You are on page 1of 4

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

I. General Overview
Catch-up Subject: Values Education SS TWO
Quarterly Theme: Community Awareness Sub-theme: Compassion
Time: 12:50–1:20 PM(ESP) Date: MARCH 15, 2024
II. Session Outline
Session Title: “Masinop sa anumang bagay tulad ng tubig, pagkain, enerhiya at iba pa”
Session Makapagpapakita ang pagiging masinop sa anumang bagay tulad ng tubig, pagkain,
Objectives: enerhiya at iba pa

Key Concepts:  Pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon ang isang bata


damit, pagkain,tirahan at iba pa.
 Pagiging masinop sa mga bagay tulad ng tubig, pagkain,
enerhiya at iba pa.

III. Teaching Strategies


Components Duration Activities and Procedures

House Rules

Iparinig sa mga bata ang awiting “Tulong-Tulong/ Sama-


sama” Inspirational song by: Mylane L. Gonzaga
https://youtu.be/iEJ9aOj2IWE

Activity: Games (Solving Puzzle)

Panuto: Pangkatin ang mga bata sa tatlong grupo,


Introduction and ipabuo ang mga puzzle. Ipalarawan ang nasa larawan.
10 mins
Warm-Up

Itanong:
Ano ang pinapakita ng nasa larawan?
Ano ang pag-uugali ang pinapakita sa larawan?

Concept 15 mins Activity: Reading Story


Exploration
Panuto: Basahin mo ang kuwento ni Agatha at pag-
isipan mo kung siya ba ay nagiging masinop.

Si Agatha Maaksaya
Ito si Agatha. Siya ay masayang naglalaro ng tubig sa
gripo sa labas ng kanilang bahay. Mag- iisang oras nang
nakabukas ang gripo at patuloy lamang ang pagsalok
niya ng tubig sa kaniyang maliit na tabo at isinasalin ito
sa maliit na lalagyan.
Maya-maya pa ay nakita siya ng kaniyang Nanay,
“Agatha! Isara mo ang gripo! Huwag ka mag-aksaya ng

Page 1 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

tubig!” “Mamaya na ’Nay!” sagot ni Agatha. “Marami


naman po tayong tubig ‘di ba?”. Sumagot ang kaniyang
nanay, “Anak, hindi magandang nagaaksaya ng tubig.
Tigilan mo na ‘yan at kakain na tayo.”
Malungkot na isinara ni Agatha ang gripo ng tubig at
dali-daling pumasok sa kanilang bahay. Pagkatapos
niyang magpunas ay umupo na siya upang
mananghalian. Sa gutom niya ay kumuha siya ng
napakaraming kanin. “Mauubos mo ba ’yan?” tanong ng
tatay niya. “Hindi magandang nag-aaksaya ng pagkain,
anak.” Napaisip si Agatha.
Madalas nga niyang hindi maubos ang pagkain na
kaniyang kinukuha kaya ito ay nasasayang. Muli siyang
tumayo at ibinalik ang kanin na sa tingin niya ay hindi
niya mauubos. “Pasensiya na po, tatay. Kukuha na lang
po ako ng pagkain na kaya kong ubusin.” “Ganiyan nga,
anak”, wika ng tatay. “Mahalaga ang pagiging masinop sa
lahat ng bagay na ating ginagamit, tulad ng tubig,
koryente at pagkain. Hindi natin dapat ito inaaksaya.
Dapat tayo ay maging matipid at maingat sa lahat ng
bagay na mayroon tayo.” At masayang nananghalian ang
mag-anak.

Sagutin ang mga Katanungan:


1. Tungkol saan ang kuwento?
 Tungkol kay Agatha na maaksaya.
2. Sino ang tauhan sa kuwento?
 Sina Agatha at ang kanyang nanay.
3. Anong ugali ang ipinakita ni Agatha sa kuwento?
 Ang ugali na ipinakita ni Agatha sa kwento
ay pagiging maaksaya.
4. Sa inyong palagay tama bang mag-aksaya ng tubig
at pagkain? Bakit?
 Hindi po. Dahil masama po ang mag-aksaya
ng tubig at pagkain.
5. Kung ikaw si Agatha tutularan mo ba siya? Bakit?
 Hindi po, kasi sinasayang niya po ang tubig
kahit ito ay mahalaga at kailangan ng lahat.
6. Bilang isang bata paano ninyo pahahalagahan ang
mga bagay na mayroon kayo upang makatulong sa
iyong mga magulang, sa paaralan at sa
komunidad?
 Bilang isang bata papahalagahan ko ang
isang bagay sa pamamagitan ng pagtitipid,
pag-iingat at paggamit ng tama.
7.Bakit kailangan natin magtipid at maging masinop?
 Kailangan nating magtipid at maging
masinop upang manatili sa atin ang mga
bagay na mayroon tayo.

Valuing 10 mins Activity: Think-Share

Page 2 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Panuto: Magpabunot ng larawan sa loob ng kahon at


ipasabi kung ano ang maaaring mangyari at paano nila
maipapakita ang pagpapahalaga at pagtulong sa kapwa.

Activity: Asking Questions

Panuto: Ibigay ang iyong maaaring gawin sa mga


sumusunod na sitwasyon upang maipakita ang iyong
pagpapahalaga.

 Nakita mo ang iyong tatay na nakatulog sa inyong


sala habang bukas ang ilaw at telebisyon. Ano ang
gagawin mo?

 Nagkaroon ng kalamidad sa inyong lugar at


nabalitaan mo na ang iyong kaibigan ay nasa
evacuation center. At marami kang pinaglumaang
gamit. Ano ang gagawin mo?

Activity: Writing

Journal Writing 5 mins Panuto: Sumulat ng maikling panalangin tungkol sa


pasasalamat sa mga bagay ng mayroon kayo.

Prepared By:
CHRISTINE M. ISLETA MALBOG
SHANE D. MONTEMAYOR

Page 3 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Classroom Program

Page 4 of 4

You might also like