You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino VI

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mag-aaral ay:
a. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan
b. Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan
c. Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang talaarawan

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Napakinggang Talaarawan
Sanggunian: Teksbuk: Landas sa Wika 6 pp.64-68, 94
Kagamitan: Powerpoint presentation, tsart, ilustrasyon

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-Aaral


A. Paghahanda

Magandang hapon mga bata! Magandang hapon din po maam!

Lahat ay tumayo at manalangin. Ang lahat ay tumayo at nanalangin.

Mayroon bang liban sa klase? Wala po maam.


Mabuti!

 Balik-aral

Bakit mahalaga ang pagsulat ng isang Mahalaga ang isang talaarawan dahil ito’y
talaarawan? nagbibigay sa atin ng pagkakataong balikan ang
mga pangyayari sa mga nakalipas na araw.
Mahalaga ito dahil ating makikita ang mga bagay-
bagay na nangyari at ang reaksyon, damdamin, o
opinyon natin sa mga ito.

B. Pagganyak

Sa tulong ng graphic organizer, hikayatin ang mga


mag-aaral na maglahad ng mga paraan kung
paano sila nakatutulong sa kabuhayan ng
pamilya.

 Kami ay may maliit na tindahan,


tumutulong ako sa pagbabantay pag
kauwi ko.
 Tinutulungan ko ang aking ina sa
Paano ka pagtitinda ng mga gulay
makakatulong sa
kabuhayan ng
iyong pamilya
C. Paglalahad
Babasahin ko ang isang talaarawan ng isang bata
na kung saan ipinapahayag niya kung paano sya
tumulong sa hanapbuhay ng kanyang mga
magulang.
Handa na ba ang lahat makinig? Opo, handa na po kami.

Pebrero 2, Sabado
Mahal kong talaarawan,

Maaga akong nagising ngayong Sabado.


Ang araw na ito ay aking gugugulin sa pagtulong
sa aking nanay sa kanyang pagtitinda sa
palengke. Mayroon kasi kaming isang maliit na
puwesto doon para sa aming mga preskong pitas
na prutas at gulay na mula mismo sa aming
bakuran. Habang inaasikaso ng nanay ang mga
mamimili, ako naman ang nagsasalansan ng mga
prutas at gulay mula sa mga kaing. Halos
limampung porsyento ng aming buwanang
badyet ay nagmumula sa kita ng tindahan ni
nanay at ang natitirang porsyento naman ay
mula sa kita ng tatay sa sakahan.
Nagmamahal,
Romano

D. Pagtatalakay
Bago natin sagutin ang mga tanong alamin muna
natin kung ano ba ang talaarawan.
Ano ang talaarawan? -Ang talaarawan ay talaan ng mga pangyayari sa
buhay araw araw.
Talaarawan : Ang talaarawan ay talaan ng mga
pangyayari sa buhay araw araw. Nilalaman rin
nito ang personal na karanasan, saloobin,
obserbasyon o pananaw ng isang tao.

a) Sino ang sumulat ng talarawan? -Si Romano ang nagsulat ng talaarawan.


b) Ano ang nakatakdang gawain para sa kanya sa -Sa araw ng sabado siya ay tutulong sa kanyang
araw ng Sabado? nanay sa pagtitinda sa palengke.
c) Paano siya tumutulong sa pagtitinda sa -Siya ang nagsasalansan ng mga prutas at gulay
palengke? mula sa mga kaing.
d) Ilang porsyento ng buwanang badyet ang -Halos limampung porsento.
nagmumula sa kinikita sa tindahan?
e) Anong katangian ang maaaring ipinapakita ni -Ang pagiging matulungin sa magulang at
Romano? pagiging masipag.
f) Sa inyong opinyon, ano ang kahalagahan ng - Para saakin ang kahalagahan ng pagsulat ng
pagsulat ng isang talaarawan? talaarawan ay maari mo paring balikan ang mga
pangyayari sa araw nang iyong sinulat. At
maaalala mo iyon.
g) Ano pang tulong sa kabuhayan ng mag-anak -Wag magpasaway sa mga magulang.
ang maaaring gawin ng isang batang katulad mo?

E. Paglalapat

Paano nakatutulong sa iyo ang pagtala sa


talaarawan ng mahahalagang pangyayari sa iyong
buhay?
F. Paglalahat

Alamin natin ang natutunan ninyo sa araw na ito


sa pamamagitan ng pagbuo sa konsepto ng
pangungusap.
Ang talaarawan ay naglalaman ng mga
impormasyon ________________________.

IV. PAGTATAYA

 Iparinig sa mga mag-aaral ang sumusunod na talaarawan at sagutin ang mga literal na tanong sa
ibaba.

Pebrero 16, Sabado

Mahal kong talaarawan,

Napakahaba ng araw na ito para sa aming mag-anak. Ito kasi ang araw ng anibersaryo sa kasal
ng aming mga magulang. Maraming paghahandang ginawa. Inumpisahan namin ang araw sa paglilinis ng
paligid at loob ng bahay. Nagsabit ng makukulay na kurtina ang aking ate at ako naman ang naglampaso
ng sahig habang abala ang aking mga magulang sa pagpaplano ng mga lulutuing handa. Matapos
maglinis ng bahay ay sinamahan ko naman ang nanay sa pamimili ng mga lulutuin. Kaagad na sinimulan
ang pagluluto ng handa ng aking tatay. Una niyang niluto ang kalderetang baka at sunod ang dinuguang
baboy. Inihanda na rin ni ate ang panghimagas na buko salad at kalamansi juice. Samantalang nagdala
rin ng karagdagang handa ang mga kapatid ng nanay na nagmula pa sa probinsya. Inimbitahan na rin ng
nanay ang mga kapit-bahay at mga malalapit na kamag-anak sa bayan.

Bandang hapon na nang masimulan ang simpleng salo-salo. May konting inuman pa habang
nagkakantahan. Masayang-masaya ang buong pamilya.

Nagmamahal,

Marcus

V. TAKDANG ARALIN

 Sumulat ng talaarawan ng mga gawain sa klase sa loob ng isang lingo.

https://www.youtube.com/watch?v=FZSo8iOstxA

You might also like