___ 10. Papuri sa harapan, lihim na kaaway.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
CATMON NATIONAL HIGH SCHOOL
Sitio Hulo, Catmon, Santa Maria, Bulacan
Email: catmonnationalhs@gmail.com Tel. No.: (044)792-5517

Remedial Activities
Pangalan:__________________________ Baitang at Seksyon: _____________ Iskor:___

Petsa: ___________ Guro: Mrs. Marilou S. Sta.Maria Lagda ng Magulang: _______


A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.

1. Nakamit ni C.J. ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at


taos puso ang kanyang pag-awit.
2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa
panganib ang buhay nila.
3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya’t lumikas na ang mga
tao mula sa kanilang mga bahay.
4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka’t nais nilang masorpresa si Nanay sa
kanyang kaarawan.
5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang
kaibigan, nasaulo niya ito.

B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.


6. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya’t inilabas na ni Noel ang
mga bag ng basura.
7. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak.
8. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya
agad namukhaan.
9. Lumubog ang malaking barko sapagka’t ang bilang ng mga pasahero roon
ay labis sa kapasidad nito.
10. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi
malapit na ang pasukan.

You might also like