You are on page 1of 8

ST.

PETER BAPTIST COLLEGE FOUNDATION


Formerly: St. Peter Baptist Academy)
Lupi, Camarines Sur

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10


I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan. F10PN-IIId-e-79
B. Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. F10PT-IIId-e-79
C. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili,
panlipunan, pandaigdig.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Ang Alaga (Maikling kuwento mula sa East Africa)
ni Barbara Kimenye; Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena M. Jocson
B. Sanggunian: Mga pahina gabay ng guro pp. 181
https://www.youtube.com/watch?v=pD9eUeNaPSg
https://www.youtube.com/watch?v=14KMNAvTWiU&list=PPSV
http://filipino10nivarville.blogspot.com/2015/08/ang-alaga.html?m=1
C. Kagamitan: kartolina, manila paper, bidyo, printed pictures, printed hand-outs
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa sarili, sa panlipunan at sa pandaigdig
I. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
1. PANALANGIN
Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin. (tatayo ang lahat para manalangin)

(tatawag ang guro ng mag-aaral upang


pangunahan ang panalangin) Sa ngalan ng ama, anak, espirito, Santo.
Amen
2. PAGBATI
Magandang araw sa inyong lahat.
Magandang araw rin po!
Kumusta naman grade 10?
Maayos naman po.
Mabuti naman.

3. PAGTALA NG LIBAN Wala po.


May liban ba sa araw na ito?

Mabuti naman kung ganoon.

4. PAGBIBIGAY NG ALITUNTUNIN
Bago ang lahat nais kong sabihin sainyo ang
aking alituntunin sa klase.
Tumahimik sa oras ng klase at iwasan
ang pakikipag-usap sa katabi. Itaas ang
kamay kung nais sumagot.
Maupo nang maayos at iwasan ang
pagtayo.
Makinig sa guro at sa mga kaklase kung
nagsasalita. (Sasagot ang mga mag-aaral)
Makilahok sa talakayan sa mga
pangkatang gawain.

5. PAGBABALIK-ARAL
Mahilig ba kayo kayo magbasa ng maikling
kwento?

Ano-anung maikling kwento ang nabasa niyo


na?

6. GAWAIN
Mayroon akong ipapakitang larawan sainyo at
sasabihin ninyo kung ano ang interpretasyon
ninyo dito.

Man’s Bestfriend
Naipakita ng alaga ang pagmamahal nito sa
amo sa pamamagitan ng hindi pag-alis sa
kabaong ng kanyang amo.
7. PAGGANYAK
Bago tayo magsimula sa pormal na talakayan
mayroon akong ipapanood sainyo.

Ano ang paksa ng balitang inyong napanood?

Paano naipakita ng alaga ang kanyang


pagmamahal sa amo?
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. PAGLALAHAD NG ARALIN
Sa araw na ito ay may ipapanood akong
maikling kwento. Ito ang maikling kwento ng
“Ang Alaga” ni Barbara Kimenye na isinalin sa
Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson.

Pero bago yan ay alamin muna natin ang


kahulugan ng maikling kwento.

Ang maikling kwento ay isang anyo


ng panitikan na nagtataglay ng
maikling sanaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na bunga ng isang
maikling guni-guni o kathang-isip ng may-akda.

Ito ay maaaring batay sa imahinasyon o sa


sariling karanasan ng sumulat na nag-iiwan ng
impresyon sa mga bumabasa o nakikinig sa
kwento.

Karamihan sa mga maiikling kwento ay


maaaring mabasa at matapos sa loob ng iisang
upuan lamang.

Naunawaan na ba ninyo kung ano ang ibig


sabihin ng maikling kwento? Opo.

Narito ang kwento ng “Ang Alaga” makinig at


pagnilay-nilayan ito.

(Magpapanood ang guro ng makling kwento)


(Manonood ang mga mag-aaral)

Pagganyak na tanong:
Ano kaya ang nakapagpabago ng isip ni Kibuka
sa isiping magpakamatay na lamang?

2. PAGTALAKAY AT PAG-ANALISA

Posibleng sagot:
Ano kaya ang nakapagpabago ng isip ni Kibuka
sa isiping magpakamatay na lamang? Ang nakapagpabago sa isip ni Kibuka ay ang
biik na dala ng kanyang apo na pasalubong
nito sa kanya.

Sino ang pangunahing tauhan sa kwentong


napanood? Ang pangunahing tauhan sa kuwento ay si
Kibuka.

