You are on page 1of 4

Filipino 3

Quarter 3
Week 4

Aralin: Paggamit ng Salitang Kilos


Layunin
 Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal
na karanasan F3WG-IIIe-f-5

Balik-aral:
Kopyahin ang salitang kilos na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa papel ang
iyong sagot.
1. Nagsisipilyo ako ng ngipin araw-araw.
2. Kami ni Nena at Popoy ay nag-iigib ng tubig.
3. Binunot ni kuya ang mga puting buhok ni Mama.
4. Ang mga aso ay tumatakbo nang mabilis.
5. Kaming magkapamilya ay sama-samang naglinis ng bahay.

Alamin:
Ang salitang kilos ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ito
ay ginagamit sa pagsasalaysay ng mga pangyayaring natapos na, kasalukuyang
ginagawa, katatapos lamang at gagawin pa.
Tinatawag din itong pandiwa.
Ang mga salitang kilos ay magagamit mo rin sa pagsasalaysay ng sariling
karanasan.

Halimbawa.
inayos- Inayos ko ang laruan ni Mila.
naligo- Maaga kaming naligo sa sapa ni Kiko.
kumain- Kumain ako ng gulay upang maging malusog.

Gawain 1
Basahin ang talata. Pagkatapos, kopyahin ang grapikong pantulong at isulat dito ang
mga salitang kilos o pandiwang ginamit.
Nakikinig ng radyo si Belen nang biglang may kumatok. Tumingin siya sa
kanilang pintuan. Masayang-masaya siyang niyakap ng kanyang mga magulang na
kauuwi lamang galing sa ibang bansa.Tumalon sa tuwa si Belen sa mga regalong
kaniyang natanggap.

Salitang Kilos

Gawain 2
Basahin ang talata. Pagkatapos, pumili ng limang salitang kilos at gamitin ito sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno gamit ang tsart sa ibaba.

Hindi Mapantayang Saya


Tuwing Sabado, pumupunta kami ng aking pamilya sa dagat upang maligo.
Masaya kaming magkakapatid na tumatakbo sa tabing dagat at naglalaro ng
buhangin.
Hindi rin nakalilimutan ni kuya na magdala ng saranggola.Pinalilipad namin ito
nang sabay-sabay. At dahil hilig ko ang musika, kinakantahan ko sila sabay ang
pagtugtog ni Inay ng gitara habang ang iba ay sumasayaw sa indayog ng kanta.
Walang makapapantay sa sayang dala kasama ang aking pamilya.
Salitang kilos Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.

Tandaan:
Ang salitang kilos ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ito
ay ginagamit sa pagsasalaysay ng mga pangyayaring natapos na,kasalukuyang
ginagawa, katatapos lamang at gagawin pa.
Tinatawag din itong pandiwa.
Ang mga salitang kilos ay magagamit mo rin sa pagsasalaysay ng sariling
karanasan.

Pagtataya:
Sumulat ng pangungusap na naglalahad ng sariling karanasan batay sa ipinapakita
sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1._______________________________________________

2. ________________________________________________

3. _________________________________________________
4._________________________________________________

5.___________________________________________________

You might also like