You are on page 1of 10

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC. Dr. R.

Soler
St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon Tel. No. (042) 316-4129 /
Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Banghay Aralin sa Filipino IV

Inihanda ni: Mc Enerson Panal


BEED 4A

Iniwasto ni:
Gng. MILAGROS JEMIELYN A.
MARTINEZ
Cooperating Teacher
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV

I. Mga Layunin:
A. Natutukoy ang Aspekto ng Pandiwa sa pangungusap
B. Nakasusulat ng pangungusap gamit ang aspekto ng pandiwa
C. Nabibigyang halaga ang ibat ibang gawain sa tahanan sa pamamagitan ng pag tulong
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Aspekto ng Pandiwa
B. Sanggunian: Internet/Wikang Filipino pahina 107-110
C. Kagamitan: Video Clips, PowerPoint Presentation and Image
D. Pagpapahalaga: Pagiging Masipag
III. Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtatala ng liban
d. Balik-aral
Kahapon ay napag aralan natin ang mga salitang
nagsasaad ng kilos o galaw
Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng
kilos o galaw? -Ang salita po na nag sasaad ng kilos o
galaw ay pandiwa
Magaling! Sino ang makakapag bigay ng
halimbawa ng pandiwa? - Ibat ibang kasagutan ng mga bata

Tukuyin ang pandiwa ng ginamit sa pangungusap


1. Mainit ang panahon kaya naisipan ni nanay
maglaba
2. Sama-samang naligo sa dagat ang
magkakaibigan
3. Nagluto si tatay ng masarap na adobo para sa
aming hapunan
4. Sumama ako kina lolo at lola patungo sa
maynila
5. Naglalaro sina Sen at Peter sa parke tuwing
linggo
B. Panlinang na Gawain
1.Pagganyak
(Video Song)

https://youtu.be/RBHLCGUnJX4
Ano ang isinasaad sa awit ng inyong
napakinggan?
-Ang pandiwa po ay may tatlong aspekto
2.Paglalahad
Pagbasa ng maikling kwento.
Mga bata, bago ko basahin ang maikling kwento
ano-ano ang pamantayan sa pakikinig?
“Ang Batang Masipag “ -Maupo po ng maayos at making ng mabuti

3. Pagtatalakayan
Ano ang pamagat ng maikiling kwento?
Sino ang batang masipag? -Ang Batang Masipag

Bakit siya hinahangaaan ng mga tao? -Si Ana po ang batang masipag

Ano ang ginagawa niya tuwing umaga? -Dahil po sa kanyang kasipagan

Habang siya ay nag lilinis ano namn ang -Tumutulong po sa mga gawaing bahay.
ginagawa ng kanyang ina? Naglilinis po

Tama! Ang tumutulong, naglilinis at nagluluto ay -Nagluluto po ng pagkaing ititinda


mga salitang kilos at ito ay kasalukuyang
ginagawa
Ang aspekto ng pandiwa na kasalukuyang
ginagawa at tintawag na imperpektibo.
Sino naman sa inyo ang makakapag bigay ng
halimbawa ng aspekto ng pandiwa na nasa
aspektong Imperpektibo?
-Ibat Ibang kasagutan ng mga bata.
Pagdating ng hapon ano-anong gawain naman
ang ginagawa ni ana?
-Maglalaba po siya ng kanilang mga damit.
At tutulong sa paglalako ng mga paninda sa
Tama! Si Ana ay maglalaba at tutulong sa kanyang ina
kanyang ina
Ang salitang maglalaba at tutulong ay mga
salitang kilos na gagawin pa lamang ay nasa
aspektong kontemplatibo
Sino ang nakakapagbigay ng halimbawa ng
pandiwa na nasa aspektong kontemplatibo
Ano naman ang ginagawa niya sa gabi bago siya - Ibat-ibang kasagutan ng mga bata
matulog?
-Inihanda na niya ang mga gagamitin sa
pagluluto ng kanyang ina -Nagsulat at
nagsasagot na din siya ng mga takdang
Magaling mga bata! Ang inihanda, nagsagot at aralin
nagsulat ay mga salitang kilos natapos na o tapos
ng gawin. Ang salitang kilos na natapos na o
tapos ng gawin ay nasa aspektong perpektibo
Sino sa inyo ang makapag bibigay ng halimbawa
ng pandiwa na nasa aspektong perpektibo?
-Ibat-ibang kasagutan ng mga bata

