You are on page 1of 7

MAPEH 3

QUARTER 3
WEEK 4
MUSIC

ARALIN: Malakas, Katamtaman at Mahinang Musika

LAYUNIN:
Nakalilikha ng mga halimbawa ng musikang malakas, katamtaman, at mahina.

BALIK-ARAL:
Gayahin ang mga tunog ng mga sumusunod.
1. dyip
2. gitara
3. tambol

ALAMIN:
Ang daynamiks ay maaaring maging malakas, katamtaman, o mahina. Maaaring magbago ang lakas
o hina ng isang awitin o piyesa ng musika sa iba’t ibang bahagi nito. May mga panahong mabilis
ang paglakas o paghina ng isang musika, at may mga oras namang unti-unti o dahan-dahan lamang
ang pagbabago ng lakas o hina nito.

Ang tunog ay nakararating sa ating mga pandinig sa pamamagitan ng sound waves. Ito ay hindi
nakikita, ngunit nararamdaman natin ang pagdaloy nito lalo na kung ito ay malakas. Gamit ang iba’t
ibang makabagong teknolohiya ay nakukunan sa retrato ang hitsura ng tunog at nasusukat din ang
lakas o hina nito. Batay rito, ang hitsura ng sound wave ay mga guhit na tila bumubuo ng mga alon.

tunog ng daga

tunog ng pusa

tunog ng tren

Mapapansing kapag mas mahina ang tunog ay mas maliit ang daloy ng sound wave na nalilikha
nito. Kapag mas malakas naman ang tunog ay mas malaki ang daloy ng sound wave na nalilikha
nito.

GAWAIN:

Suriin ang mga sumusunod na halimbawa ng sound waves. Hanapin ang wastong paglakas o
paghina nito sa mga pagpipilian sa kanan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A. malakas – katamtaman – mahina

B. mahina – katamtaman – malakas

C. Hindi nagbabago ang lakas o hina

D. Nagsasalitang malakas at mahina

TANDAAN:
Mahalagang umayon ang lakas o hina ng musika upang maging natural ang tunog nito, at
maipahayag ang wastong damdamin o kaisipan ng kompositor at musikero. Tandaan na mas kaaya-
ayang dinggin ang musikang may daynamiks dahil ito ay mas madamdaming itanghal at pakinggan.

PAGTATAYA
Buuin ang talata sa ibaba. Gawin sa isang malinis na papel.

Ang ____________ ay nakapagpapayabong sa pagkamalikhain ng mga____________ Tulad


ng iba’t ibang palabas, ang musika ay ginagamit din sa paghahatid ng mensahe, damdamin, o
kaisipan. Magiging mabisa ang ____________ ng mga saloobing ito kung may angkop na
daynamiks ang mga tunog at __________ . Tandaan, ang isang mahusay na musikero ay may
gumagamit ng iba’t ibang antas ng daynamiks.

daynamiks musikero paglalahad salita

ART

ARALIN: Paggawa ng Istencil

LAYUNIN:
Nalalaman na ang disenyong limbag ay maaring gawin nang paulit ulit gamit ang mga kamay o makina.
Naibabahagi ito sa iba.
Nailalarawan ang disenyong ginawa.

BALIK-ARAL:
Ano ang Finger Printing?

ALAMIN:
Ang paglilimbag ng disenyo gamit ang istensil (istencil design) ay maaring gamitin nang paulit ulit sa iba’t
ibang bagay, kagamitan,o damit.

GAWAIN:

Paggawa ng Istesil o Stencil Design

Tignan sa pahina 182-183 ang pamamaraan sa paggawa ng istensl.

TANDAAN:
Ang limbag istensil o istensil print design ay maaring paramihin nang paulit ulit gamit ang kamay o
makina.

P.E
ARALIN: Oras, Lakas at Daloy

LAYUNIN:
Naisasagawa ang iba’t ibang klase o halimbawa ng iba’t ibang kilos sa iba’t ibang oras, lakas
at daloy.

