You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
MABUNGA ELEMENTARY SCHOOL
GUMACA WEST DISTRICT
GUMACA, QUEZON

CATCH-UP FRIDAY DAILY LESSON LOG (Grade One)

Teacher CHARLYN ROSE R. MERINDO


Date February 16, 2024
Catch-up
Peace Education
Subject:
I. GENERAL OVERVIEW

Quarterly Theme: Community Awareness

Sub-theme: Compassion

Duration: 60 minutes
II. SESSION DETAILS

“Masinop sa anumang bagay tulad ng tubig, pagkain, enerhiya at iba


A. Session Title:
pa”

Makapagpapakita ang pagiging masinop sa anumang bagay tulad ng


B. Session Objectives:
tubig, pagkain, enerhiya at iba pa
• Pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon ang isang bata damit,
pagkain,tirahan at iba pa.
C. Key Concepts • Pagiging masinop sa mga bagay tulad ng tubig, pagkain, enerhiya at
iba pa.
D. References:
E. Materials:
III. TEACHING
Collaborative
STRATEGIES
COMPONENTS ACTIVITIES AND PROCEDURES
Introduction and Warm- House Rules
Up
Iparinig sa mga bata ang awiting “Tulong-Tulong/ Samasama” Inspirational song
by: Mylane L. Gonzaga
https://youtu.be/iEJ9aOj2IWE
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
MABUNGA ELEMENTARY SCHOOL
GUMACA WEST DISTRICT
GUMACA, QUEZON

Activity: Games (Solving Puzzle)

Panuto: Pangkatin ang mga bata sa tatlong grupo,

ipabuo ang
mga puzzle. Ipalarawan ang nasa larawan.

Itanong:
Ano ang pinapakita ng nasa larawan?
Ano ang pag-uugali ang pinapakita sa larawan?

Concept Exploration Activity: Reading Story

Panuto: Basahin mo ang kuwento ni Agatha at pagisipan mo kung siya ba ay


nagiging masinop.

Si Agatha Maaksaya
Ito si Agatha. Siya ay masayang naglalaro ng tubig sa gripo sa labas ng kanilang
bahay. Mag- iisang oras nang nakabukas ang gripo at patuloy lamang ang
pagsalok niya ng tubig sa kaniyang maliit na tabo at isinasalin ito sa maliit na
lalagyan.
Maya-maya pa ay nakita siya ng kaniyang Nanay,
“Agatha! Isara mo ang gripo! Huwag ka mag-aksaya ng tubig!” “Mamaya na
’Nay!” sagot ni Agatha. “Marami naman po tayong tubig ‘di ba?”. Sumagot ang
kaniyang nanay, “Anak, hindi magandang nagaaksaya ng tubig.
Tigilan mo na ‘yan at kakain na tayo.”
Malungkot na isinara ni Agatha ang gripo ng tubig at dali-daling pumasok sa
kanilang bahay. Pagkatapos niyang magpunas ay umupo na siya upang
mananghalian. Sa gutom niya ay kumuha siya ng napakaraming kanin.
“Mauubos mo ba ’yan?” tanong ng tatay niya. “Hindi magandang nag-aaksaya
ng pagkain, anak.” Napaisip si Agatha.
Madalas nga niyang hindi maubos ang pagkain na kaniyang kinukuha kaya ito ay
nasasayang. Muli siyang tumayo at ibinalik ang kanin na sa tingin niya ay hindi
niya mauubos. “Pasensiya na po, tatay. Kukuha na lang po ako ng pagkain na
kaya kong ubusin.” “Ganiyan nga, anak”, wika ng tatay. “Mahalaga ang pagiging
masinop sa lahat ng bagay na ating ginagamit, tulad ng tubig, koryente at
pagkain. Hindi natin dapat ito inaaksaya. Dapat tayo ay maging matipid at
maingat sa lahat ng bagay na mayroon tayo.” At masayang nananghalian ang
mag-anak.

Sagutin ang mga Katanungan:


1. Tungkol saan ang kuwento?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
MABUNGA ELEMENTARY SCHOOL
GUMACA WEST DISTRICT
GUMACA, QUEZON

 Tungkol kay Agatha na maaksaya.


2. Sino ang tauhan sa kuwento?
 Sina Agatha at ang kanyang nanay.
3. Anong ugali ang ipinakita ni Agatha sa kuwento?
 Ang ugali na ipinakita ni Agatha sa kwento ay pagiging maaksaya.
4. Sa inyong palagay tama bang mag-aksaya ng tubig at pagkain? Bakit?
 Hindi po. Dahil masama po ang magaksaya ng tubig at pagkain.
5. Kung ikaw si Agatha tutularan mo ba siya? Bakit?
 Hindi po, kasi sinasayang niya po ang tubig kahit ito ay mahalaga at
kailangan ng lahat.
6. Bilang isang bata paano ninyo pahahalagahan ang mga bagay na
mayroon kayo upang makatulong sa iyong mga magulang, sa paaralan
at sa komunidad?
 Bilang isang bata papahalagahan ko ang isang bagay sa pamamagitan ng
pagtitipid, pag-iingat at paggamit ng tama.
7.Bakit kailangan natin magtipid at maging masinop?
 Kailangan nating magtipid at maging masinop upang manatili sa atin
ang mga bagay na mayroon tayo.

Valuing Activity: Think-Share

Panuto: Magpabunot ng larawan sa loob ng kahon at ipasabi kung ano ang


maaaring mangyari at paano nila maipapakita ang pagpapahalaga at pagtulong
sa kapwa.

Activity: Asking Questions

Panuto: Ibigay ang iyong maaaring gawin sa mga sumusunod na sitwasyon


upang maipakita ang iyong pagpapahalaga.

 Nakita mo ang iyong tatay na nakatulog sa inyong sala habang bukas


ang ilaw at telebisyon. Ano ang gagawin mo?
 Nagkaroon ng kalamidad sa inyong lugar at nabalitaan mo na ang iyong
kaibigan ay nasa evacuation center. At marami kang pinaglumaang
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
MABUNGA ELEMENTARY SCHOOL
GUMACA WEST DISTRICT
GUMACA, QUEZON

gamit. Ano ang gagawin mo?


Panuto: Sumulat ng maikling panalangin tungkol sa pasasalamat sa mga bagay
ng mayroon kayo.

Journal Writing

Prepared by: Checked by:


CHARLYN ROSE R. JOHNA PAULENE S. MABILIN
MERINDO Master Teacher I
Teacher I

HENRY G. ALDEZA III


Head Teacher I

You might also like