Aspekto ng Pandiwa

Imperpektibo Kontemplatibo Perpektibo

Kasalukuyang Gagawin pa Natapos o


ginagawa lamang Tapos ng gawin

Nagluluto Tutulong Nagsulat

Naglilinis Maglalaba Inihanda

Tumutulong

4. Paglalahat
Ano-ano ang aspektong pandiwa ang ating pinag
aralan?
-Perpektibo, Kontemplatibo at
Anong tawag sa aspektong pandiwa ang
Imperpektibo po
kasalukuyang ginagawa?
Ano naman ang tawag sa aspektong pandiwa ang - Imperpektibo po
gagawin pa lamang? - Kontemplatibo po
Ano naman ang tawag sa aspektong pandiwa ang
tapos na gawin?
- Perpektibo po
Magaling mga bata!
5. Pagpapahalaga
Ngayong panahon ng pandemya, anong Gawain
sa inyong tahanan ang inyong ginagawa?
Tama mga bata! Ang pagtulong sa ibat-ibang -Ibat-ibang kasagutan ng mga bata
gawaain sa tahanan ay nag papakita ng inyong
kasipagan. Hindi lang ninyo ito naipapakita
malaking tulong din ito para sa inyong mga
magulang dahil ang inyong mga ginawa ay hindi
na nnila gagawin pa
6. Pagsasanay
Tukuyin kung ang salitang kilos na may salungguhit sa bawat pangungusap ay nasa aspektong
IMPERPEKTIBO, KONTEMPLATIBO AT IMPERPEKTIBO
1. Naglaro sila kahapon sa plaza
2. Ang mag-anak ay nagtatanim sa kanilang bakuran
3. Iinom siya ng gatas mamayng gabi
4. Magwawalis kami bukas sa daan
5. Umalis na kagabi ang kanyang ama
Gawaing Pisara:
Isulat sa loob ng kahon ang mga salitang kilos sa tamang aspekto nito

Uminom Kumain Naliligo


Nagsusulat Maglilinis Umigib
Umaawit Nagluluto Maglalaba

IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO PERPEKTIBO

7. Paglalapat
Ang guro ay may inihandang mga salita
Kapag ang mga salitang kilos ay nasa aspektong imperpektibo, ipapakita ng mga mag-aaral
ang masayang mukha. Kapag naman ang mga salitang kilos ay nasa aspektong kontemplatibo
malungkot namng mukha ang kanilang ipapakita at kung mga salitang kilos naman ay nasa
aspektong perpektibo ang mga mag-aaral ay mag thumbs-up

Sumasayaw Natutulog

Nagluto Umiiyak

Maglilinis Nagsulat

Umiinom Matutulog

Nagbasa Umaawit
IV. Pagtataya
Isulat sa patlang ang I kung ang aspekto ng pandiwang may salungguhit ay
imperpektibo, K kung kontemplatibo at P kung ito ay perpektibo.
____1. Umawit siya kahapon sa paligsahan
____2. Ang bata ay umiinom na ng kanyang gatas
____3. Masayang kumakain ang mga mag-anak sa kanilang tahanan
____4. Bukas na ako magsusulat ng aking takdang aralin
____5. Masayang umalis kanina ang aking pinsan
V. Takdang-Aralin
Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang ibat-ibang aspekto ng pandiwa
“Ang Batang Masipag”
Isa si Ana sa batang hinahangaan ng mga
tao sa baryo marikit dahil sa taglay nitong
kasipagan.
Tuwing umaga, tumutulong siya sa mga
gawaing sa kanilang tahanan. Naglilinis
siya ng kanilang bahay, habang ang
kanyang ina ay abalang nagluluto ng mga
kakanin ng paninda, kailangan niyang
matapos ang mga gawain sa kanilang
bahay. Pagdating ng hapon, maglalaba
naman siya ng kanilang mga damit at
tutulong siya sa pagtitinda na niluto ng
kanyang ina. Dahil sa taglay na sipag, hindi
na niya alintana ang pagod, gabi pa lamang
inihanda na niya ang mga gagamitin at
kailangan ng kanyang ina sa pagluluto.
Nagsulat at nagsagot narin siya ng kanyang
mga takdang aralin at modyul. Upang
kinabukasan maglilinis na lamang siya at
tutulong sa kanyang ina.
Talagang kahanga -hanga ang kasipagan
ng batang si Ana, Dahil dito maraming tao
ang natuwa sa kanya.

You might also like