You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

GAWAING PAMPAGKATUTO

FILIPINO 7
Week 3
Quarter 4
FILIPINO
May 31, June 1-5, 2021
Suliraning Panlipunan

Pangalan:____________________________________Lebel: ____________________________________
Seksiyon:____________________________________Petsa: ____________________________________

A. Kasanayang Pampagkatuto at koda


1. Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda
2. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon.

Panimula
Buod Kabanata 9: Ang Mahiwagang Katotohanan (Saknong 226 – 256)
Agad na gumaling ang mga sugat sa palad ni Don Juan matapos itong pahiran ng gamot ng ermitanyo. Muling
namangha si Don Juan sa hiwagang ipinamalas nito. Nagbilin ang ermitanyo sa tatlong prinsipe na nawa’y
makarating sila ng payapa alang-alang sa kanilang amang hari. Nagbilin din ito na huwag sanang paglililo ang
manahan sa kanilang mga puso. Sa kanilang pag-uwi ay nauunang naglalakad si Don Juan dala-dala ang hawla.
Habang nasa likod naman nito ang dalawa pa niyang kapatid. Palihim na kinakausap ni Don Pedro si Don Diego. Dahil
sa sobrang inggit nito kay Don Juan, binalak ni Don Pedro na patayin ang kaniyang bunsong kapatid ngunit ito ay
tinutulan ni Don Diego. Sa halip na patayin ay napagkasunduan ng dalawa na bugbugin na lang si Don Juan. Sa
kagubatan na ito aabutan ng kamatayan at madadala pa nila ang Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya. Hindi
nanlaban si Don Juan kahit pa siya ay pinagtutulungan na bugbugin ng dalawa niyang kapatid. Iniwan ng magkapatid
si Don Juan na nakagulapay sa gitna ng kagubatan. Tumakas sila tangay ang Ibong Adarna.
https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod/#Kabanata-9

Buod Kabanata 13: Ang Pagbabalik ni Don Juan (Saknong 340 – 403)
Sa wakas ay nakabalik na muli si Don Juan sa kaharian ng Berbanya. Namutla ang mukha nina Don Pedro at
Don Diego nang nakita nila ang bunsong kapatid. Unang pinuntahan ng prinsipe ang nakaratay na ama at lumuhod
ito sa harap ng hari. Umawit na rin ang Ibong Adarna at inilahad nito ang buong katotohanan. Habang nagpapalit ng
kulay ng balahibo ay isinasalaysay ng ibon ang mga paghihirap ni Don Juan hanggang sa pagtataksil ng dalawa niyang
kapatid. Sa ikapitong awit ng ibon ay biglang nakatayo ang hari at nawala ang bakas ng karamdaman sa kaniya. Sa
labis na galak ng hari ay niyakap nito ang bunsong si Don Juan pati ang ibon. Iniutos naman ni Don Fernando sa mga
kagawad ng palasyo na ipatapon ang mga taksil niyang anak bilang parusa. Nahabag naman si Don Juan sa kaniyang
mga kapatid kaya lumuhod ito sa hari at inihingi ng tawad ang mga kapatid. Lumambot ang puso ng hari dahil sa
ginawa ni Don Juan kung kaya’t nagbago ang isip nito. Ngunit binalaan nito ang dalawang prinsipe na sa susunod na
magtaksil ito ay kamatayan ang magiging kaparusahan sa mga ito. Masayang niyakap ni Don Juan ang dalawa niyang
kapatid. Bumalik ang kasiyahan ng palasyo dahil sa paggaling ng hari.
https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod/#Kabanata-13

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Bigyang-solusyon ang sumusunod na suliraning panlipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pagsasamantala ng pinuno sa kanyang nasasakupan Solusyon:


______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
ferminlarosaNHS301100@gmail.com
2. Paggawa ng masama upang mapagtakpan ang kahihiyan Solusyon:
______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
3. Lihim na kaaway na tumitira kapag nakatalikod ang kalaban Solusyon:
______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
4. Pananakit at paggamit ng dahas sa kapwa Solusyon:
______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
5.Pagpapahalaga ng labis sa kapangyarihan Solusyon:
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Paglalapat
Panuto: Basahin at unawain ang akda at sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
ferminlarosaNHS301100@gmail.com
Bilang 1
Bilang 2

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARIVIC U. RAMOS/LINA E. TORRES MENCHIE S. PALMA


Guro I Ulong Guro

Binigyang-pansin ni:

MARY JANE M. GONZALES,Ed.D


Punongguro IV

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
ferminlarosaNHS301100@gmail.com

You might also like