You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – CALABARZON
Schools Division of Sto. Tomas City
Sto. Tomas South District
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 6
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT

Pangalan____________________________________________ Baitang at Seksyon___________


Petsa ____________ Iskor______________

I. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang salita na tinutukoy ng mga sumusunod pangungusap
sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.

Pang-abay Pang-uri Talaarawan Pandiwa


Liham Pangkaibigan

______________________1. Ito ay isinusulat kung may nais kang sabihin sa kaibigan, kamag-
anak o mga taong malapit sa iyo.
______________________2. Ito ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan
o panghalip.
______________________3. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, galaw, o
kondisyon.
______________________4. Ito ay talaan ng mga pangyayari o mga karanasang naganap sa
buhay ng isang tao sa araw-araw.
______________________5. Ito ay mga salitang naglalarawan na nagbibigay-turing sa pandiwa,
pang-uri o kapwa pang-abay.
II.Panuto: Bilugan ang pang-uring ginamit sa pangungusap.
6. Nais nilang tumira sa tahimik na pamayanan.
7. Masamyo ang bulaklak ng sampaguitang itininda ng bata sa simbahan.
8. Ang suot niyang bestida ay kulay pula.
9. Nagluto ang nanay ng masarap na sopas para sa mga panauhin.
10. Malawak ang bakuran nina Pedro sa probinsiya.

III. Panuto: Basahin at unawain ang kwento. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
BERNARDO CARPIO
Noong unang panahon may mag-asawang naninirahan sa bundok ng San Mateo, Rizal.
Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki dahil sa kanilang kabutihan sa kanilang kapwa. Ang
sanggol ay biniyayaan din ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng pananalig at kagandahang
loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.
Ilang linggo ang nakalipas nang siya’y ipanganak ay nagagawa na niyang dumapa at
gumapang mag-isa. Namangha ang isang pari sa taglay na lakas at kisig ng sanggol kaya’t siya’y
pinangalanang Bernardo Carpio. Ang kanyang pangalan ay hinango kay Bernardo de Caprio-
isang matapang, bantog, makisig at maalamat na mandirigma sa bansang Espanya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – CALABARZON
Schools Division of Sto. Tomas City
Sto. Tomas South District
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

Mahigit isang taon pa lamang siya ay kaya niya nang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig
habang siya ay naglalaro. Kapag isinasama siya sa pangangaso ng kanyang ama ay parang
walang anuman na binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanan sa
kagubatan ng San Mateo.
Si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin at matatag ang loob, tulad ng kanyang mga
magulang. Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat ay may nakita siyang kabayong nahulog sa
bangin na napilay. Sinagip agad ni Bernardo ang kabayo at inuwi sa kanilang tahanan upang
gamutin at alagaan.
Sa kanyang pag-aalaga sa kabayo ang bahagi ng kanyang enerhiya ay dumaloy dito. Mabilis
na gumaling ang kabayo at nagpamalas rin ng kakaibang lakas at bilis kaya’t pinangalanan niya
itong Hagibis. Mula noon ay lagi ng magkasama si Bernardo at Hagibis sa pamamasyal sa gubat
ng San Mateo.Samantala, ang pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino ay umabot na sa
sukdulan.
Nagpulong at bumuo ng pangkat ng mga kalalakihan ng bayan upang maipagtanggol ang
bayan sa mga pang-aapi ng mga dayuhan, Napiling pinuno ng pangkat si Bernardo dahil sa
kanyang angking lakas at pagiging makabayan.
Nabahala ang mga kastila kaya’t gumawa sila ng patibong. Kunwari’y aanyayahan nila si
Bernardo sa isang pulong upang dinggin ang mga hinaing ng mga Pilipino. Lingid sa kaalaman ni
Bernardo, may nahuling engkantado ang mga Kastila at isinailalim siya sa exorsismo ng mga pari
upang talunin si Bernardo.
Natuloy ang balak ng mga Kastila, ng papasok na si Bernardo sa yungib kung saan sila
magpupulong ay ginamitan siya ng engkantado ng agimat upang maipit siya sa dalawang
malaking bato.
Dahil sa pagkabigla ay hindi nakaiwas si Bernardo at unti-unting naipit ng mga bato.
Tinangkang pumasok ng mga kalalakihan sa yungib. Ngunit sila ay sinalubong ng mga nag-
uuntugang bato. Marami sa kanila ay napilay at nasugatan. Napagtanto nila na ang mga
pangyayari ay kagagawan ng isang engkatado. Sila’y natakot at nagpasiyang bumalik sa
kapatagan nang hindi kasama si Bernardo. Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay
naipit sa dalawang bato sa yungib.At sa tuwing nagpumilit siyang tumakas mula sa mga bato. Ito
ay nagiging sanhi ng mga lindol sa kabundukan ng San Mateo.

11. Saan naganap ang kuwento? _________________________________________________

12. Ano ang mga pambihirang katangian ni Bernardo Carpio?


_________________________________________________________________________
13. Saan kinuha ang pangalang Bernardo Carpio?
_________________________________________________________________________

14. Ano ang sanhi ng lindol sa kabundukan ng San Mateo, Rizal ayon sa kwento?
___________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – CALABARZON
Schools Division of Sto. Tomas City
Sto. Tomas South District
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

15. Bakit bumuo ng pangkat ng kalakihan sila Bernardo Carpio?


___________________________________________________________________________

IV. Panuto: Tukuyin kung SANHI o BUNGA ang mga salita o pariralang may salungguhit. Isulat
sa patlang ang tamang sagot.

__________ 16. Hindi siya kumain ng tanghalian kaya sumasakit ang kaniyang tiyan.
__________ 17. Nahulog si Paul sa kanal dahil hindi niya tinitingnan ang kanyang dinaraanan.
__________ 18. Nakakuha ng mataas na marka si Mabel dahil pinag-aralan niya nang
mabuti ang kaniyang leksiyon.
__________ 19. Pinagalitan siya ng ina dahil gabi na siyang umuwi.
__________ 20. Kumakain nang masustansiyang pagkain si Luis kaya malakas ang kaniyang
katawan.

V. Panuto: Kilalanin kung alin sa mga salitang panlarawan ang ginamit bilang PANG-URI at alin
ang ginamit bilang PANG-ABAY. Isulat ang sagot sa patlang.

_______________ 21. Mabilis na kumain


_______________ 22. Masipag ang bata
_______________ 23. Mahusay na guro
_______________ 24. Mataas ang gusali
_______________ 25.Masarap magluto

V. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang mga salitang may salungguhit. Isulat sa
patlang ang tamang sagot kung ito ay PAMARAAN, PAMANAHON, PANLUNAN.

____________26. Masigasig na ipinagpatuloy sa isla ng mga Ivatan ang kanilang nakagisnang


kaugalian.
____________27. Sa mga burol nagtutungo ang mga turista upang mamasyal.
____________28. Tanghaling-tapat nang magsimula ang palabas.
____________29. Nagtatanim sa mga bundok ang ilang magsasaka sa Rehiyon II.
____________30. Nakamangha ang mga mabuting ugali ng mga Ivatan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – CALABARZON
Schools Division of Sto. Tomas City
Sto. Tomas South District
SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

Prepared by:

JANE O. DEL ROSARIO


Teacher I

SUSAN M. PALICPIC
Teacher III

Checked by:

KHIMBERLY L. DIMACULANGAN
Master Teacher I
Noted:

SUSAN M. PALICPIC
Teacher In Charge

You might also like