You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region lV - A CALABARZON
Division of Rizal
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3
Ikalawang Markahan

I. Layunin

Nagagamit ang mga panghalip na pananong tungkol sa mga tao, bagay,


hayop at pangyayari Ano,Sino,Saan,Kailan,Bakit F3WG-IIIa-b-6
F3WG-IVab-6

II. Paksa:
Paggamit ng Panghalip Pananong
Kagamitan sa Pagtuturo: powerpoint presentation, plaskard, tsart, mga larawan,
realia

Sanggunian:

Most Essential Learning Competencies pahina 153 Ikalawang Markahan

Kagamitan ng Mag – aaral pahina


Self - Learning Modules 6-10

Pagpapahalaga: Kahalagahan ng pag-aaral

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimula

1Balik Aral
Gamit ang larawan,bumuo ng mga tanong

2. Pagganyak
Pagmasdan ang ating paligid?
Ano ang makikita sa ating paligid?
Sino ang ating panauhin?
Kailan an gating field trip?
Bakit nandito si Gng .Funestas?
Saan ka nag aaral?

3. Alamin/ Paglalahad

Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong pagkatapos.


Araw araw gumigising si Ate angel upang magbihis patungo sa
paaralan.Gayundin sina Ate Che, Ate Angel at Ate Estella ay
maagang pumapasok sa paaralan. Maaga silang pumapasok
upang magampanan ang kani-kanilang tungkulin
Si Ate Che ang nagwawalis ng paligid, nagdidilig ng mga
halaman at naglalampaso ng sahig.Pinanatili niyang malinis ang
paligid ng ating paaralan.
Si Ate Angel naman ang nagbabasta ng mga paninda at
naghahatid ng tray at soup sa bawat silid aralan.
Samantalang si Ate Estella naman ang nagluluto ng masarap na
soup at pagkain ng mga guro at ng ating punongguro.
Masisipag silang lahat at talaga naming mapagkakatiwalaan.

1. Sino-sino ang mga nagtatrabaho sa ating paaralan?


2. Saan sila pumapasok
3. Sino naman ang nagbabasta ng paninda at nagdadala ng
tray at soup sa bawat silid aralan.
4. Tuwing Kailan gumigising si Ate Angel?
5. Ano ang masasabi Ninyo sa kanilang lahat?
6. Bakit kailangan nilang gumising araw araw?

B. Pagpapaunlad
6. Subukin/ Pagsasanay (Gamit ang drill board)
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang angkop na pananong na
sino ,ano,kalian,at bakit.

1. ___ pumapasok sa paaralan si Ate Angel?


2. ___ gaganapin ang iyong kaarawan?
3. ___ ang kumain ng bayabas?
4. ___ ang punongguro ng Paaralang Malanday?
5. ___ paborito mong kainin ang gulay ?

B. Pakikipagpalihan

Pangkat 1 – Sagutin Mo! Basahin ang maiklng kuwento at sagutin ang mga
tanong pagkatapos.
Ang Pamilyang Matulungin

Likás sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Habang


papunta ang mag-anak na Padolina sa probinsiya araw ng Sabado, nakita nila ang
isang pamilyang nangangailangan ng túlong. Umuusok ang sasakyan
nila. Nása labas ng sasakyan ang mga kasamang batà habang
hinihintay na maayos ang kanilang sasakyan. Makikita sa kanilang
mukha ang gutom at pagod. Iyak din nang iyak ang mga batà.
Tinulungan ng pamilya Padolina ang pamilyang nasiraan ng
sasakyan. Inabutan nila ng pagkain ang mga batà. Pagkatapos
magawa ang sasakyan ay sabay-sabay na rin siláng umalis sa lugar
na iyon.

1. Ano ang pamagat ng maikling kuwento?


2. Sino ang pumunta sa probinsiya?
3. Saan sila pupunta?
4. Kailan pumunta ang pamilyang Padolina sa probinsya?
5. Ano ang ginawa ng pamilya Padolina ng Makita nila na umuusok ang
sasakyan?
6. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa?

Pangkat 2 – Isulat Mo!


Sumulat ng mga tanong gamit ang panghalip na sino, ano,saan,bakit at kailan sa
bawat larawan? Gawing gabay ang mga parirala

Kulay ng mansanas kaarawan ng bata gaganapin ang kaniyang kaarawan

Paghulog ng bata Mayor Omie Rivera

Pangkat 3 – Piliin Mo!

Lagyan ng / tsek ang kahon na angkop sa bawat tanong


1. Sino Ano pangalan mo?

2. Sino Ano ang paborito mong asignatura, English o Matematika?

3. Kailan Ano ang kaarawan mo?


4. Sino Bakit umiiyak ang bata?

Ka bumili ng sapatos mo?


5. Saan Paano

D. Paglalahat
Tungkol saan ang ating tinalakay ngayong araw na ito?
Kailan ginagamit ang panghalip pananong na sino?Ano?Saan?Kailan?Bakit?

E. Tayahin/ Paglalapat
Bumuo ng tanong sa bawat larawan gamit ang panghalip pananong na Sino
Ano Kailan Saan Bakit?

1.Ano___________________________________________________
2.Sino___________________________________________________
3.Kailan__________________________________________________
4.Saan_____________________________________________________
5.Bakit____________________________________________________

IV. Pagtataya
Panuto: Piliin at bilugan ang angkop na panghalip pananong sa bawat
pangungusap.
1. (Sino, Ano) ang nakakuha ng mataas na marka?
2. (Sino, Ano) ang kulay ng mga dahon ng bayabas?
3. (Saan, Ano) nakalagay ang mga basahan?
4. (Sino, Kailan) ang ating test?
5. (Bakit, Ano) maraming tao sa plasa

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng tig iisang tanong gamit ang mga panghalip na pananong na
Ano,Saan,Kailan,Bakit
Gaganapin ang kaniyang
kaarawan
Kulay ng mansanas
Paghulog ng bata
Mayor Omie Rivera

You might also like