You are on page 1of 15

GRADE 3 MAPEH (MUSIC)

WEEK Tempo: Bilis at Bagal ng Musika


1
Aralin
I
Ang musika ay maaaring mabagal, katamtaman o mabilis. Ang
bilis o bagal sa musika ay tinatawag na tempo. Ito ay mahalagang
elemento ng musika.

Tingnan ang nasa larawan. Kilalanin ang bawat isa. Isulat kung
mabilis o mabagal ang kilos ng sumusunod na hayop. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. 2. Pagong
Ibon

3. Kuneho 4. Aso

5. Cheetah

1
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa tulong at gabay ng magulang o
nakatatandang kasama sa bahay, gayahin ang kilos ng mga hayop.

Hayop Kilos

Dumipa na parang lumilipad

Mabilis na tumatakbo

Tumatalon

Gumagapang

Lumulukso

2
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa tulong at gabay ng iyong
magulang o nakatatandang kasama sa baya, awitin ang “Mga
Alaga Kong Hayop” habang isinasagawa ang mga kilos ng hayop na
mababanggit na may angkop na bilis at bagal.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek (√) kung ang nasa


larawan ay gumagalaw ng mabilis at ekis (X) naman kung
mabagal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.
4.

2.

5.

3.

3
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin ang tempo upang
maihambing ang galaw ng mga hayop. Isulat kung mabilis,
katamtaman o mabagal ang kinakailangan. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Ibon lumilipad
2. pusa tumatakbo
3. aso lumulukso
4. pagong gumagapang
5. kuneho lumulukso

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Lagyan ng tsek (√) ang angkop na kahon ayon sa
mga kasanayan na nasa unang hanay . Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Higit na
Mahusay Katamtaman Nanganga-
mahusay ilangan ng
Kasanayan tulong
3 2 1
4
1. Nagagaya ng
tama ang kilos ng
tinutukoy na hayop.

2. Naisagawa ang
iba’t ibang tempo sa
pamamagitan ng
kilos ng katawan.

3. Naka-susunod sa
pagbabago ng
tempo sa musika.

4
GRADE 3 MAPEH (ARTS)

WEEK
1
Finger Puppet
Aralin

I
Ang araling ito ay naglalayong matutuhan ang mga eskultura
na may tatlong dimensiyon at makilala ang iba’t-ibang disenyo ng
puppet na gawa sa Pilipinas. Layunin din nito na mahubog ang
kakayahan ng mo sa paggawa ng puppet.
Ang puppet ay isang bagay na karaniwang kahawig ng isang
tao, hayop, at iba pang pigura. Ito ay karaniwang minamanipula ng
tao o “puppeteer” na siya ring madalas na nagsasalita sa tinig ng
karakter ng puppet. Karaniwan nilang ginagamit ang kamay sa
paggalaw ng mga puppet. Ito ay mga sinaunang anyo ng teatro.
Ang Teatro Mulat at Anino Theater Group ay ilan sa mga teatrong
gumagamit ng puppet. Maraming iba’t-ibang uri ng puppet ang
ginagawa mula sa iba’t-ibang materyales.
Sa Pilipinas,ang mga bata ay namamangha sa likod ng sining
ng paggawa ng mga manika o tau-tauhan.
Mga Uri ng Puppet
Finger Puppet. Ito ay isang simple at maliit na uri ng puppet na
umaangkop sa daliri.
Sock Puppet. Ito ay isang uri ng puppet na pangkamay at
karaniwang yari sa medyas. Ito ay kinokontrol gamit ang isang kamay
na sumasakop sa loob ng puppet at gumagalaw sa paligid.
Hand Puppet. Ito ay katulad ng isang puppet sa kamay ngunit mas
malaki at karaniwang yari sa “foam” at tela.
Rod Puppet. Ang puppet na ito ay minamanipula gamit ang patpat
na kinokontrol ang paggalaw ng ulo,kamay at paa ng puppet.
Giant Puppet. Ang puppet na ito ay kasinlaki ng tao na gawa sa
“foam” at karaniwang yari sa “fiber glass” ang ulo nito. Ang
kumokontrol nito ay nasa loob ng puppet na nakakalakad
Stick Puppet. Ito ay yari sa karton at patpat. Ang pagkontrol nito ay sa
pamamagitan ng patpat.

