You are on page 1of 4

WORKSHEETS IN MAPEH 2

3rd Quarter, 5th Week


April 19 - 23, 2021

Pangalan: _______________________________________________ Baitang: _________________

MUSIC: distinguishes the dynamics of a song or music sample (MU2DY-lllc-2)

Lakas o Hina ng Musika

Sa araling ito, matutukoy mo ang lakas o hina ng isang awitin o musika sa


pamamagitan ng pakikinig at pagsasagawa nito.

Paghambingin ang mga larawan sa ibaba. Alin rito ang nagpapakitang dapat
lakasan ang narinig na musika? Alin naman ang nagpapakitang dapat hinaan ang narinig
na musika?

Noong ikaw ay nasa unang baitang, natutuhan mo ang iba’t ibang halimbawa ng
malalakas at mahihinang tunog. Sa mga nakaraangaralinaynapag aralan mo na man ang
mga instrumentong may malalakas o mahihinang tunog, at maging ang malakas o
mahinang pag-awit. Ngunit paano nga ba ito ginagamit sa musika?

Gawain 1: Gumuhit sa loob nang larawan ng maliit na bilog “ o ” kung ang tunog ng
musika sa larawan ay mahina. Gumuhit naman ng malaking bilog “ O ” kung ang tunog ng
musika sa larawan ay malakas.

1
Gawain 2: Kumuha ng kahit na anong bagay na maaaring patunugin. Awitin o patugtugin
ang kantang “May Tatlong Bibe” nang dalawang beses. Sa unang beses, awitin ito sa
mabagal at mahinang paraan. Sa pangalawang beses, awitin ito sa mabilis at malakas na
paraan.

Batayan ng Pagbibigay ng Puntos

Nakaaawit ng may bahaging malakas at mahina 5 puntos

Nabibigkas ng malinaw ang mga salita 5 puntos

Kabuuan10 puntos

ARTS: creates a print on paper or cloth using cut – out designs (A2PR-lllg)

Paggupit at Paglapat

Ano-ano ang mga disenyong kaya mong gawin sa pagguhit? Paano gagamitin ang
lapis, gunting, at papel bilang gabay nito?

Sa araling ito, makakaguhit ka ng mga hugis o larawan sa papel o tela gamit ang
mga ginupit na disenyo. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano-anong mga disenyo ang
iyong nakikita? Kaya mo ba itong gawin?

Ang istensil ay isang manipis na bagay na may butas, na siyang gabay sa pagguhit
ng mga hugis o titik sa pamamagitan nangpagkulay sa loob ng butas na ito. Kadalasan,
ang istensil ay gawa sa patag at manipis na papel, plastik, kahoy, o bakal, at may
kaukulang hugis o disenyo ang balangkas ng butas nito.

Gawain 1: Gumawa ng isang disenyong istensil sa isang tela o papel. Sundan ang mga
sumusunod na hakbang upang makapag-lapat ng mga hugis o letrang iyong nais.

2
1.Iguhit o iprint ang 2. Gupitin ang balangkas nito.
disenyong inyong gustong Kung maaari ay butasan at
gawin bilang balangkas ng simulan ang paggupit sa
inyong likhang sining. loob ng nabuong balangkas.

3. Ikabit ang iyong stencil 4. Kulayan ang mga layer


sa ibabaw ng tela o papel ng2-3 sa tuktok ng stencil.
gamit ang tape. Gumamit ng isang brush
o espongha sa pagkulay
ng stencil.

5. Hayaan ang pintura na 6. Ngayon ay may


matuyo bago alisin ang nagawa ka nang isang
stencil. likhangsining gamit ang
stencil.

PE. Moves at slow, slowest/fast faster, fastest pace using light, lighter, lightest/ strong,
stronger, strongest force with smoothness (PE2BM-lllc-h-19)

Ritmikong Gawain
Ang ating pagkilos ay maihahalintulad sa pagsasayaw. May mga kilos tayong
isinasagawa sa limitadong pagkilos at may mga kilos na naisasagawa sa malayang
pagkilos. Ang mga pagkilos na katulad ng pagsasayaw ay maaaring alinman sa dalawa.
Sa ngayon ay mag-aaral tayo ng ibat-ibang kilos sa pagsayaw na ating gagamitin sa iba-
ibang tugtog o tunog.

