You are on page 1of 2

Pandiwa

Pandiwa – mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw.

Tatlong Aspekto o Panahunan ng Pandiwa:

1. Nagawa Na – kapag ang kilos ay tapos na o nagawa na.

halimbawa: umuwi, nagdasal, binuhat

2. Ginagawa Pa – kapag ang kilos ay ginagawa pa o kasalukuyang nangyayari.

halimbawa: umaakyat, bumabangon, nagdadasal, binubuhat

3. Gagawin Pa Lang – kapag ang kilos ay gagawin pa lang sa hinaharap. Ang mga salitang
pampanahong mamaya, bukas, sa Linggo, sa susunod na buwan ay mga hudyat

na ang pandiwa ay gagawin pa.

halimbawa: aakyat, manghihingi, papasukin

A. Bilugan ang mga pandiwang nasa aspektong nagawa na.

1. nagbigay naputol manggulo umiyak

2. sanayin nanghingi kumapit nag-usap

3. nagusot umalis magalit kinagat

4. pinalo sirain naglaro natakot

5. mang-away tumakas inakay uminom

B. Kahunan ang mga pandiwang nasa aspektong nagawa na.

1. Nabali ang sanga ng punungkahoy.

2. Malakas niyang hinataw ang bola.

3. Si Ramon ay maagang gumising.

4. Nagdasal sa chapel ang mag-aaral.

5. Naghiram siya ng aklat sa guro.

C. Tukuyin ang mga pandiwang nasa aspektong ginagawa pa sa bawat pangkat. Bilugan ang mga ito.

1. natutuwa sumama nanghahagis inuukit

2. kinain naglalaba nabubuo inaalok

3. nanghihingi umaasa natakot tinatanaw


4. sumasagot kinakagat umani nagsasaka

5. nagugutom pumapalakpak tinatahi sumalok

D. Buuin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang aspektong ginagawa pa ng pandiwang nasa
panaklong.

(gumising) 1. Araw-araw, si Greta ay nang maaga.

(maligo) 2. siya matapos ihanda ang kanyang mga gamit.

(isuot) 3. niya ang kanyang uniporme at sapatos.

(kumain) 4. siya ng almusal kasabay ng mga magulang at kapatid.

(magsipilyo) 5. Tiniyak niyang siya matapos kumain.

E. Ikahon ang mga pandiwang nasa aspektong gagawin pa.

1. binasa binabasa babasahin

2. nagdarasal nagdasal magdarasal

3. tatakas tumatakas tumakas

4. inawit aawitin inaawit

5. nanggagaya manggagaya nanggaya

F. Kumpletuhin ang tsart

Pangungusap Pandiwa Salitang - ugat Panlapi


hal. Nagtago ang bata sa poste. nagtago tago nag-
1. Nagkasundo sa wakas ang magkaibigan
na ikinatuwa naman ng kanilang guro.
2. Sila ay lalahok sa paligsahan sa pag-awit
na gaganapin sa Children’s Day.
3. Magsasanay sila nang isa o dalawang
oras araw-araw
4. Makikinig sila ng tape tulad ng ginagawa
nina Reggie at Noel.
5. Dalawang beses nanalo si Reggie dahil
araw-araw siyang nagsasanay.

You might also like