You are on page 1of 9

PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6


O PAMANAHON AT PANLUNAN

Republic of the Philippines


Department of Education
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
District of Urbiztondo
URBIZTONDO INTEGRATED SCHOOL

MASUSING
BANGHAY – ARALIN
FILIPINO 6

(Paggamit ng Sugnay na Pang-abay na


Pamaraan, Pamanahon at Panlunan)

Inihanda ni:
ANGELIKA A. MENDOZA
Gurong Nagsasanay

Inihanda para kay:


GNG. ELVIRA D. CANILANG
Tagapagsanay

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6
O PAMANAHON AT PANLUNAN

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards)

Nagagamit ang sugnay na pang-abay na pamaraan, pamanahon at panlunan

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards)

Nagagamit ang sugnay na pang-abay na pamaraan, pamanahon at panlunan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

(UNCODED)
1. Natutukoy ang ginamit na sugnay na pang – abay na pamaraan, pamanahon
at panlunan.
2. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang sugnay na pang – abay na
pamaraan, pamanahon at panlunan.
3. Naibabahagi ang mahahalagang aral na natututunan araw – araw.

II. NILALAMAN

PAKSA
Paggamit ng Sugnay na Pang-abay na Pamaraan, Pamanahon at Panlunan

SANGGUNIAN
Villasis, Anita L., Valencia Analyn L.,
FILIPINO – I k a a n i m n a B a i t a n g - I k a l a w a n g
Markahan – Modyul 10., Republika ng
Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon.
Pahina 6-10.

KAGAMITAN

PowerPoint Presentation, Laptop

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6
O PAMANAHON AT PANLUNAN

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG – AARAL

A. BALIK – ARAL

Panuto: Tumingin sa kaliwa at kanang bahagi Kaliwang bahagi : Divan, upuan at


ng iyong silid – aralan. Magbigay ng mga bagay na lamesa, lalagyan ng mga libro
nasa iyong kaliwa at kanang bahagi. (Bookshelves)
Kanang bahagi: Upuan, bentilador,
basurahan at bintana

B. PAGHAHABI SA LAYUNIN NG ARALIN

Mga bata mayroon akong ipapabasa sa inyo.

Handa na ba kayo?
Opo

Ang pangunahing paksa ng usapan ng


mag – ama ay ang pagbabakasyon ng
Nanay Beng sa Maynila.

Sa plasa

C. PAG – UUGNAY NG MGA HALIMBAWA Sa susunod na lingo


SA BAGONG ARALIN
Sa panaderya
1. Ano ang pangunahing paksa ng usapan ng
mag – ama? Ang sagot ay lugar, panahon, at paraan
ng paggawa

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6
O PAMANAHON AT PANLUNAN

2. Saan pupunta ang mag - ama?

3. Kailan uuwi ang Nanay Beng?

4. Saan nagtratrabaho ang ina ni Ted?

5. Ano ang napapansin mo sa mga tanong 2


hanggang 4?

D. PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO


AT PAGLALAHAD NG BAGONG
KASANAYAN NO. 1

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at


pansinin ang mga salitang may salungguhit.

1. Si Pedro ay nagtanim ng mga gulay sa


harapan ng bahay niya. Sa harapan, mamaya, at malakas

2. Manonood kami ng sine kasama ang aking Sugnay na Pang – abay


kapatid mamaya.
Ang sugnay na pang – abay ay ang
3. Malakas na naghihiyawan ang mga tao. salita/lipon ng salita na hindi
makapagiisa. Ito ay nagbibigay turing sa
mga pang – uri, pandiwa at mga pang –
Ano -ano ang mga salitang may salungguhit? abay na pamaraan, pamanahon at
panlunan.
Ano kaya ang tawag sa mga ito?

Ano ang sugnay na pang – abay? May mga sugnay na pang - abay na
ginagamit bilang pamaraan, pamanahon
at panlunan.

Ano – ano ang mga pagkakaiba ng sugnay na


pang - abay na ito?

Ang sugnay na pang – abay pamaraan ay


naglalarawan kung paano ginawa ang kilos.
Sumasagot ito sa tanong na Paano?

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4


PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6
O PAMANAHON AT PANLUNAN

Halimbawa:
Malakas na naghihiyawan ang mga tao.

Ang sugnay na pang – abay pamanahon ay


nagsasaad kung kailan nangyari ang kilos.
Sumasagot ito sa tanong na Kailan?

Halimbawa:
Manonood kami ng sine kasama ang aking
kapatid mamaya.

Ang sugnay na pang – abay panlunan ay


nagsasaad ng lugar na pinangyarihan ng kilos.
Sumasagot ito sa tanong na Saan?

Halimbawa:
Si Pedro ay nagtanim ng mga gulay sa harapan
ng bahay niya.

E. PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO


AT PAGLALAHAD NG BAGONG
KASANAYAN NO. 2

Panuto: Iguhit ang kung ang salitang may


salungguhit ay pang – abay na pamaraan,
kung pang – abay na panlunan, at kung pang
– abay na pamanahon.