Batay sa pangyayari sa akda, paano mo


ilalarawan ang isang alaga nang may Batay sa pangyayari sa akda, mailalarawan
pagpapahalaga? ko ang isang alaga ng may pagpapahalaga
sa pamamagitan ng magiging malinis,
malusog, at mabilis lumaki ito. At dahil sa
kabutihang natanggap nila mula sa kanilang
tagapag-alaga ay susuklian nila ito sa
pamamagitan ng pagsunod sa utos ng
kanilang amo, at susundan nila ito saan man
Ano ang suliraning na ngingibabaw sa akda? magtungo.
Iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa Ang suliraning nangibabaw sa akda ay ang
lipunan. kakulangan sa pagkain ng baboy dahil ito at
lumalaki na. kung iuugnay ito sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan ay isa
ito sa malaking problema na kinakaharap ng
daigdig ang kakulangan sa pagkain hindi
lang ng mga hayop kundi na rin ang mga tao.
Paano ka naapektuhan ng akdang iyong
napakinggan? Ako ay labis na naapektuhan sa akdang
aking napakinggan. Ito ay dahil ako ay
mahilig din sa mga hayop at mahilig akong
paglaanan sila ng oras at busugin ng aking
atensyon at pagmamahal.
Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at
di-makatotohanan? Pangatwiranan. Ang makatotohanan sa kuwento ay ang
pagkakaroon ng alagang hayop na kung
saan ay kahit pa ito ay biik ay talaga
masayang libangan, at alagaan lalo na kung
ito ay lumaki sa malinis at maayos na
kapaligiran gayundin kapag napamahal na
sa iyo. Ang di-makatotohanan sa kuwento ay
ang pagsama ng alagang biik sa paglalakad
dahil hindi naman angkop na isama sa
paglalakad ang alagang biik.
Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang
may-akda, paano mo ito wawakasan? Hindi ko masasabi na gusto o hindi ko gusto
ang naging wakas ng akdang “Ang Alaga”.
Ito ay marahil maging ako ay nalungkot sa
mga pangyayari lalong lalo na sa
kinahinatnan ng alagang biik ng
pangunahing tauhan. Alam kong masakit sa
pakiramdam ang mawalan ng mga tao, o
hayop na napamahal na sa atin lalo na kung
ang mga ito ay itinuring na nating kapamilya
at parte ng ating mga buhay. Gayunpaman,
ang naging wakas ng akda ay masasabi
kong isang aral para sa mga mambabasa na
hindi sa lahat ng panahon ay kakapit tayo sa
kanila. Hindi dapat nakadepende sa kanila
ang ating buhay dahil lahat ng bagay ay may
hangganan. Tayo ay maging malakas at
kahit maaga pa lamang, nararapat na
tanggapin na nating sila ay maaaring mawala
Mahusay! Maraming salamat sa pagbabahagi sa ating buhay.
ng inyong kasagutan.

3. ABSTRAKSYON
Ang maikling kwento ay isang anyo
ng panitikan na nagtataglay ng
maikling sanaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na bunga ng isang
maikling guni-guni o kathang-isip ng may-akda.

Ang mga suliraning kinaharap sa kwento ay


ang mga:

1. Sapilitang pagreretiro - Sa kwento,


nagkaroon ng suliraning kinaharap si
Kibuka ng sapilitang pagpaparetiro. Hindi
niya ninanais na magretiro sa kanyang
trabaho ngunit umabot na siya sa edad
ng pagreretiro. Ito ay nagdulot ng pag-
aalinlangan at pagkabahala sa kayang
kinabukasan.

2. Kakulangan sa pagkain at
pangangailangan – Isa sa mga
pangunahing suliranin na kinaharap ni
Kibuka ay ang kakulangan ng pagkain at
pangangailangan. Dahil sa kahirapan at
kawalan ng mapagkukunan, kinailangan
niyang manimot sa sariling pagkain
upang ibahagi ito sa kanyang alaga.

3. Pagkamatay ng alaga – Isang malaking


suliranin na kinaharap ni Kibuka ay ang
pagkamatay ng kanyang alaga. Ito ay
nagdulot ng kalungkutan at pagkawalan
ng kasiyahan sa kaniyang buhay.
Nawalan siya ng kasama at nagkaroon
ng pagkabigo sa pag-aalaga sa kanyang
alaga.

PANGKATANG GAWAIN
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Subalit bago ko ibigay
sainyo ang gawain, anu-ano nga ang mga
alituntunin na dapat tandaan kapag nay
pangkatang gawain?

