You are on page 1of 9

Prepared by: Document Code: Module Reference

MISAMIS UNIVERSITY Joenard Tuastomban, MAEd- MU-BED-JHS-LM- No.


Ozamiz City Filipino 012 01
Office of the Vice President Faculty
for Academic Affairs Checked by: Revision Date: Units:
May Noren D. Nanud, MS 3.0
BASIC EDUCATION Physics
Associate Principal
Reviewed by: Revision No.: Subject Code:
LEARNING Analyn S. Clarin, MAEd-ELT 0 Filipino 8
MODULE Principal, Basic Ed. Dept.
Approved by: Prerequisite: Co-requisite:
Ariel R. Clarin, PhD-Ed None None
Director for Instruction
Descriptive Title: Gramatika at Panitikan 8
MU-ACA-041A/30May2020

Modyul 1.1
PAG-UUGNAY SA MAHAHALAGANG KAISIPANG NAKAPALOOB SA MGA
KARUNUNGANG-BAYAN
I. Course Outcome : CO1. Nasusuri ng mag-aaral ang mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon sa pagbuo ng
isang makatotohanang proyektong panturismo
II. Learning Outcome/s : LO1.1 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay
sa kasalukuyan
LO1.2 Nabibigyang kahulugan ang mga talinghagang ginamit
batay sa binasang akda
LO1.3 Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga
karunungang-bayang napakinggan
LO1.4 Naisusulat ang sariling karanasan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan batay sa mga karunungang-bayan

III. Time Frame : 4 Hours


IV. Introduction :
Sa modyul na ito, matutunghayan mo ang mga iba’t ibang klaseng Karunungang-Bayan
(Kasabihan, Bugtong, Bulong, Palaisipan, Sawikain at Salawikain). Sa pagtatapos ng aralin,
inaasahan na mabibigyan ng kahulugan ang mga talinghagang ginamit at maiuugnay ang mga
mahahalagang kaisipang nakapaloob sa karunungang-bayan sa kasalukuyan.

Makikita sa ibaba ang dayagram ng konsepto ng mga karunungang-bayan. Ang mga


detalye sa konseptong ito ay lubos na tinalakay sa screencast video sa MU-OLE.

Bugtong Sawikain

Mga
Bulong Salawikain
Karunungang-Bayan

Kasabihan Palaisipan

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 1 of 9


KARUNUNGANG BAYAN (FOLK SPEECH)
(Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol)

Noong unang panahon, ang mga tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng


mga damdamin at karanasan tungkol sa iba’t ibang bagay sa mundo. Mayroog ibat-ibang uri
ng panitikan isa sa mga ito ang karunungang-bayan.
Ang karunungang-bayan o kaalamang-bayan ay isang sangay ng pantikan kung
saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng
mga tao. Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay ng
pagpapahalagang kultural. Binubuo ito ng mga sumusunod:

Bugtong - ginamit upang libangin ang mga tao sa oras na wala silang ginagawa. Isa itong
larong pahulaan. Ito ay binubuo ng dalawang taludtod na maikli. Laganap ito sa buong
kapuluan at nagpapahayag ng hilig ng damdamin at kaisipan ng bawat pulo.

Halimbawa:
1. Kaisa-isang plato
Kita sa buong
Palaisipan mundo. ng isang sitwasyon na may suliranin. Ito ay isang uri ng tagisan ng
- naglalahad
talino kung saan ay pahuhulaan sa mga kasali kung ano ang pinakamabuting gawino ang
Sagot: buwan
wastong pamaraan sa paglutas ng suliranin. Kailangan ang malalimn na pag-iisip para dito.

