You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOL DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
SAN JOSE DEL MONTE NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 301060 Official E-Mail: 301060.sjdmc@deped.gov.ph Official Web Site: sjdmhs.weebly.com
Contact No. (044) 3058860

Pangalan ng Guro: Kathy E. Gulen


Baitang/Pangkat: 10-Jaena
Araw/Petsa/Oras: Pebrero 26, 2024/

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakikilala ang paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe;
b. nabibigyan kahalagahan ang paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid
ng mensahe; at
c. nakabubuo ng isang sanaysay na tuwiran at di-tuwirang pahayag.

II. PAKSANG-ARALIN
Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe

Sanggunian: Panitikang Pandaigdig (pahina 263 hanggang pahina 272)


Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=pRpeEdMmmQ0 (Waka Waka - This
Time for Africa)
Kagamitan: laptop,

III. PAMAMARAAN
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagdarasal.
2. Pagbati.
3. Pagsiguro sa kaayusan at kalinisan ng silid-arralan.
4. Pagkuha ng atendans.
5. Balik-aral sa nakalipas na aralin.

B. Pagganyak
Pagpapanood at pagpaparinig sa awiting “Waka Waka (This Time for Africa)”

1. Ano ang napansin niyo sa napanood na bidyo?


2. Ano kaya ang mensaheng nais ipabatid ni Shakira sa kaniyang kanta?

(Ang awit na ito ay inilabas taong 2010 kasagsagan ng “World Championship in Football in South
Africa”. Ito ay inawit sa dalawang lenggwahe na Espanish at Ingles.)

C. Pokus na Tanong
Bakit nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop
na mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag?

D. Presentasyon
1. Pagpapakilala sa paggamit ng tuwirang pahayag at di-tuwirang pahayag sa paghahatid
ng mensahe.
Tuwirang Pahayag - mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensya kaya’t kapani-
paniwala. May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento upang
makahikayat. Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa.

BATAng San Jose


Building a Stronger Community through Authentic Learning
Curriculum and Assessment, Time-tested Teaching Practices,
Adaptive and Friendly Learning Environment ng SAN JOSE.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOL DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
SAN JOSE DEL MONTE NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 301060 Official E-Mail: 301060.sjdmc@deped.gov.ph Official Web Site: sjdmhs.weebly.com
Contact No. (044) 3058860

Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang pasyalan bago
ang ibang bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito ang kaniyang
sertipiko.
Di-tuwirang Pahayag - mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat
naman sa mga tagapakinig o tagapagbasa.
2. Paglinang sa Talasalitaan
Sanaysay - ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais
nitong talakayin.
Balangkas - isang lohikal o kaya’y isang kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.

(Analohiya) Panuto: Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa


talumpating binasa. Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t-isa upang
mabigyang-linaw kung bakit ito ang iyong sagot.

kagubatan karagatan katawan


pruras silid-aklatan tinapay

1. bulaklak : hardin :: aklat : _____________


2. berde : kapaligaran :: asul : _____________
3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : _____________
4. ______________ : gutom :: tubig : uhaw
5. puso : katawan :: _____________ : puno

3. Pagpapabasa ng talumpati ni “Nelson Mandela: Bayani ng Africa” isinalin sa Filipino ni


Roselyn T. Salum.

E. Pagpapayaman

1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kaniyang


talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at isang bansa?
2. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog africa.
3. Anong mga katangian ni Mandela ang masasalamin sa kaniyang talumpati? Ganito rin
ba ang taglay ng namumuno sa ating bansa? Maglahad ng mga pangyayaring
nagpapatunay nito.
4. Kung ikaw ay isa sa mga mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging
damdamin sa talumpati ni Mandela?
5. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o bansa?

F. Paglalapat

Gawain: PahayaGalingan
Panuto: Kayo ay hahatiin sa dalawang grupo. Suriin ang mga pangungusap at uriin kung ito
ay tuwiran o di-tuwiran ang pahayag na ginamit.

1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino.
2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang
magutom.
3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa
Senado.
4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na
kakayahan ng kapwa.
5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin
na dinarayo ng mga turista.

BATAng San Jose


Building a Stronger Community through Authentic Learning
Curriculum and Assessment, Time-tested Teaching Practices,
Adaptive and Friendly Learning Environment ng SAN JOSE.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOL DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY
SAN JOSE DEL MONTE NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 301060 Official E-Mail: 301060.sjdmc@deped.gov.ph Official Web Site: sjdmhs.weebly.com
Contact No. (044) 3058860

G. Paglalahat
Pagsagot sa Pokus na Tanong:

Bakit nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop na


mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Sumulat ng sariling sanaysay na may di-tuwirang pahayag tungkol sa kasalukuyang


pangyayari sa bansa na ang layunin ay makapanghikayat sa kaniyang mambabasa.

Inihanda ni:

Kathy E. Gulen
Student Teacher, Filipino 10

Iniwasto ni:

Delia S. Bautista
Teacher II/Cooperating Teacher

Naitala ni:
Jose Mari L. Durante
Coordinator, Filipino Department

BATAng San Jose


Building a Stronger Community through Authentic Learning
Curriculum and Assessment, Time-tested Teaching Practices,
Adaptive and Friendly Learning Environment ng SAN JOSE.

You might also like