You are on page 1of 8

KoBanghay Aralin sa Filipino

I. Layunin

Pagkatapos ng punto, inaasahan ang mga mag-aaral na:

A. Natutukoy kung ano ang pandiwa;

B. Nasusuri ang apat na aspekto ng pandiwa;

C. Nakabubuo ng makabuluhang mga pangungusap ang iba’t-ibang aspekto ng


pandiwa; at

D. Nakakagawa at nakikilahok sa pangkatang gawain habang gumagamit ng


pandiwang nagsasaad ng kilos.

II. Paksang Aralin: Pandiwa

Sanggunian: Julian, A., Lontoc, N., Del Rosario, M. G., & Dayag, A. (Eds.).

(2017). Pinagyamang Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan (2nd ed.).
Phoenix

Publishing House.

Kagamitan: Larawan, Manila Paper at Pentel Pen

Aral na makukuha : Pagkakaisa, pagpapahalaga, at pagtutulongan

III. Pamamaraan / Istratehiya

A. Balik-aral

Pagtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod:

•Ano ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo?

(Kahapon ay napag-aralan natin ang kahulugan ng panghalip.)

•Sino ang makapagsasabi sa kahulugan Panghalip ?

(Ang panhalip ay salita o katagang panghalili sa pangngalan.)


B. Paglalahad

Ang guro ay magpapakita nang ibat-ibang larawan at magtatanong sa mag-aaral .

1. Ano ang nakikita niyo sa larawan? Ano kaya ang ginagawa nila?

(Tumatakbo, Naglalaro)

2. Ano kaya ang tatalakayin natin sa araw na ito?

(Ngayon ang tatalakayin natin ay tungkol sa Pandiwa)

3. Ano kaya ang Pandiwa?

(Pandiwa nagbibigay ng diwa at pinakakaluluwa ng lipon ng mga salita. Karaniwang

nagpapakita ng kilos.)

4. Anu-ano ang apat na aspekto nang Pandiwa?

 Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo - nagpapahayag ng kilos na


nasimulan na at natapos na.

 Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo - nagpapahayag ng kilos na


nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.
Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang
patinig ng salitang-ugat at gayundin sa pamamagitan ng iba’t ibang tuntuning
tinalakay sa ilalim ng aspektong perpektibo.

Samakatwid, ang aspektong imperpektibo ay tulad din ng aspektong perpektibo,


inuulit lamang ang unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat.

 Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo - Naglalarawan ng kilos na hindi


pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig-
patinig o unang patinig ng salitang-ugat o pangngalang hango. Walang
pagbabago sa taglay na panlapi.

Samakatwid, ang aspektong panghinaharap ay tulad din ng anyong pawatas;


inuulit lamang ang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat. Ang tanging
taliwas sa tuntunin ay ang banghay sa –um/-um-. Ang panlaping –um/-um- ay
nawawala sa aspektong panghinaharap.

 Aspektong Perpektibong Katatapos - Nagsasaad ng kilos na kayayari o


katatapos lamang bago nagsimula ang pagsasalita. Lahat ng kayarian sa
aspektong katatapos lamang ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng
unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang-ugat.

C. Aktibiti

Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay gagawa

nang isang kanta na gamit ang pandiwa at isulat ito sa Manila Paper.

Rubriks:

Pagkamalihain at Orihinalidad- 25%

Kaugnayan sa Tema- 25%

Kabuuang Pagtatanghal- 50%

KABUUAN – 100%
D. Abstraksyon

Ang guro ay may ipapakita na iba’t-ibang larawan na nagsasaad ng kilos gamit ang

springboard at mag tatanong sa mag-aaral kung ano ang nakikita nila sa larawan. At
dito isasaulat nang guro kung ano ang tatalakayin sa araw na ito.

E. Analisis

Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga batang naglalaro, tumatalon, tumatakbo,

sumasayaw at umaawit.

Guro Mag-aaral

Ano ang mga nakikita nyo sa larawan? - Mga batang naglalaro

-tumatalon, tumatakbo,

-Sumasayaw, at umaawit.