_____1. Mabagal na sumunod si Mary sa kanyang


kapatid.

_____2. Pumunta sa dagat ang magkakaibigan na


sina Angelyn, Lyca, at Angelika.

_____3. Ang presyo ng langis ay tumataas linggu


– lingo.

_____4. Pabulong na nag – uusap ang

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 5


PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6
O PAMANAHON AT PANLUNAN

magkakapatid upang hindi magising ang ina.

_____5.Tuwing Sabado, nagluluto ng espesyal na


meryenda si Nanay.

F. PAGLILINANG SA KABIHASAN
Panuto: Basahin ang usapan at ilagay sa
tsart ang mga pang – abay na
nasalungguhitan ayon sa kanilang uri.

Maagang nagising si Aling Tess para


maghanda ng mga lulutuin niya nang
pumasok sa kusina ang kaniyang anak na
si Heaven.

Heaven: Magandang umaga po Nanay!


Aling Tess: Magandang umaga rin anak!
Mamayang hapon ay may kaunting salo – salo
tayo bilang pasasalamat sa pagkapanalo mo.
Heaven: Wow! Salamat po nanay.
Aling Tess: Walang anuman anak. Talagang
pinaghandaan naming ng itay mo ito. Kunin
mo muna sa kuwarto ang aking pitaka at may
ipapabili ako sa iyo.
Heaven: Sige po nanay.
Aling Tess: Dahan – dahan sa pagpasok
sa kuwarto anak, natutulog pa nang
mahimbing ang iyong kapatid.
Heaven: Gabi na po ba dumating ang
kuya?
Aling Tess: Oo anak. Nahirapan daw siyang
mag – abang ng sasakyan.
Heaven: A kaya pala. Heto na po ang iyong
pitaka inay.
Aling Tess: Salamat anak. Heto ang pera,
bumili ka ng isang kilong asukal sa
tindahan ni Aling Merly. Mag – ingat ka sa Pang – abay Pang – Pang –
pagtawid sa kalye. na abay na abay na
Pamanahon Pamaraan Panlunan
Sariling Katha ni Gemma Obsiana Mamayang Dahan - Sa kuwarto
hapon dahan
Gabi Mahimbing Sa tindahan
Pang – abay Pang – abay Pang – abay
na na Pamaraan na Panlunan

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 6


PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6
O PAMANAHON AT PANLUNAN

Pamanahon

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG –


ARAW ARAW NA BUHAY

Panuto: Bumuo ng tig dalawang pangungusap


gamit ang sugnay na pang – abay na pamaraan,
pamanahon at panlunan. Salungguhitan ang
ginamit na pang – abay. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Pang – abay na Pamaraan


1.
2.

Pang – abay na Pamanahon


1.
2.

Pang – abay na Panlunan


1. Ang sugnay na pang – abay ay ang
2. salita/lipon ng salita na hindi
makapagiisa. Ito ay nagbibigay turing sa
mga pang – uri, pandiwa at mga pang –
H. PAGLALAHAT NG ARALIN abay na pamaraan, pamanahon at
panlunan.
1. Ano ang sugnay na pang – abay?

Sugnay na pang – abay pamaraan


Sugnay na pang – abay pamanahon
Sugnay na pang – abay panlunan

2. Ano ang iba’t ibang uri ng sugnay na pang –


abay?

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 7


PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6
O PAMANAHON AT PANLUNAN

I. PAGTATAYA NG ARALIN

Panuto: Punan ng tamang uri ng pang – abay ang sumusunod na mga sitwasyon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

pabulong dahan – dahan magaling


sa resort sa palengke maaga

1. Tuwing orasyon, umuupo si inay sa harap ng altar at ____________ siyang


nagdarasal.

2. Nanalo sa liga ng basketbol ang pangkat nina John. Nagplano silang


ipagdiwang ito sa ____________.

3. Maaga pa lamang ay gumising na si Lory para Samahan ang kaniyang in ana


pumupunta ____________ upang mamili.

4. Mahal na mahal ni Marlon ang anak niya kay Liza. ____________ pa lamang
sinusundo niya na ito sa bahay ng ina.

5. Mahimbing ang tulog ni Aling Rita.Sinilip siya ng bunso sa kwarto at


____________ pumasok.

J. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG – ARALIN AT


REMEDIATION

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sugnay na pang-abay na


pamaraan, pamanahon at panlunan.

1. sa tabi ng daan
2. magalang
3. sa susunod na lingo
4. sabay-sabay
5. sa kabilang bayan

Prepared by: Checked by:


ANGELIKA A. MENDOZA ELVIRA D. CANILANG
Practice Teacher MT – II / Cooperating Teacher

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 8


PAGGAMIT NG SUGNAY NA PANG-ABAY NA PAMARAAN,
MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 6
O PAMANAHON AT PANLUNAN

Noted:
CHODELYN P. DE GUZMAN, ED. D
Principal III

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 9

You might also like