Bulong - isang matandang katawagan sa orasyon na ginagamit sa panggagamot,


Halimbawa:
pangkukuam, o pang-eengkanto. Karaniwang ang babaylan ang nagsasagawa ng ganitong
ritwal.
May isangGinagamit dintore
prinsesa sa itong panalangin ng mga taong nagnanais na makamtan ang isang
ay nakatira.
pangyayari o pagbabago sa hinaharap. Sa kasalukuyan ay iba na ang kahulugan nito lalo na
Balita sa kaharian, pambihirang ganda,
sa Kamaynilaan at mga karatig na lugar, ngunit nananatili pa rin ang tunay na kahulugan
nito satumingala
Bawal ilang lalawigan sa Katagalugan,
upang siya'y makita Kabisayaan, at Kabikulan.

Ano ang gagawin ng prinsipeng sumisinta?


Halimbawa:
Sagot: Iinom ng tubig upang mapatingala
at1.makita
Huwag magalit,
ang kaibigan
prinsesa
Aming pinuputol lamang Ang sa ami'y napag-utusan.

Salawikain - mga butil ng karunungang


Kasabihan
hango - karaniwang
sa karanasan ginagamit
ng matatanda, sa panunukso
nagbibigay o pagpunapayo
ng mabubuting sa kilos ng isang
tungkol tao. Kaiba sa
sa kagandahang-
salawikain at kawikaan, ito ay hindi gumagamit ng mga talinghaga at payak
asal at mga paalaala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinghagaang kahulugan.
o may
Karaniwang
nakatagong bukambibig
kahulugan. lamang ngnasusulat
Karaniwang matatandaitoang mgamay
nang kasabihan.
sukat atAng kilos,kaya
tugma, ugali, at gawi
masarap
ng isang tao
pakinggan ay masasalamin
kapag binibigkas. sa mga kasabihan.

Halimbawa:
Halimbawa:
Huwag
Ang hindikang magtiwala
lumingon Sa di mo kakilala.
sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 2 of 9


V. Learning Materials : 1. Screencast video
Filename: Karunungang-Bayan.mp4
This file can also be accessed online through our MU-
OLE or Group Page.
VI. Supplementary
Learning Resources : A. Books
1. Pinagyamang Pluma 8 (2018)
2. BAYBAYIN 8 (2018)
3. Bulwagan 8 (2016)
B. Website Address/URL
1. https://bit.ly/2ZOhjeb
2. https://bit.ly/2X594sl
3. https://www.youtube.com/watch?v=TUG_hqdEja8
VII. Learning Activities : 1. Home-based Activities
1.1 Panoorin at Pakinggan ang screencast video tungkol sa
Karunungang- Bayan sa MU-OLE/ Group Page upang
magkaroon nang malalim na pagpapaliwanag nito.
1.2 Sagutin ang Gawain 1: Pagbibigay Kahulugan sa
Talinghaga (Sagutin sa Pluma na Aklat sa pahina 9)
1.3 Sagutin ang Gawain 2: Pagbibigay Hinuha (Sagutin sa
Pluma na Aklat sa pahina 10)
1.4 Gawin ang Gawain 3: Pagsulat ng Sariling Karanasan
1.5 Sagutin ang Gawain 4: Pag-uugnay sa Mahalagang
Kaisipang Nakapaloob sa Karunungang-Bayan
VIII. Equipment : None
IX. Student Feedback : Mahalaga ang iyong puna. Kung maaari ay huwag iwanan nang
nakablangko ito. Ang bahaging ito ay magbibigay-daan sa amin

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 3 of 9


upang suriin kung paano mapalago nang maayos ang daloy ng
modyul na ito. Ang iyong puna ay makatutulong na mapagbuti
ang modyul na ito para sa rebisyon sa hinaharap.

1. Aling bahagi ng modyul na ito ang nagustuhan/nakita mo na kawili-wili? Bakit?

2. Aling bahagi ng modyul na ito ang itinuturing mong challenging? Bakit?

Gawain 1: Pagbibigay Kahulugan sa Talinghaga


A.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may diin sa pangungusap.

a. hindi nadidisiplina d. pinag-iisipan


b. katalinuhan e. problema
c. matalino f. walang magandang hinaharap

_____1. Hindi maiiwasang makaranas ng bagyo sa buhay ang mga tao.


_____2. Inisip niya nang makapito ang bagay na ito bago niya gawin.
_____3. Matigas ang ulo ng anak na hindi napaluluha.

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 4 of 9


_____4. Malayo ang mararating ng batang matalas ang isip.
_____5. Marami siyang masasamang bisyo kaya’t sigurado akong nakatunganga na iyan
bukas.