5
Shadow Puppet. Ito ay yari din sa karton at patpat ngunit ang
pagmamnipula nito ay sa likod ng puting tela na iniilawan sa likod
ng puppet.
Black Theater Puppet. Ang puppet na ito ay yari sa “foam”, lubid, tela
at nilamnan ng ibang bagay. Ang buong katawan nito ay
nakokontrol. Ang mga gumaganap na “puppeteers” ay nasa likuran
na gumagamit ng itim na ilaw upang magliwanag ang disenyo at
kulay ng puppet.
String Puppet. Ito ay yari sa kahoy o goma at ginagamitan din ng tela,
pisi at maliit na kawad. Ang pisi ay nakalakip o nakatali sa puppet
na siyang nagpapagalaw ng ulo, kamay, binti at paa ng puppet,
dahilan kung bakit tinawag itong “string puppets”. Ang mga
“puppeteers” ay nasa taas ng improbisadong entablado.
Sa paggawa ng puppet maaari ring gumamit ng mga
patapong bagay at kung anumang bagay na magagamit o makikita
sa tahanan.
Ang mga puppet ay epektibo ring ginagamit sa pagtuturo at
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay ginagamit sa pagkukuwento
at dula-dulaan.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang mga larawan sa sa Hanay A.
Itambal ang bawat isa sa uri ng puppet sa Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. A. Giant Puppet

6
2. B. Shadow Puppet

3. C. Finger Puppet

4. D. Rod Puppet

5. E. String Puppet

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Suriin ang mga larawan sa ibaba at


sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong masasabi mo sa mga larawan?


2. Paano kaya minamanipula ang mga puppet sa larawan?
3. Kaya mo bang gumawa ng puppet? Ihanda ang sarili sa susunod
na gawain.

7
GRADE 3 MAPEH (P.E)

WEEKS Mga Kilos-Lokomotor at Di-Lokomotor


1-2
Aralin

I
Sa araling ito, mauunawaan at maisasagawa mo ang mga
kilos-lokomotor at di-lokomotor. Ito’y nangangailangan ng
maingat na nakaplanong panuto. Makapagsasanay ka rin at
maagang mawawasto ang mga maling pagsasagawa ng mga
kilos.
Ngayon ay humanda ka sa mga gawain. Pag-aralan at gawin
ang sumusunod na pampasiglang ehersisyo.
A. Mag-jogging sa kinatatayuan.........................(8 bilang)
B.Lumakad sa kinatatayuan................................(8 bilang)
C. Inhale-exhale.........................................(10 bilang)
D. Head Bend
*Paharap na may suporta ng kamay….(4 bilang)
*Pahuli na may suporta ng kamay...........(4 bilang)

*Patagilid sa kanan na may suporta ng kamay


……………………………………..………(4 bilang)
*Balik sa posisyon.............................................(4 bilang

8
E. Head Twist
* Pagpihit ng ulo pakanan…..(4 bilang)
*Balik sa posisyon..........................(4 bilang)
*Pagpihit ng ulo pakaliwa......(4 bilang)
* Balik sa posisyon.....................(4 bilang)

F. Shoulder Circle: nakababa ang mgakamay


sa tagiliran
*Paharap..........................(4 bilang)
*Pahuli...............................(4 bilang)
*Kamay sa dibdib na ang palad
ay nakaharap sa baba

G. Trunk Twist
* Pakanan...................(4 bilang)
*Balik sa posisyon
*Ulitin sa kaliwa….....(4 bilang)
*Balik sa posisyon.......(4 bilang)

9
H. Knee Stretching/Pushing
* Tumayo nang tuwid na ang
mga kamay at paa ay
magkalayo, kamay sa harapan
na nakahawak sa tuhod…
.............................................(bilang
4)
*Dahan-dahang ibaba ang
Katawan...........................(bilang 4)
*Balik sa posisyon

I. Ankle (foot) Circle


* Itaas ang kanang paa
* Iikot pakanan 4 bilang at
pakaliwa 4 bilang

J. Panimulang posisyon half knee bend


*Mag-inhale habang dahan-
dahang iniuunat ang mga tuhod,
ang mga braso sa tagiliran ay
dahan-dahang itinataas. (8
bilang)
a. M a g - e x h a l e h a b a n g
dahan-dahang ibinabalik ang
mga braso sa dating posisyon
(ulitin ng
3 beses)

10
May mga gawain na maaaring kilos-lokomotor o di-lokomotor.
Tingnan at pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Kopyahin at sagutan ang graphic
organizer. Maaring maglagay ng tatlo hanggang limang halimbawa sa kolum.

