You are on page 1of 2

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY

STO. CRISTO ELEMENTARY SCHOOL


Ilocos Sur St. Bago Bantay, Quezon City
MTB-MLE2 (Ikatlong Markahan_Unang Lagumang Pagsusulit)
Inihanda ni: Gng. Shirley R. Marco

Pangalan: _______________________________________ Baitang/Seksyon: ______________

I. Basahin at unawain ang kwento. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga
katanungan.

Ang Magsasaka
Akda ni Michelle M. Aquino

Napakagandang isla ang nakagisnang tirahan ni Amado.Napaliligiran ito ng


dagat at ilog na kung saan sari-saring isda ang mahuhuli. Sa dakong hilaga nito ay
bukid na hitik sa bunga ng mga iba’t ibang gulay at prutas. Sa silangan naman ay
tanaw mo ang mga bundok. Araw-araw siyang namimitas ng mga gulay at
prutas. At sa dakong hapon naman ay nagtutungo siya sa ilog upang manghuli ng
isda.
Minsan nagkaroon ng malakas na bagyo binaha at nasira lahat ang kanilang
mga pananim. Nalungkot si Amado sa nangyari dahil wala ng siyang maipapakain
sa kaniyang pamilya. Subalit hindi siya nawalan ng pag-asa. Humingi siya ng tulong
sa kaniyang kaibigan at siya ay tinulungan. Muli siyang nagtanim at ito’y muling
namunga. Tuwang-tuwa si Amado at nagpasalamat sa panginoon sa masaganang
niyang ani.

1. Sino ang tauhan sa kuwento?


A. Amado B. Armando C. Dante
2. Saan ang tagpuan ng kuwento?
A. bahay B. ilog C. isla
3. Ano ang makikita sa dakong hilaga ng isla?
A. bundok B. ilog C. bukid
4. Ano ang nangyari sa kuwento?
A. Sinira ang mga tanim B. Nasunog ang mga tanim
C. Nagkaroon ng bagyo at nasira ang mga tanim.
5, Kanino siya humingi ng tulong?
A. kapatid B. kaibigan C. kapitbahay

II. Ibigay ang salitang kilos na pinapakita ng bawat larawan.

_______________________ ____________________________ _______________________


___________________________ _______________________

III. Bilugan ang pandiwa naganap na sa bawat pangungusap.


1. Maagang nagising si Gloria dahil sa malakas na tilaok ng tandang.
2. Binuksan niya ang pinto at mga bintana ng kanilang sala.
3. Narinig ni Boyet ang ingay ng mga sasakyan sa labas.
4. Sabay-sabay kumain ng almusal ang buong mag-anak.
5. Sa loob ng banyo nagsipilyo ng ngipin si Gloria.

You might also like