Ano kaya ang tawag sa kanilang ginagawa? -Ito po ay tinatawag na pandiwa.

Bakit mo nasabing ito ay Pandiwa? -Dahil ito po ay nagsasaad nang kilos.

Sino ang makapagbibigay nang - (Ang mag aaral ay ay magbibiggay ng

Halimbawa ng pandiwa? ng halimbawa ng pandiwa)

Ang Pandiwa ay may apat na aspekto,

Ano-anu ang mga iyon? - Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo,

- Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo,

-Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo at

-Aspektong Perpektibong Katatapos


Ano ang kaibahan nila? (Ang mag-aaral ay sasagot sa tanong ng guro.)

F. Pagsasanay:

Panuto: Salungguhitan ang mga mga Pandiwa sa pangungusap at suriin ito sa kung
anong

aspekto ng Pandiwa.

1. Itinapon ni Colleen ang regalo ni Josh.

2. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.

3. Nagluto si Ina ng masarap na aroscaldo.

4.Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

5. Si Noel ang naatasang magbenta ng prutas.

6. Nagtakbuhan sina Lyn at Joy ng tumahol ang aso.

7. Labis na natutuwa si Ivan sa marking kaniyang nakuha.

8. Nasamid ni Vanessa ang mesa dahil sa pangingingiliti ni Justin

9. Buong gabi niyang katext si Juan kaya bumagsak si pagsusulit si Maria.

10. Nasaktan si Maricar ng siya ay lumisan.

G. Paglalahat:

Ilang bahagi ng aspekto ng - Apat po

pandiwa mayroon tayo?

Ano-ano ang mga iyon? -Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo,

-Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo,


-Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo at

-Aspektong Perpektibong Katatapos

Kailan natin malalaman na ito’y pandiwa

at kung sa anong aspekto ng pandiwa ito na

pabilang?

H. Aplikasyon:

A. Kompletuhin ang Tsart.

Salitang-ugat Naganap/ Perpektibo Nagaganap/ Magaganap/


Imperpektibo Kontemplatibo
natutulog

sumagot sasagot

binasa babasahin

kakain

awit umaawit

B. Isulat ang tamang angkop ng pandiwa sa patlang. Gawing patnubay ang salitang-
ugat na nasa

loob ng panaklong.

(ligo) 1. Si Lito ay ___________ tuwing umaga.

(luto) 2. Si Nanay ay __________ ng pansit sa makalawa.

(walis) 3. _________ ng bakuran si Yaya noong isang buwan.


(kain) 4. _________ mo na ba ang tsokolateng binigay ko sa iyo noong karawan mo?

(kanta) 5. ________ ni Jose ang Sana bilang kanyang presentasyon sa buwan ng Wika.

IV. Takdang Aralin:

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Lapatan ng angkop na paglalapi ang


mga

sumusunod na pangungusap ayon sa ibinigay na salitang-ugat at aspekto ng pandiwa.


Isulat ang

nabuong salita sa inilaang pangungusap.

1. lungkot (kontemplatibo)

Ang pag-alis mo ay __________.

2. tanim (kontemplatibo)

_________ sila ng mga maraming puno.

3. basa ( perpektibo)

_________ niya ang kwento.

4. gawa (perpektibo)

_________ niya ang isang mahusay na programa ang mga biktima ng bagyo.

5. tupad (kontemplatibo)

________ ang local na pamahalaan ang batas laban sa illegal na pagmimina.

6. awit (impertiktibo)

_________ niya ang kanta ni Ana.

7. tuwa (kontemplatibo)

________ nila ang pangangalaga ninyo ng inang kalikasan.

8. luto (kontemplatibo)

_____________ niya ang pagkain para sa mga nangangailangan.


9. alis (impertiktibo)

Sila ay _________ sa kanilang lugar dahil sa matinding baha.

10. mungkahi (kontemplatibo)

________ niya sa kongreso ang batas na magsusulong sa pangangalaga sa kalikasan.

You might also like