You are on page 1of 6

ASPEKTO NG PANDIWA BATAY SA

PANLAPING GINAMIT

A. Naaalala mo pa ba ang mga ginawa mo kaninang umaga?

Ano naman ang ginawa mo ngayon?


Ano naman ang gagawin mo mamaya?
Itala mo sa hanay sa ibaba.

Ginawa ko Ginagawa ko Gagawin ko


kaninang umaga ngayon mamaya

Masipag ka palang bata. Marami ka palang kayang gawin. Ipagpatuloy mo!

B. Iayos ang mga titik upang makabuo ng pandiwa.

1. tawumi

1
(ginagawa mo kapag itinataas ang watawat)
2. agmabas (may hawak kang aklat)
3. smalutu (may pinakopya ang guro)
4. idinilgid (ginagawa mo tuwing umaga sa mga halaman)

Kung ganito ang sagot mo, tama ka!

1. umawit
2. magbasa
3. sumulat

1
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

1. Saan nais pumunta ng dalawang bata?


2. Ano ang gagawin nila doon?
3. Ano ang hinihinging kundisyon ni Ben?

Ganito ba ang sagot mo?

1. Sa ilog
2. huhuli ng isda
3. hindi sila maliligo

Anu-ano ang mga pandiwang nabanggit sa dayalogo?


Isulat mo ito sa hanay sa ibaba.

Pandiwang Ginagamit
Salitang ugat Panlapi
sa dayalogo

pumunta punta um
sumama sama um
huhuli huli hu
malilligo ligo ma

Magaling! Napatunayan mo na ang pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat


at panlapi.

B. Ngayon ay pansinin mo at suriin ang pagbabago sa anyo ng pandiwa.

Salitang ugat Ginanap Ginaganap Gaganapin


1. lakad naglakad kumuha naglalakad maglalakad
2. kuha sumulat niluto kumukuha kukuha susulat
3. isulat sumusulat lulutuin
4. luto niluluto

Napansin mo ba ang pagbabago sa anyo ng mga pandiwa batay sa


aspekto at panlaping ginagamit tulad ng:

Naglakad – ang nag ay naging mag sa aspektong gaganapin at inuulit


ang pantig na la sa aspektong ginaganap.

Ganyundin din sa sumusunod pang pandiwa. Ano ang pagbabago sa


anyo ng pandiwang kumuha? sumulat? niluto?

1
Tama ba ang iyong pagsusuri? Magaling!

C. Isulat ang pandiwang nawawala ayon sa aspekto nito:

Ginanap Ginaganap Gaganapin


1. kinalimutan
2.
3. nagdarasal
4. tumakbo darating
5. sinasakop

Mahusay ka, kung ganito ang sagot mo.

Ginanap Ginaganap Gaganapin


1. kinakalimutan kakalimutan
2. nagdasal 3. magdarasal
dumating dumarating
4. tumatakbo tatakbo sasakupin
5. sinakop

ISAISIP MO

Aspekto ang tawag sa katangian ng pandiwa na nagsasaad ng isang kilos na


naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang.

May tatlong aspekto ang pandiwa.

1. Naganap na – ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakabit


ng panlapi o gitna ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa - maglaro

2. Nagaganap – ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakabit ng


panlapi sa unahan o gitna ng salitang-ugat at pag-uulit ng unang
pantig sa salitang-ugat.
Halimbawa - naglalaro
3. Gaganapin pa lamang– ito ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagkakabit ng panlapi sa unahan o hulihan ng salitang-ugat at
pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa - maglalaro

1
Pagsanayan Mo

Piliin ang mga pandiwang ginagamit sa talata. Isulat ang panlapi at aspekto
nito sa iyong sagutang papel.

Minsan, isinama ako ni Lolo sa bukid. Masaya sa bukid habang nagtatanim


ang mga tao. May tumutugtog ng gitara at may umaawit.

Mahusay ka, kung ganito ang sagot mo.


Pandiwa Aspekto Panlapi
isinama - ginanap - in
nagtatanim - ginaganap - nag
tumutugtog - ginaganap - um
umaawit - ginaganap - um

SUBUKIN MO

Handa ka na ba sa isa pang pagsubok?


Piliin mo sa panaklong ang angkop na pandiwa sa pangungusap.

1. Labis na (natuwa, natutuwa, matutuwa) ang magulang ni Gloria nang


tumanggap siya ng medalya noong nakaraang pagtatapos.

2. (Uminom, Umiinom, Iinom) ng gamot si Aling Aida gabi-gabi.

3. Ang aming pamilya ay (nagbakasyon, nagbabakasyon,


magbabakasyon) sa Antipolo sa susunod na Linggo.

4. Ang lalawigan ng Quezon ang (itinuring, itinuturing, ituturing) na


pinakamahabang lalawigan sa PIlipinas.

5. (Umawit, Umaawit, Aawit) ang mga kinatawan ng bawat


Sangguniang Kabataan sa darating na pista ng bayan.

Ganito ba ang iyong mga sagot:

1. natuwa
2. Umiinom
3. magbabakasyon
4. itinuturing
5. Aawit

1
Kung di mo nakuha ang lahat ng tamang sagot, balikan mo ang
pagsubok. Tingnan ang nagawang pagkakamali. Kung okey naman,
matagumpay mong natapos ang modyul na ito.
Binabati kita.

You might also like