You are on page 1of 1

Unang Lagumang Pagsusulit sa

Araling Panlipunan 2
Ikatlong Markahan

Pangalan: _____________________________________________Petsa: ___________


Baitang at Pangkat: ___________________________________Marka: __________

Maraming biyaya ang Diyos sa ating komunidad. Ang lupa, gubat, mineral at tubig ay mga
likas na yaman na kaloob ng Diyos sa atin. Ang likas na yaman ay mga bagay na nagmumula sa
kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan, mga
ilog at lawa maging ang mga deposito ng mineral. Ang mga ito ay tinatawag na kayamanang
mana ng bansa. Dalawa sa ating likas na yaman ay makikita sa mga anyong lupa at anyong
tubig. Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong lupa ay tinatawag na yamang lupa.
Ang mga bagay na nakukuha sa mga anyong tubig ay tinatawag na yamang tubig.

Panuto: Magbigay ng 5 halimbawa ng likas na yaman at gamitin ito sa pangungusap.

Halibawa: Isda 1. Ang aking nanay ay bumili ng isda.

____________1. _____________________________________________________________________

____________2. _____________________________________________________________________

____________3. _____________________________________________________________________

____________4. _____________________________________________________________________

____________5. _____________________________________________________________________

II. Panuto: Iguhit sa patlang ang mukhang masaya  kung ang pahayag ay TAMA at
mukhang malungkot  kung ang pahayag ay MALI.

__________1. Ang maling paraan ng pagtapon ng basura ay nagdudulot ng baradong kanal na


sanhi ng pagbaha.
__________2. Ang mga usok mula sa pabrika at sasakyan ay nagdudulot ng suliraning
pangkapaligiran.
__________3. Isa sa pangunahng suliranin na nakaaapekto sa kapaligiran ang kawalan ng disiplina
ng mga tao sa pagtatapon ng mga basura.
__________4. Ang pagkamatay ng yamang dagat ay bunga ng mga basurang itinatapon sa
katubigan.
__________5. Ang maruming hangin at tubig ng komunidad ay maaaring maging sanhi ng
komplikasyon sa katawan ng mga tao at mga hayop.

III. Panuto: Lagyan ng tsek( / ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng tamang
gawain at ekis (X) ang hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

________1. Pagtatapon ng basura sa estero o kanal.


________2. Paghihiwalay ng basurang nabubulok at hindi nabubulok.
________3. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
________4. Pagsusunog ng mga basura.
________5. Pagtatanim ng mga puno.

Inihanda ni : Genevi C. Fernandez

You might also like