Una, pakikipagtulungan sa paggawa ng


pangkatang gawain.

Ano pa po?
(Magtatatwag ng mga mag-aaral) Huwag maingay! Panatilihin ang
katahimikan sa paggawa ng gawain at
iwasan ang makigulo sa ibang
pangkat.
Magbigay ng ideya upang matapos
Narito naman ang pamantayan sa pagmamarka agad ang gawain.
ng inyong pangkatang Gawain.

Pamantayan Iskor

1. Organisasyon ng ideya 5
2. Kooperasyon ng bawat isa 5
3. Malinis at maayos na gawa 5
4. Natapos sa takdang oras 5
Kabuuan 20

Naiindihan po ba?

UNANG PANGKAT
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga Opo
sumusunod na salitang may salungguhit sa
pamamagitan ng paghahanay ng mga salitang
may kaugnayan sa mga ito sa kolum sa ibaba.

1. Ngayon, gugulin niya ang kaniyang buhay


sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog
Kalansanda.

2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili


niyang pagkain maibigay lamang sa alaga
niyang baboy.

3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-


Kalansada sa sa ilog.

4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang


namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito
maipagbili.

5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang


drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa
iba’t ibang direksyon.

Gugulin naninimot Nagtatampisaw namayani tumilapon

PANGALAWANG PANGKAT:
Panuto: Paghambingin ang pagtrato ni Kibuka
sa kanyang alaga at sa pagtrato ninyo sa
inyong alaga. Isulat ang paghahambing sa loob
ng venn diagram.

PAGTRATO SARILING
NI KIBUKA PAGTRATO

PAGKAKAPAREHO

PANGATLONG PANGKAT:
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng akdang
binasa sa pansarili, panlipunan at pandaigdig.
SARILI

KAHALAGAHAN LIPUNAN
NG AKDA

DAIGDIG

May tanong pa po ba?

Kung wala na maaari na kayong magsimula.

5. PAGLALAHAT

Ano ang suliraning nangingibabaw sa


napakinggang “Ang Alaga”?
Ang suliraning nangingibabaw sa kwento ay
ang kakulangan sa pagkain at
Ano ang aral na mapupulot o makukuha sa pangangailangan.
kwentong “Ang Alaga”?
Ang pagmamahal sa alagang hayop sa lahat
Paano nakakatulong ang maikling kuwento sa ng oras.
pagkakaroon ng kamalayan sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan? Nakakatulong ito sa pamamagitan ng
pagmulat ng kamalayan ng mga
mambababsa sa mga pangyayari o isyu sa
lipunan.

C. PAGLALAPAT
Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa Mahalaga ito sa pansarili dahil binibigyan
pansarili, panlipunan at pandaigdig. nito ng ideya ang bawat indibidwal na Kung
ikaw ay mag-isa sa buhay mag-alaga ka ng
hayop at gugulin mo ang oras sa
pagmamahal sa kanya; sa panlipunan
naman mahalaga ito dahil ipinapakita rito
ang pagtutulunagan noong unang panahon
na kulang sa pagkain ang baboy na alaga ng
kanilang ka nayon at nagkaisa sila na
magdala ng pagkain nito; sa pandaigdig
naman ang akdang ito ay may magandanh
Bakit isinulat ng may-akda ang maikling nilalaman na makatutulong sa bawat isa na
kuwentong tinalakay? mag-isip ng mga negatibong bagay. Hindi
porket matanda na at kamatayan na agad
ang solusyon sa pangungila.

Marahil sinulat ito ng may akda upang imulat


ang bawat isa sa atin na maging
mapagmahal sa alagang hayop sa lahat ng
oras.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutan ang sumusunod. Isulat ang tamang angkop na sagot sa malinis na papel.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong “Ang Alaga”?
2. Ano ang pasalubong /regalong ibinigay sa kanya?
3. Ano ang dating trabaho ni Kibuka?
4. Sino ang matalik na kaibihan ni Kibuka?
5. Sino ang may-akda ng “Ang Alaga”?

V. TAKDANG-ARALIN
1. Ayon sa ating napag-aralan sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isang karanasan na
nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa hayop. Paano ito nakakaapekto sa iyong buhay?
2. Magsaliksik tungkol sa maikling kwento, elemento at uri nito at ibigay ang
pagpapakahulugan nito sa inyong kwaderno.

Inihanda ni: Nabatid ni:


MYLA B. GUAB IRENE C. ALBALATE
BSED Filipino 4 College Instructor

You might also like