ALAMIN:
Basahin o kantahin ang awiting “Magtanim Ay ‘Di Biro” ng Bulilit Singers. Maaaring
humingi ng tulong sa mga nakatatanda upang malaman ang paraan ng pag-awit sa kanta.
Awitin ang lirikong nasa ibaba:

Magtanim Ay D’i Biro

Magtanim ay ‘di biro,

Maghapong nakayuko.

‘Di man lang makaupo,

‘Di man lang makatayo.

Halina, halina, mga kaliyag.

Tayo'y magsipag-unat-unat.

Magpanibago tayo ng lakas,

Para sa araw ng bukas!

Araw araw ay nakakagawa ka ng iba’t ibang klase ng kilos o paggalaw. Ang bawat pagkilos aydapat
na isinasagawa sa wastong paraan. Wasto sa puwersa o lakas na ibinibigay sa paggawa, wasto
sa bilis o bagal ng kilos, at wasto pagdating sa daloy ng kilos. Ang bawat kilos na ating isinasagawa
ay natatangi. Madali mong makikita ang kanilang mga kaibahan kung iyo itong susuriin. Lalo
pagdating sa epekto na dulot ng oras, lakas, at daloy sa iyong mga kilos. Ang mga elementong ito ay
dapat na maisaalang-alang sa tuwing ikaw ay gagalaw.

GAWAIN:

Gumuhit ng tatlong magkakaibang kilos ayon sa lakas. Lagyan ng pangalan o label ang bawat kilos.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba pagkatapos gumuhit. Gawin ito sa isang malinis na sagutang
papel.
Mga Tanong:

1. Aling pagkilos sa iyong mga iginuhit ang nangangailangan ng may pinakamalakas na puwersa?
Bakit?

_________________________________________________________

2. Aling pagkilos sa iyong mga iginuhit ang nangangailangan ng pinakamahinang puwersa? Bakit?

_________________________________________________________

TANDAAN:
Araw araw ay nakakagawa ka ng iba’t ibang klase ng kilos o paggalaw. Ang bawat pagkilos aydapat
na isinasagawa sa wastong paraan.

PAGTATAYA:
Lahat ng kilos ay naaapektuhan ng:

Buuin ang talata sa ibaba. Hanapin sa kahon ang tamang sagot.

bilis gaan malaya

bigat bagal ‘di-malaya

Ang ay ay naipaghahambing ayon sa ____________ at sa ____________.


Ang ay naipaghahambing ayon sa ____________ at

sa ____________ . Ang ay naipaghahambing ayon sa ____________

at sa ____________ .

HEALTH
ARALIN: Ang mga Karapatan Ko.

LAYUNIN:
Napapahalagahan ang karapatan ng isang mamimili sa pagpili ng isang produkto at serbisyo.

BALIK-ARAL:
Ano ang mga katangian ng isang matalinong mamimili

ALAMIN:

Bahagi na ng buhay ng bawat mamimili na bumili ng produkto at serbisyo upang matugunan ang
pang-araw-araw na pangangailangan. Bilang mamimili, dapat tayo ay may kaalaman sa mga
pamamaraan ng tamang pagpili at pagsusuri ng produkto at serbisyo.

GAWAIN:
Binigyan ka ng iyong magulang ng halagang P50 pambili ng iyong pagkain habang ikaw ay nag-
aaral.
Alin sa mga ito ang pipiliin mo? Bakit? Isulat ang sagot sa sa iyong sagutang papel.

Hamburger Sopas
P35.00 P 20.00 Softdrinks
P 35.00

TANDAAN:
Bilang mamimili, karapatan natin na pumili ng isang produkto at serbisyo.

PAGTATAYA:
Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

- Ano ang huli mong binili? Bakit mo ito binili?


- Ano ang pamantayan mo sa pamimili?
- Sa tingin mo b a tama ang pamatayan mo sa pamimili? Bakit?

You might also like