You are on page 1of 41

WEEK 7 - DAY 1

• Identify action words in oral and written exercises


MT1GA-III-i-2.2.1
• Use action words to give simple two to three-step directions
MT1GA-IIIi-i-1.4.1
Balik Aral
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang
tungkol sa pagsasalaysay ng kuwentong
nabasa o napakinggan. Mahusay mong
nailahad ang nangyari sa magkaibigang
Langgam at Tipaklong.
LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
natutukoy mo ang aspekto ng pandiwa at
nagagamit ito sa pagbibigay ng panuto.
Inaasahan din na natutukoy mo ang mga
salitang kilos sa pangungusap.
Paggamit ng
Pandiwa at
Pagsunod sa
Panuto
Ano-anong kilos ang kaya
mong gawin? Alam mo ba
kung ano ang tawag sa mga
ito?
Ang Pandiwa ay
salitang nagpapahiwatig
ng kilos o galaw.
Mga Halimbawa ng Pandiwa

Naglalakad Nagsusulat Kumakain


Magbigay ng
halimbawa ng
Pandiwa
Tandaan:
Ang Pandiwa ay salitang
nagsasaad ng kilos o galaw
Pagtataya:
Bilugan ang pandiwang ginamit sa pangungusap
1. Nagluto si nanay ng masarap na ulam.
2. Maagang naligo si Shaira kahit walang pasok.
3. Kakain kami ng halo-halo sa bayan.
4. Maglalaba ako mamaya.
5. Si tatay ay nagtatanim sa bukid.
WEEK 7 - DAY 2
• Identify action words in oral and written exercises
MT1GA-III-i-2.2.1
• Use action words to give simple two to three-step directions
MT1GA-IIIi-i-1.4.1
Balik Aral
Isakilos ang mga pandiwang babanggitin ng
guro.
1. nagwawalis
2. sumasayaw
3. nagbabasa
Paggamit ng
Pandiwa at
Pagsunod sa
Panuto
Ngayong araw ay muli nating
pag-aaralan ang tungkol sa
pandiwa
Ano-ano ang
ginagawa ninyo
araw-araw?
Halimbawa
Ako ay naliligo tuwing umaga.
Ako ay naghuhugas ng pinggan.
Nagdidilig ako ng halaman sa hardin.
Naglilinis ako ng aming bahay.
Nag-aaral ako ng aking aralin.
Tandaan:
Ang Pandiwa ay salitang
nagsasaad ng kilos o galaw
Pagtataya:
Iguhit ang masayang mukha kung ito ay salitang
kilos at malungkot na mukha kung hindi.
_____ 1. Natulog
_____ 2. aso
_____ 3. Umakyat
_____ 4. umiiyak
_____ 5. Ate
WEEK 7 - DAY 3
• Identify action words in oral and written exercises
MT1GA-III-i-2.2.1
• Use action words to give simple two to three-step directions
MT1GA-IIIi-i-1.4.1
BALIK ARAL
Ano ang tawag sa mga salitang
nagsasaad ng kilos o galaw?
LAYUNIN
Ngayong araw ay muli nating pag-
aaralan ang tungkol sa pandiwa at
sa aspekto nito.
Paggamit ng
Pandiwa at
Pagsunod sa
Panuto
Sa tulong pandiwa, malalaman kung
ginawa na, ginagawa o gagawin pa
lamang ang isang aksiyon o kilos.
Mauuri sa tatlo ang tinatawag na
panahunan o aspekto ng pandiwa
ASPEKTO NG PANDIWA
1. Pangnagdaan - kung naisagawa na o
natapos na ang kilos o aksiyon.
Halimbawa:
Nagbasa si Eugene ng tula.
Naglakad si Jane nang mas mabilis.
ASPEKTO NG PANDIWA
2. Pangkasalukuyan – kung ngayon
ginagawa o nangyayari pa lamang ang
isinasaad na kilos o aksiyon.
Halimbawa:
Nagbabasa si Eugene ng tula.
Naglalakad si Jane nang mas mabilis
ASPEKTO NG PANDIWA
3. Panghinaharap - kung gagawin o
mangyayari pa lamang ang kilos o aksiyon.
Halimbawa:
Magbabasa si Eugene ng tula.
Maglalakad si Jane nang mas mabilis.
Mula sa mga halimbawa ay nakita mo na naiiba
ang anyo ng pandiwa ayon sa kung kailan
naganap o magaganap ang kilos. Tingnan ang
talahanayan:
Tukuyin kung ang salita ay nasa aspektong
pangnagdaan, pangkasalukuyan o
panghinaharap.

1. Namamasyal
2. Nagtanim
3. Magsusulat
4. Naglilinis
5. Tatakbo
Tandaan:
Ang tatlong aspekto ng pandiwa
ay ang
• Pangnagdaan
• Pangkasalukuyan
• Panghinaharap
Pagtataya:
Tukuyin ang hinihinging aspekto ng pandiwa. Isulat sa
patlang ang inyong sagot.
WEEK 7 - DAY 4
• Identify action words in oral and written exercises
MT1GA-III-i-2.2.1
• Use action words to give simple two to three-step directions
MT1GA-IIIi-i-1.4.1
Balik Aral
Ano ang tatlong aspekto ng
pandiwa?
LAYUNIN
Ngayong araw ay muli nating pag-
aaralan ang tungkol sa pandiwa at
sa aspekto nito at ang paggamit ng
pandiwa sa pagbibigay ng panuto.
Paggamit ng
Pandiwa at
Pagsunod sa
Panuto
Tukuyin ang angkop na pandiwa sa
pangungusap.

1. Kanina, (A. nagising, B. nagigising, C.


gigising) ako dahil sa ingay ng aso.
2. Kasalukuyan niyang (A. binuksan, B.
binubuksan, C. bubuksan) ang pinto ng
kanilang kuwarto.
3. Kaarawan ko bukas kaya (A.
nagluto, B. nagluluto,
C. magluluto) si Lola ng masarap
na pansit.
Gumagamit din ng pandiwa sa pagbibigay ng
panuto.
Halimbawa:
Hakbang sa Pagluluto ng Kanin.
1. Magtakal ng bigas.
2. Hugasan ang bigas.
3. Lagyan ito ng tubig
4. Isalang sa kalan
Tandaan:
Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay
ang Pangnagdaan, pangkasalukuyan at
panghinaharap.
Gumagamkt din tayo g pandiwa sa
pagbibigay ng panuto.
Pagtataya:
Punan ng salitang kilos ang patlang upang mabuo ang
panuto. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno.
1. _____ ng isang puno. (A. Kulayan; B. Gumuhit)
2. _____ ang bilang na 1, 2, at 3. (A. Isulat; B. Kulayan)
3. _____ ng tatlong ulit ang kanang paa. (A. Ipadyak; B.
Itago)
4. _____ nang malakas ang tula. (A. Awitin; B. Basahin)
5. _____ ang palad o kamay. (A. Ibuka; B. Ipikit)

You might also like