B.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa bawat pangungusap.
Itala ang iyong sagot sa loob ng kahon.

1. Mahirap ang maging anak-dalita.

2. Mabuting kasama ang taong marunong tumanaw ng utang na loob.

3. Malayo sa gulo ang may malawak na isip.

4. May mga anak na hanggang tumanda ay pasang-krus ng magulang.

5. Mahirap pigilan ang taong buo ang loob.

Gawain 2: Pagbibigay Hinuha


Panuto: Basahin ang tulang nasa ibaba at sagutin o magbigay-hinuha sa mga tanong batay sa
binasa.
Karunungan ng Buhay

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 5 of 9


Lakas ng katawan
Daig ng paraan.
Sa buhay ng tao ay may karanasan
Na kailangang iwasan at dapat ayusin Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa
Tamang tandaan, at sa tuwina’y pakaisipin buhay
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan. Na maaaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay.
Iwasan ng hindi maging anak-dalita: Nang maging huwaran ng mahal sa buhay
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.

Ubos-ubos biyaya
Bukas nakatunganga.

Gawin upang tumanaw ng utang na loob:


Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan


Di makararating sa paroroonan.

Pakaisipin upang maging malawak ang


isip:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.

Nasa Diyos ang awa


Nasa tao ang gawa.

Tandaan upang maging buo ang loob:


Kung hindi ukol
Hindi bubukol.

Kung ano ang bukang-bibig


Siyang laman ng dibdib.

Ingatan upang hindi maging pasang-krus:


Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.

Ang kayamanan
Ay kalusugan.

Tularan nang maging matalas ang isip:


Daig ng maagap
Ang masipag.

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 6 of 9


1. Bakit daw “bagyo ang aanihin kapag hangin ang itinanim”?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano ang magyayari kapag hindi nagamit nang wasto o madalingnaubos ang mga biyaya
sa buhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Paano isasabuhay ang kasabihang “ Ang lumakad nang matulin kung matinik ay
malalim”.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Bakit nasabing “Ang kalusugan ay kayamanan”?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Ano ang ibig sabihin ng “Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib”?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 7 of 9


Gawain 3: Pagsulat ng Sariling Karanasan

Panuto: Batay sa anim na kaisipan o tuntuning inilahad ng may-akda sa tula, ano-ano ang mga
bagay na dapat mong iwasan, ayusin, pakaisipin, tandaan, ingatan at tularan? Sagutin ang
graphic organizer na nasa ibaba.

Kaisipan o Tuntunin Mga Bagay na Dapat Gawin sa Sarili


1.
2.
Iwasan 3.
4.
5.
1.
2.
Ayusin 3.
4.
5.
1.
2.
Pakaisipin 3.
4.
5.
1.
2.
Tandaan 3.
4.
5.
1.
2.
Ingatan 3.
4.
5.
1.
2.
Tularan 3.
4.
5.

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 8 of 9


Gawain 4: Pag-uugnay sa Mahalagang Kaisipang Nakapaloob sa Karunungang-Bayan
Panuto: Magtanong sa iyong mga lolo, lola, magulang, o sa sinumang matanda sa inyong lugar
ng mga halimbawa ng karunungang-bayan na alam nila. Itala ang mga ito sa graphic organizer na
makikita sa ibaba at pagkatapos ay iugnay mo ang mga kaisipang nakapaloob sa mga ito sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Mga Karunungang-Bayan

Salawikain/ Bugtong/ Kasabihan/


Sawikain Palaisipan Bulong

Kaugnayan ng mga Kaisipan Nito


sa Tunay na Buhay sa Kasalukuyan

PROPERTY OF MISAMIS UNIVERSITY Page 9 of 9

You might also like