Mga kilos na kaya kong


gawin sa loob ng
tahanan.
Kilos lokomotor Kilos di lokomotor

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Ang kombinasyon ng mga pangunahing ay
nakatutulong upang ang_________________na
kasanayan sa pamamagitan ng pagsasanay ng kilos ng
sa pansarili at pangkalahatang _ .
Ang pagkakaisa ay nakaaambag sa tagumpay ng pangkat.

kilos madebelop pisikal katawan espasyo

11
GRADE 3 MAPEH (HEALTH)

WEEK Ligtas sa Kalsada


1 Aralin

I
Sa araling ito, makatutulong sa iyo ang mga kaalaman upang
maging ligtas ka sa pagtawid sa kalsada.
Pamilyar ka ba sa mga larawan na nasa ibaba. ? Saan kaya
ito makikita? Ano kaya ang kahalagahan ng mga ito?

May mga patakaran sa kalsada na dapat sundin - katulad ng


pagtawid. Makikita rin natin ang mga babala sa kalsada tungkol sa
pangkaligtasang gawi.
Pag-ukulan natin ng pansin ang mga ilaw trapiko, gaya ng
pula, dilaw, at luntian (berde), na kusang nagsasalit-salitan sa
pagpatay at pagsindi sa mga magkabilang daan. Mayroon kang
tatlong kulay ng ilaw na makikita. Ang luntiang ilaw ay kumakatawan
sa pagsulong o “go”. Paghahanda naman o “ready” para sa dilaw
at paghinto o “stop” naman para sa kulay pula.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa
impormasyong nabasa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Saan ka dapat tumawid ayon sa patakaran ng kalsada?
2. Ano-anong kulay ang makikita mo sa ilaw trapiko?
3. Ano ang ibig sabihin ng kulay pula, dilaw, at berdeng ilaw trapiko?
4. Bakit kailangang sumunod sa batas ng kalsada ang mga taong
naglalakad?

12
Narito ang mga sumusunod na simbolo sa kalsada. Basahin ito
at pag-aralan.

Riles ng Tren
Ilaw Trapiko

Ilaw para sa Tawiran


Hinto

Pook Tawiran
Tawiran para sa Tao

Isang Linya/Daanan
Bawal Tumawid Lamang

Pook Paaralan
Bawal Pumasok

Pook Ospital Tawiran para sa Tao

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang mga simbolo na makikita
sa kalsada sa Hanay A sa paglalarawan nito sa Hanay B. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. A. Bawal Pumasok

2. B. Pook Paaralan
C. Pook Tawiran
3.
D. Ilaw para sa Tawiran

E. Ilaw Trapiko
4.
F. Pook Ospital

5.

13
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang bawat pangungusap sa
ibaba. Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad ng wastong pagsunod
sa batas sa kalsada at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
1. Ang ilaw trapiko ay may asul, berde at dilaw.
2. Ang kulay berde ay nangangahulugan na “stop” o tigil.
3. Ang kulay dilaw ay ang paghinto ng mga sasakyan.
4. Ang kulay pula ay ang paghinto ng tao o ng sasakyan.
5. Maaaring tumawid sa anumang tawiran basta mabilis
tumakbo.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Iguhit ang masayang mukha  kung
ang isinasaad ng pangungusap sa ibaba ay nagpapakita ng ligtas na
pagtawid sa kalsada at malungkot na mukha naman  kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Tumingin muna bago tumawid.
2. Makinig muna sa mga ugong ng sasakyan bago tumawid.
3. Maaaring tumawid kahit hindi sa pook tawiran.
4. Laging sumunod sa batas trapiko.
5. Maglaro sa gitna ng kalsada.

A
Punan ng wastong salita ang sumusunod na mga pangungusap
tungkol sa kaligtasan sa kalsada. Piliin ang sagot sa kahon. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Kailangang bago tumawid. Tumingin sa


at kanan. Makinig sa mga ugong ng sasakyan bago
. Dapat sumunod sa trapiko at
mga sa kalsada ukol sa pangk
gawain.

kaliwa huminto batas


simbolo tumawid itaas

14

You might also like