Swing Step (Step, Close, Point) – Humakbang gamit ang


kanang paa kasunod ng pagsasara ng hakbang gamit
ang kaliwang paa. Iangat ang katawan nang bahagya
sa pamamagitan ng pagtingkayad o pag-angat gamit
ang mga daliri sa paa. Gawin din ito sa kaliwa, gamit
ang kaliwang paa upang ihakbang kasunod ng pagsara
ngkanang paa. Muling iangat nang bahagya ang
katawan sa pamamagitan ng pagtingkayad.

Touch Step (Point, Close) – Ihakbang ang kanang paa sa


pagitan ng harap at kanang bahagi ng iyong puwesto o
45° mula sa harap papuntang kanan. Sa paglapag ng
iyong paa ay ituro gamit ang mga daliri sa paa ang
lapag. Isara ang mga paa sa pamamagitan ng pagbalik
ng paa sa unang puwesto. Sinusundan ito ng parehong
kilos sa kabilang paa.
Point Step (Step, Point) – Ihakbang ang kanang paa
kasunod ng pagturo gamit ang kaliwang paa papunta
sa kaliwa. Kasunod nito ay ihakbang ang kaliwang paa
kasunod naman ang pagturo gamit ang kanang paa.
Maaari itong gawin sa kahit anong direksiyon.

3
Close Step (Step, Close) – Ihakbang ang kanang paa sa
harapang bahagi ng iyong puwesto. Isara ang mga paa
gamit ang paghakbang ng kaliwang paa papunta sa
kanang paa. Gawin din ito sa kaliwang paa sa
pamamagitan ng paghakabang ng kaliwang paa at
pagsara ng mga paa gamit ang kanang paa. Maaari
itong gawin sa kahit na ano at paanong direksyon.

Hop Step (Step, Hop) – Humakbang gamit ang kanang


paa. Kasunod nito ay paglukso gamit ang kanag paa at
pagbagsak gamit pa din ang parehong paa. Kasunod
nito ay ang paggawa din nito sa kaliwang paa sa
pamamagitan ng paghakbang gamit ang kaliwang
paa habang sinusundan ng pagukso gamit pa din ang
kaliwang paa at pagbagsak sa parehong paa.

Maaaring gamitin ang mga pagkilos ng pagsayaw na mga ito sa mga tugtog na may 2/4
na metro o sukat. Halimbawa ay ang kantang “Pamulinawen”. Ang Pamulinawen ay isang
kantang Ilokano na patungkol sa matigas na puso ng isang babae. Maaari nating gamitin
ang mga kilos sa sayaw sa mga ganitong uri ng awitin.
Gawain 1: Isagawa ang sumusunod na simpleng sayaw at ritmikong kombinasyon sa
wastong paraan at sa nakasaad na bilang kasabay ng kantang “Pamulinawen”.
- Swing Step (16 counts) - Touch Step (16 counts)
- Point Step (16 counts) - Close Step (16 counts)
- Hop Step (16 counts)
HEALTH: explains the benefits of healthy expressions of feelings (H2FH-lllef-13)
Wastong Pagpapahayag ng Damdamin
Ang emosyon o damdamin na ating nararamdaman ay naka depende sa pangyayari na
ating nararanasan. Pansinin ang larawan. Pangalanan ang iba’t ibang damdamin na iyong
nakikita.

Tayo ay nakakaramdam ng ibat ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, galit, pagkatakot
o pagkagulat . Ang mga nabanggit na damdamin ay maaringmakita o ating
maipapahayag sa pamamagitan ng ekspresyon ng ating mukha, kilos ng katawan at
lakas ng boses. Napakahalaga na alam natin at nasasabi kung ano ang damdamin o
emosyon ang ating nararamdaman.

Gawain 1: Sagutan ang Gawin A - B sa pahina 398 – 399 at Palalimin sa pahina 400 ng
inyong aklat sa Mapeh. Ilagay ang inyong sagot sa inyong Mapeh Notebook.

You might also like