You are on page 1of 3

.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
HERMOSA NATIONAL HIGH SCHOOL
CULIS, HERMOSA, BATAAN

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7


December 1, 2022
I. LAYUNIN
1. Nailalahad ang mga element ng maikling kwento ng kabisayaan (F7PB-lli-11)
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Mga Pahayag ng Paghahambing
Subject Integration: Edukasyon sa Pagpapakatao
Panitikan: Alamat (Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan)
Batayan: Pinagyamang Pluma 7 pahina 178-180
Kagamitang Pampagturo: Printed Materials, Powerpoint Presentation
III. PAMAMARAAN/ISTRATEHIYA
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
B. Balik-Aral
- Sa alamat na tinalakay sa nakaraang araw (Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan)
- Gawain: Pagsunud-sunuring ang mga pahayag na nasa loob ng kahon upang
mabuo ang diwa ng kwento.
1. Mabilis na nagkaunawaan ang mga dalaga’t binate. Niyaya ng mga binate
ang mga dalaga na sumamang mamasyal sa kanilang bayan, ngunit hindi
pumayag ang ama sa kagustuhan ng mga anak na sumama kaya’t
nagpasyang tumakas ang mga ito at iniwan ang ama.
2. Hinabol ng matanda ang bangkang kinalulunlan ng mga anak ngunit hindi
niya naabutan ang mga ito dahil mabilis ang kanilang bangka. Humagulgol
ang matanda at tila nakikisimpatya ang kalangitan dahil umulan at humangin
ng malakas. Sumadsad ang bangkang sinasakyan ng mga dalaga at nalunod
ang mga ito at naging mga isla.
3. Masayang namumuhay ang mag-aama malapit sa baybayin ng isla ng
Panay. Naging bantog ang kagandahan ng pitong dalaga kaya hindi
nakapagtataka na marami ang nanligaw sa mga ito tulad ng mga
estrangherong mangangalakal.
Pagsagot sa mga Tanong:
1. Ano ang iniwang aral sa inyo ng kuwento?
2. Gaano ba kahalaga ang pagsunod sa payo ng magulang?

Address: Culis, Hermosa, Bataan


Telephone Number: 240 2882
Email: hermosanhsmain@gmail.com
.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
HERMOSA NATIONAL HIGH SCHOOL
CULIS, HERMOSA, BATAAN

C. Pagganyak
Basahin at unawain ang talatang nakapaskil sa pisara (Tarpapel).
Malayang Talakayan:

 Totoo nga kayang mas mabigat ang hamong kinakaharap ng mga magulang
sa pagpapalaki ng mga anak sa kasalukuyang panahon? Bakit?
 Kung ikaw ang magulang, ano ang gagawin mo upang mapalaki pa ring
mabubuti ang iyong mga anak sa kabila ng mga bagay na nakaiimpluwensiya
sa kanilang kaisipan at pagpapahalaga?
 Kung ikaw naman ang anak na pinagsasabihan ng iyong magulang na
maghinay-hinay sa paggamit ng telebisyon, smart phone, at Internet, susunod
ka ba o susuway? Ipaliwanag.
D. Pagtalakay sa Aralin (Mga pahayag sa Pag-hahambing)
(Powerpoint Presentation)
1. Pagtalakay sa kahulugan ng pang-uri at mga halimbawa nito.
2. Pagpa-paliwanag sa kaantasan ng pang-uri.

 Lantay
 Pahambing
 Pasukdol
3. Pagbibgay diin sa dalawang hambingan ng pang-uri.
4. Paglalahad ng sariling halimbawa.
E. Paglalagom
1. Ano ang kahulugan ng pang-uri at mga kaantasan nito?
2. Ibigay ang dalawang hambingan ng pang-uri.
3. Sabihin sa klase ang pagkakaiba nito.
4. Magbigay ng ilang halimbawa.
F. Pagsasanay
Subukin Natin (Pangkatang Gawain).
Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Bawat isang pangkat ay maglalahad ng
tig-iisang pangungusap sa bawat pahayag (Tarpapel).
Nagagamit ng maayos ang mga pahayag sa paghahambing.

Address: Culis, Hermosa, Bataan


Telephone Number: 240 2882
Email: hermosanhsmain@gmail.com
.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
HERMOSA NATIONAL HIGH SCHOOL
CULIS, HERMOSA, BATAAN

IV. PAGTATAYA
Lagyan ng angkop na pahayag sa paghahambing ang mga salitang nasa loob ng
panaklong. (Gawin ito sa sagutang papel.)
1. ____________ (mabuti) sa mga anak kung palalakihin silang may disiplina kaysa
palakihin sa layaw.
2. ____________ (halaga) ang ama at ina sa buhay ng kanilang anak.
3. ____________ (mahirap) iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang cellphone.
4. Ang tamang paggabay sa mga anak ay ____________ (mainam) pa ring paraan
ng pagtuturo kaysa sa labis na pamamalo ng bata.
5. ____________ (Dalisay) na pagmamahal mula sa ama at ina ang kailangan ng
mga anak.
V. TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng 5 pangungusap na nagsasaad ng paghahambing sa dalawang paraan ng pag-
aaral, na pareho niyong naranasan, ang Face-to-face at Distance learning o Modular
learning.

Inihanda ni:
ELIZA D. CASTRO
Filipino Teacher

Address: Culis, Hermosa, Bataan


Telephone Number: 240 2882
Email: hermosanhsmain@gmail.com

You might also like