You are on page 1of 9

FILIPINO-PANDIWA

I. Basahin at unawain mabuti ang mga tanong o pangungusap. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw.


a. Pandiwa
b. Pang-uri
c. Pang-ukol

2. Aspekto ng pandiwa na naglalarawan sa kilos na gagawin pa lamang o mangyayari


pa lang.
a. Perpektibo
b. Imperpektibo
c. Kontemplatibo

3. Ito ay tinatawag ding imperpektibo kung saan nagpapakita na ang pandiwa ay


kasalukuyang nangyayari o palang ginagawa.
a. Naganap
b. Nagaganap
c. Magaganap

4. Labis na naghihinagpis si Joshua sa pagpanaw ng kanyang lola.


a. perpektibo
b. imperpektibo
c. katatapos

5. Aspekto ng pandiwa na nagpapakita ng pangyayaring tapos na.


a. Kontemplatibo
b. Imperpektibo
c. Perpektibo

6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng pandiwa na nasa


aspektong kontemplatibo?
a. Si Neneta ay magluluto ng masarap na ulam mamaya.
b. Naghuhurumintado ang mga bubuyog sa aking puso noong nakita ko ang
aking sinisinta.
c. Ang mga prayle ay nagalit sa mga sinulat na nobela ni Jose Rizal.

7. Mahirap mang tanggapin na ika’y lilisan na sa aking piling, ikaw ay patuloy ko pa ring
mamahalin. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng TAMA?
a. Ang salitang may salungguhit ay nasa aspektong kontemplatibo.
b. Ang pandiwang lilisan ay naganap na.
c. Ang salitang lilisan ay hindi salitang kilos.

8. Musmos pa lamang ay natuto na ako sa mga mabibigat na gawain dahil sa


maagang pagkawala ng aking mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang
pandiwa?
a. musmos
b. natuto
c. mabibigat

9. Piliin ang pangkat na may tamang mga pandiwa na nauugnay sa isang gawain.
a. Paglalaba= kasasampay, kahihiga, kahuhukay
b. Pagluluto= kumakain, nagsasampay, naghahalo
c. Paglilinis= nagligpit, magwawalis, nagpupunas

10. Ang aking ina ay palaging namamalengke.


a. kontemplatibo
b. perpektibo
c. imperpektibo
MGA TAMANG SAGOT:
1. A
2. C
3. B
4. B
5. C
6. A
7. A
8. B
9. C
10. C
II. Punan ang patlang ng tamang pandiwa base sa aspektong hinihingi.
MGA TAMANG SAGOT
1. NAGLALABA
2. MALILIGO
3. KUMAIN
4. NAGBABASA
5. MAGDADASAL
6. NAGTITIWALA
7. INILAGAY
8. TATAYO
9. DINADAMAYAN
10. SUSULATAN
11. TINAPIK
12. MAGDIRIWANG
13. PINUTOL
14. NAG-EEHERSISYO
15. SUMAYAW
III. Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Kulayan ang kahon ng pinakaangkop na
pandiwa base sa panahong naibigay.

1. Si Jai ay (naglinis, naglilinis, maglilinis) ng bahay araw-araw.

2. Si Mael ay (nagbisikleta, nagbibisikleta, magbibisikleta) kahapon.

3. Si Merrick ay (nagpalipad, nagpapalipad, magpapalipad) ng saranggola tuwing

bakasyon.

4. Si Tami ay (nagsipilyo, nagsisipilyo, magsisipilyo) kagabi.

5. Si Raffa ay (pumunta, pumupunta, pupunta) sa Cebu sa susunod na buwan.

6. Si Mark ay (umawit, umaawit, aawit) bukas.

7. Si Mario ay (natulog, natutulog, matutulog) noong Martes sa Eskwelahan.

8. Si Sally ay (kumain, kumakain, kakain) kanina.

9. Si John ay (nagsulat, nagsusulat, magsusulat) ngayon.

10. Si Kath ay (nagluto, nagluluto, magluluto) mamaya.


Mga tamang sagot:

1. Si Jai ay naglilinis ng bahay araw-araw.

2. Si Mael ay nagbisikleta kahapon.

3. Si Merrick ay nagpapalipad ng saranggola tuwing bakasyon.

4. Si Tami ay nagsipilyo kagabi.

5. Si Raffa ay pupunta sa Cebu sa susunod na buwan.

6. Si Mark ay aawit bukas.

7. Si Mario ay natulog noong Martes sa Eskwelahan.

8. Si Sally ay kumain kanina.

9. Si John ay nagsusulat ngayon.

10. Si Kath ay magluluto mamaya.


IV. Panuto: Suriin ang aspekto ng mga pandiwang may salungguhit sa teksto. Isulat ang
mga pandiwa ayon sa hanay na dapat kalalagyan sundin and pormat sa ibaba.

Ang Aking Inspirasyon

“ Tumayo ang lahat at tayo’y mananalangin.”

Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang sa aking


buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking kamag-aral ay
natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino na. Sa tuwing magtuturo
siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang dumadaldal. Ang buong klase ay
nag-aabang ng bagong kaalaman na ibabahagi niya sa amin.
Gustong-gusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang pampanitikan. Dito ko
natutuhan na ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Buong puso at galak
siyang nagtuturo at ito’y walang halong pagkukunwari. Kaya marami akong natutuhan sa
kanya. Naunawaan ko na sa iba’t ibang panahon malaki ang naging papel ng manunulat
sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.
Parang kailan lang, sampung taon na pala ang nakalilipas. Subalit sa puso’t diwa ko
ay parang kahapon lang. Isa ako sa nag-aaral sa kaniyang paaralan. Ngayon, ganap na
akong isang guro ng Filipino na sumunod sa yapak ng isang gurong nagsilbing inspirasyon ng
aking buhay. Minsan, pinuntahan ko ang paaralang aking pinagtapusan kung saan siya
nagtuturo upang mabisita at personal na pasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan,
ang guwardiya na nagbabantay ang aking napagt anungan. Ang tanong ko’y “ nariyan ba
si Ma’am?”. Ang sagot niya “ kaaalis lamang niya ng dumating ka .” Hindi man kami
nagtagpo sa oras na iyon, subalit sa puso ko natagpuan ko ang natatanging guro na
nagsilbing tanglaw sa landas ko.

Aspektong Aspektong Aspektong Aspektong


Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo
MGA TAMANG SAGOT:

Aspektong Aspektong Aspektong Aspektong


Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo

Sumunod natutuhan natutuwa mananalangin

itinuro Pinuntahan Nakikinig mabisita

Dumating nagtuturo

Nagtagpo nag-aabang

Tumayo dumadaldal

ibinabahagi

You might also like