You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

BASILAN STATE COLLEGE


LABORATORY HIGH SCHOOL
Sta. Clara off-site Campus, Lamitan City, Basilan
School I.D. 600119

QUARTER 1 MODULE 2
ARPAN 7
Name:_____________________________________ Date:__________
Section:________________________________ Output No:_______

Aralin 1
Likas na Yaman sa Asya

Likas na Yaman- ito ay yamang natural na hindi ginawa o binago ng tao.

Apat na Uri ng Likas na Yaman


1. Yamang Lupa- ito ay mga yamang galing sa lupa, hayop man o halaman.
Halimbawa nito ay ang prutas, palay, mais, manok, baboy, kambing, baka atbp.
 Sa Timog-Silangang Asya ang Palay ay ang pangunahing produkto na iniluluwas(export) ng
mga bansang Thailand at Vietnam.

2. Yamang Tubig- mga yamang nanggaling sa tubig- perlas, koral, isda, halamang
dagat.
 Caviar ay itlog ng isdang Sturgeon na pangunahing produkto ng hilagang Asya at kilala bilang
isa sa pinakamahaling pagkain sa mundo.

3. Yamang Gubat- ang pinakamahalagang yaman hal. Troso, halamang gamot, baboy
ramo,komodo dragon at Panda.
 Ginseng(scientific name: Panax ginseng)isang tradisyonal na
halamang gamot na makikita sa kagubatan ng Korea.

4. Yamang Mineral- ito ay makikita sa mga kweba o kalaliman ng lupa.


Hal. Tanso, ginto(Chemical Symbol Au) pilak, steel, natural gas, fossil fuels,
diamante, langis at petrolyo.
 Steel ay yamang mineral na sagana sa China at Japan na sakop ng Silangang Asya.
 Ang Kanlurang Asya ang pinakamalaking prodyuser ng langis at petrolyo sa buong mundo.

Isang biyaya ang ituturing kung ang isang bansa ay masagana sa likas na yaman. Marami sa
mga bansa sa Asya ay papaunlad dahil sa kasaganahan nito sa likas na yaman. Ang mga mauunlad
na bansa ay dito kumukuha ng mga hilaw na materyales o sangkap upang makabuo ng bagong tapos
na produkto. Sa paglaki ng produksyon ang ilan ay gumagamit ng mga makabagong pamamaraan at
makinarya upang maiproseso ang mga hilaw na sangkap.
Ang mga likas na yaman ng lupa at tubig ang may pinakamahalagang kontribusyon sa buhay
ng tao. Dito sa mga likas na yamang ito nabubuhay ang tao, sa yamang ibinibigay ng lupa sa
pamamgitan ng pagsasaka at ang yamang binibigay ng tubig sa pamamagitan ng mga iba’t ibang
klaseng isda sa karagatan.
Sa paglipas ng panahon ang pag-unald ng Asya ay nagdudulot ng pagka-ubos ng mga likas na
yaman nito. Nakasalalay sa kasalukuyang henerasyon ang mabuting pangangalaga at tamang
paggamit ng mga biyayang ito.

Suriin

Gawain 1: Letra-Ayos!

Panuto: Isaayos ang mga letra upang malaman ang katumbas na salita sa ibinigay na kahulugan.

YALPA 1. Ito ay yamang makikita sa lupa na siyang pangunahing pagkain


ng mga tao sa Asya . ____________________

DAIS 2. Isang likas na yaman na nakikita sa tubig na lumalangoy at kalimitang inuulam.


______________________

N IG O T 3.Yamang likas na makikita sa kailaliman ng lupa na


kalimitang ginagawang alahas na may mataas na halaga
sa pamilihan.
________________

YOBAB 4. Ito ay yamang lupa na kalimitang inaalagaan sa likod bahay upang gawing
karne. ___________________

Y O B A B-O M A R 5.Isang mabangis na hayop na tinutugis ng mga mangangaso sa


kagubatan upang gawing karne. ___________________

SNUBAG 6. Ang pambansang isda ng Pilipinas. __________________

OYLROTEP 7.Isang yamang mineral na ginagamit sa pagpapaandar ng sasakyan at


makinarya.________________________

ALIGA 8. Ito ay Yamang gubat na tinaguriang pambansang ibon ng Pilipinas.


_______________

RRANA 9. Ito ay yamang gubat na tinaguriang pambansang punong-kahoy ng


Pilipinas._________________

YOGNI 10.Halimbawa ng isang yamang lupa na ang bunga nito ay ginagawang kopra.
______________________

PREPARED BY:

ROWENA J. UTOD
ARPAN SUBJECT TEACHER

You might also like